Chapter 18

126 7 0
                                    


Palawan



"46...47..48...49...50!" pagbibilang ko habang nag pu-push up si Raighley. nakaupo ako sakanyang likod habang ginagawa nya iyon kaya halos mainis sya sakin dahil sobrang bagal ko mag bilang. hahaha.


Sumalampak sya sa sahig dahil sa pagod at tumatagatak ang kanyang pawis. Nakita ko naman ang atensyon ng mga babae sakanya. ang isa pa nga ay muntik ng masubsob sa tread mill. Ofcourse, who won't drool over him? look at those biceps and damn abs.


"You're weak, 50 lang pala ang kaya mo." pang aasar ko sakanya at pinunasan sya ng pawis.


Lahat kami nandito sa gym dahil bukas na ang alis namin patungo sa Palawan. Sila Michelle at Lexi ay abala sa pag zu-zumba habang ang mga Boys naman ay nag li-lifting. Halos matanggal na ata ang leeg ng ibang babae kakatingin sakanila.


Napanganga naman sya sa sinabi ko. "What?! that is more than a 50 push-ups, Baby, you're unfair huh." Ani nya at humalakhak.


Kinuha nya ang isa kong kamay at dahan dahan nyang inihaplos iyon sa kanyang dib-dib at pababa sa kanyang abs. "Why? this is not enough for you?" He smirks. Kinurot ko naman sya sa kanyang tyan. ang tigas ha.


Tumawa lang sya sa ginawa ko. He look so innocent whenever he smile. tumayo ako sa pag kakaupo ko at pumunta sa treadmill. nakita ko naman doon si Oliva na nag te-treadmill din.


"Dito lang ako, join them." Baling ko sakanya at tinuro sila Blake.


"Alright, but i'll keep an eye on you." Ani nya at pinuntahan na din sila Blake. panigurado akong tuwang tuwa ang mga mokong dahil pinapalibutan sila ng mga babae. Haysss.


"What the! they're really crazy!" hindi makapaniwalang sambit ni Oliva. tumingin naman ako sa tinitignan nya. Kitang kita kong sabay pinapalo ng kambal ang mga pwet ng babaeng palabas ng gym! ang mga babae naman ay tuwang tuwa pa!


"Indeed crazy." yan na lang ang nasabi ko.


Halos 30 minutes at sobrang tagaktak na ang ang pawis ko. si Oliva ay naupo muna saglit dahil mahigit naka isang oras na din sya sa pagtatakbo.


"Hey, Miss, need a instructor?" tanong ng isang lalaki na malaki ang katawan. Hindi ko alam kung sino ang tinatanong nya dahil pabalik-balik ang kanyang tingin sa amin ni Oliva. Ibinaling ko na lang ang tingin ko sa iba.


"I can be your instructor, for free." Anyaya ng lalaki. na kay Oliva na ang paningin nya ngayon.


"Hep! Hep! Hep! She doesnt need Instructor, Bro. I am her ONLY Instructor." biglang singit ni Max at hinarangan ang lalaki. ang bilis naman ng isang 'to.


"Ohh...Okay." Ani ng lalaki at tinaas ang kanyang dalawang kamay.


Scattered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon