Chapter 28

46 3 1
                                    



Fight

It's been a week has passed. Kaya halos isang linggo ko narin syang iniiwasan. I've been very cold to him, acting as if i don't care at all but deep inside it's damn killing me.

Alam kong selfish ang gagawin kong desisyon. Alam kong selfish na saktan sya ng ganitong paraan.

But whay should i do? Stay with him and not to break his heart or let my family starve to death and let my brother die because of his sickness?

I love him so much but of course, i love my family too at gagawin ko ang lahat para sakanila. Even it means breaking the heart of the person whom i love so much.

"So anong gagawin mo? Hindi naman pwedeng iwasan mo lang sya habang buhay. Kawawa naman yung tao, isang linggo nang nag mamakaawa sa'yo na kausapin mo!" ani nya at umiling.

I sighed "I know, Oliva. Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan tuwing nakikita ko syang ganyan? Kung nasasaktan sya, mas...nasasaktan ako!"

Ikinuwento ko kasi kay Oliva ang lahat. She knows everything. Sya din ang nag bibigay sa'kin ng payo.

"Then go and break up with him already! Hindi yung unti unti mo syang sinasaktan at pinag mumukang tanga." Ani nya habang abala sa kanyang cellphone.

"Hindi 'yon ganun kadali tulad ng iniisip mo. I need time. I need to think about everything. Hindi ko sya kayang saktan ng ganun lang,"

"Baka ikamatay ko." ani ko naman at halos tulala sa kawalan.

Kailangan ko ng oras. Baka pwede pa. Baka magawan ko pa ng paraan. Baka may maisip pa ako na paraan para hindi ko sya tuluyang masaktan dahil alam ko sa sarili ko na ayaw ko rin na saktan sya. Ayaw kong iwan sya. Dahil naiisip ko pa lang ang pag mamakaawa ng kanyang mata ay parang ikakamatay ko na sa sakit.

Nag kibit balikat sya. "Pero yun na ang ginagawa mo. Paunti unti nga lang." ani nya sa tonong katotohanan iyon at hindi opinyon lamang.

Agad kaming natahimik ni Oliva nang pumasok si Lexi sa kwarto. Here she goes again. nakataas nanaman ang kanyang kilay na nakatingin sa'kin. Naiinis sya dahil sa pag iwas ko kay Raighley...

"Andito na sila Max kaya bumaba na kayong dalawa." mataray nyang sabi and...she just rolled her eyes on me again.

Whatever.

Ihahatid namin ngayon si Blue sa Airport. Ngayon na kasi ang flight nya papuntang Los Angeles para sa kumukuha sa kanyang isang sikat na Model Agency. Well, he really got the looks and everything.

Naririnig ko na agad ang mga ingay ng pinsan ko at nila Max sa living room. ramdam ko agad ang kalabog ng dib-dib ko. knowing that Raighley will be definitely come with us. Of course, after all he's friends with Blue also kahit na may alitan sila noon.

"Bet you, makakalimutan tayo nyan pag sumikat sya!" mapait na sambit ni Max ngunit may bahid iyon ng biro.

Siniko sya Blue. "Asshole! wag mo akong itulad sa'yo!"

Napailing ako.

"Here they are.." Tumayo na sila ng makita nila kami. Nakahinga naman ako ng maluwag ng nakita kong wala si Raighley dito. Yes, lagi syang nandito kahit na iniiwasan ko sya. Lahat ay ginagawa nya para lang kausapin ako.

"Looking for someone? He's not here. May sakit ata? Not sure." Ani ni Blue.

Lahat ata ng mata ay nakatingin sa'kin ngayon. Watching my reaction.

Scattered HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon