Chapter 2

204 18 3
                                    


Stalker



Naglakad kami papunta sa Lounge kung saan naghihintay si Gav, Ngunit ang isang ito naman ay lakad ng lakad hindi man lang nagsasalita. What's up with him? 



"I though you're a tourist here." Sabi ko sakanya upang bumasag ng katahimikan.


"Hmm, that's why you took a picture of me." Ani nya at inilapit ang mukha nya sa akin. tumitig sya sa aking mata. Holy shit! 


"I didn't. Yung dagat ang kinukuhanan ko ng litrato...nakaharang ka sa view, I didn't know the flash was on..." Pagsisinungaling ko. What i did was very embarrassing!


"Ilang taon ka nang nandito sa San Isidro?" pagiiba ko ng topic.


"Almost 3 years." Tipid nyang sagot. 


Dapat pala ay mas inagahan ko ng uwi dito sa pilipinas.


Natanaw ko si Gavin na nakaupo sa Lounge.  malaki ang kanyang ngisi dahil may kausap syang babae. here we go again. My mom thinks he's a good boy. pati si lola ang tingin sakanya ay isang napaka bait na bata. 


"Gav, let's go." tawag ko sakanya. Agad naman syang tumayo at nagpaalam sa kanyang kasama.


Habang naglalakad kami pabalik ng Villa ay panay naman ang bati ng mga tao sakanya. it's look like he's friend of everyone.


"Raigh! ipakilala mo naman ako sa anak ni Sir." rinig kong bulong ng isang lalaki. Kasing tanda ko lang ata sya. Nang napatingin sya sa akin ay nag lahad sya ng kamay.


I was about to shook the hand of the guy pero agad nyang tinapik ang kamay nang lalaki!


"No..." malamig nyang sabi  


"Tsss. Shake hands lang naman!" angal ng lalaki.


"So when are you going to teach me to surf?" Rinig kong tanong ng kapatid ko. feeling close talaga.


"it's up to you, i have spare surfboard i can lend you that." Sagot naman ni Raighley. Pero pag ako naman ang kumakausap sakanya sobrang tipid magsalita.


Whatever.


Nakarating na kami sa Villa at nakita ko si mommy naghahanda ng meryenda, humalik ako sa pisngi nya. 


"Where's lola mom?" Tanong ko.


"Nasa taas nagpapahinga. How was your day today?"


"T'was fine." sagot ko at tinikman ang icing sa cake. My mom loves to bake.


Scattered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon