Hard Time
Nagpahinga muna kami saglit since mamayang 10:30 pa naman iyong party.
Pumunta na kami sa Baile Resto Bar dinig na dinig agad ang malakas na music. halos hindi na kami magkarinigan pag nagusap usap. medyo marami na ding tao karamihan ay foreigners. May billards din at may malaking Counter Bar.
"Let's bring on the night peeps!" Sigaw naman ni Blake.
Nakatatlong shots na ko ng Hennessy, ang mga pinsan ko naman ay may tama na kaunti. Kasama ko si Oliva dito sa Counter Bar habang pinapanood ang mga pinsan ko sa mga kalokohan nila.
I miss this kind of scene, pero nang makita ko ang ginagawa ni Blake at Dylan sa mga babae ay halos masuka ako.
Pumunta naman kami ni Oliva sa Dance floor para sumayaw. I'm kinda feel tipsy but i don't care.
"Oh my Gosh, Leigh, tignan mo!" Gulat na sabi Oliva at tinuro ang nasa gilid ko
Pagkalingon ko kitang kita ko na naghahalikan si Lexi at Raighley. Nakahawak pa sya sa batok nito. hindi ko makita ang reaksyon nya dahil nakatalikod sya saakin.
Fuck.
Sumikip ang dibdib ko at nahihirapan ako huminga. Pero wala akong karapatan para maramdaman ito!
Agad akong bumalik sa Counter Bar para uminom. naka tatlo ulit akong shots ng Hennessy para mawala sa isip ko ang nakita kanina.
Why am i so affected?
"Didn't know my bestfriend is heavy drinker now." Agad akong napalingon kung kanino ang baritong boses na iyon.
Nagulat ako kung sino iyon. Damn, it's been a years and He change a lot!
"Austin Theodore Monteverde!" Sigaw ko sa gulat at agad syang niyakap. He chuckled.
"Damn girl, I miss you so much." ani nya at niyakap ako pabalik. He smell so good.
We're Best friend since kindergarten, iyon nga lang umalis ako papuntang New york kaya di na kami nakakapag communicate sa isat isa.
"Kailan ka nakauwi?" Tanong nya sakin. Sobrang laki talaga ng pinagbago nya. i can't speak...I'm too shock.
Damn.
"Hey," natatawang sabi nya nang marealize nyang nakatulala ako sakanya.
Natawa ako at umiling. "N'ong isang araw lang, Where do you stay?" Tanong ko naman at nilagok ulit at ang panibagong shots.
"Sa Makati. Noong umalis ka papuntang New York, lumipat kami ng maynila, doon ako nag highschool sa De La Salle." Nakangiting sabi nya saakin at umorder ng Jack Daniels.
"You're damn hot now Theodore, parang dati lang... lagi kitang inaasar na payatot." napatingin kami sa isat-isa at sabay kaming natawa.
"I told you to stop calling me that name Venice, you know, I hate it." He said. I chuckled.
I really can't believe this. "We'll surf tomorrow, join us?" Tanong ko sakanya.
"Sure, I'm free tomorrow." ani nya sakin. May sinabi pa sya ngunit hindi ko iyon narinig kaya mas lumapit ako sakanya.
"I said, let's dance," bulong nya sakin para mas marinig ko ang kanyang sinasabi.
Inakbayan nya ako habang papunta kaming Dance floor. I'm kinda drunk nararamdaman kong medyo nahihilo na ako.
BINABASA MO ANG
Scattered Hearts
Aktuelle Literatur(Lanteigne Brother's Series #1) Wala syang ginawa kundi mahalin ka ng buo-buo, binigay nya ang lahat sayo. Pinaglaban ka nya hanggang sa kaya nya. But You scattered all his heart Pero ginawa mo lang naman iyon para sa ikabubuti nyong dalawa. He can...