Chapter 8

148 9 0
                                    

Kiss


Mahigit Ilang buwan na ang nakaraan. Hindi rin ako masyado lumalabas ng Villa dahil kung lalabas man ako ay nakasunod naman ang mga asungot na bodyguards, kaya mas gugustuhin ko na lang dito sa Villa. Ang ginagawa ko lang buong buwan ay ang magpunta sa Garden at mag gym, Si Gavin naman ay nasa Summer training nya sa School.


Kung makita ko man si Raighley ay madalas din, dahil halos araw-araw sya nandito sa Villa. madalas kasi sya ipatawag ni Daddy pero hanggang titigan lang muna kami pag pumupunta sya dito.  Lagi naman kami magkausap sa text, tawag at skype. Minsan, palihim din kaming nag uusap. Hindi ko rin itatanggi na higit  sa magkaibigan kami pero hindi ko alam kung anong tawag sa meron kami ngayon.


"Ate, punta ka na lang sa school mamaya, i'll wait you there." Ani ni Gavin sakin habang sinisintas ang kanyang sapatos.

Kailangan kasi namin magsukat ng uniform namin dahil pasukan na Next week.

"Okay, take care." Baling ko sakanya at pinisil ang kanyang pisngi at tumakbo sa kwarto ko para di nya ako magantihan. I lock the door.

Nagbukas ako ng laptop ko at nagtingin sa Facebook. Nakita ko naman na may message doon si Raighley. agad sumilay ang ngiti sa aking labi.

Raighley:

You goin' to school later? I want to talk to you and i wanna see you real close :(

Napangiti naman agad ako sa sad face na emoji nya. Abot langit din ata ang ngiti ko.

Me:

Yup. I'll buy a uniform :)


Ilang saglit lang ay nag reply na din sya.

Raighley:

Mmm, can i call?

Bago pa ako makapag reply sakanya ay nag ring na ang cellphone ko. Napailing akong natawa dahil nag paalam pa sya pero hindi rin naman nya hinintay ang permisyo ko.

Sinagot ko agad ang tawag nya. "Hey,"

"Can you watch our game? I want my lucky charm to watch me." His voice is damn sexy lalo na pag kausap mo sya sa phone.

Hindi ako agad nakasagot sa tanong nya. Naiinis kasi ako pag nakikita ko yung tatlong asungot na bodyguards na nakasunod saakin, for fuck sake I'm not a child anymore!

"Please? Nothing's gonna happen to you while i'm here." He said softly.


Kinagat ko ang labi ko. "Okay, magpapaalam lang ako kay Daddy." sagot ko naman.

I can't resist him you know. Ni hindi nga ako mapakali pag hindi ko sya makita kahit isang araw lang.

"No need for you to do that, because I'm here to pick you up. Ako ang mag papaalam kay tito." Matigas nyang sabi. Halos manlaki ang mata ko sa sinabi nya. Dad doesn't know anything about us! Baka magalit iyon at pag bawalan kami sa kung anong meron saamin. I want him!


"What? Baka magalit si Daddy!"


"Hushh, Ferleigh, baby, calm down okay? I got this." natatawang sabi nya.

Scattered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon