Toxic"Please, sit." pormal na sabi ni Tito Rouvert.
Naupo naman agad kami. But i'm still processing everything. Hindi kasi ako makapaniwala na sya pala ang tinutukoy ni Daddy. Hindi ko 'yon inexpect.
Alam kaya ni Raighley na ang ama nya ang kausap ko ngayon? As far as i know, hindi maganda ang kanilang relasyon nila.
"Rouvert," ani Daddy na tila may pag papaalala sa tono ng papanalita.
Nakita ko ang pag uusap sa kanilang mata. Agad namang tumango si Tito Rouvert.
Nang dumapo ang tingin nya sakin ay halos dumoble pa ang kaba sa aking dibdib. His aura is damn powerful na para bang isang pitik lang ng kamay nya ay kaya nya pabagsakin ang mundo mo.
Halos mag iisang minuto na at wala pang nag sasalita sa'min. The awkwardness and tension is choking me already, Damn.
"How's my son?" Matigas na tanong nya at hindi parin inaalis ang kanyang titig sa'kin.
Ngumiti ako. Trying to look calm as much as possible.
"M-Maayos naman sya, Tito. Lagi nga po sya nandyan para tulungan kami ni Daddy." Ani ko nang may kasiyahan sa'king tono.
"I can see that.." walang emosyon nyang sabi. Nakaramdam tuloy ako ng hiya nang marealize kong awkward na sinabi kong lagi kaming tinutulungan ng anak nya.
"Uh, he's doing so well on his studies din po. He's one of the outstanding student. Mukang gusto gusto nya po ang kanyang curso na Architecture."
Proud kong sabi.Nag pakawala ako ng buntong hininga. Pinag papawisan din ako. Nang napatingin ako sa gawi ni Daddy ay nakatingin lang sya sa kawalan.
A smirk scape on his lips. "I hope you're not saying that to put him up. Wala rin kwenta 'yan dahil mas maganda kung ang kumpanya ang pinag tutuunan nya ng pansin at hindi ang walang kwentang bagay." Sarkastiko nyang sabi.
Gumapang ang inis sa aking sistema sa mga sinabi nya. Awa na rin kay Raighley dahil sarili nyang tatay ay hindi sya magawang suportahan sa gusto nya. If you love someone, you support what makes them happy. So i don't understand why his dad's like this?
"I believe na he can be successful on his own naman po by doing what he loves to do. He can make his own name by starting on his own. Believe in him Tito," ani ko.
Napatingin sya sa suot kong kwintas na bigay ni Raighley at umiling.
His laughter filled the room. He didn't laugh because he finds humor in it.
"Young lady, how can you say that? Ano ba ang alam mo sa mundong ginagalawan mo? How can you say that with your Resort so down big time?" Mapang insulto nyang sabi habang tagos ang titig sa'kin.
Damn.
"You're just his girlfriend at hindi mahalaga ang opinion mo sa buhay ng anak ko. He's my son at alam ko kung ano ang makakabuti sakanya. You have no say on that,"
"Rouvert you're below the belt to my daughter!" apela ni Daddy.
Fuck...Napayuko ako sa kahihiyan sa sinabi nya. That's an ouch for me. Tatay pa ng taong mahal ako ang nag pa mukha sakin na hindi dapat ako nakikialam sa buhay nya.
Nag angat ako ng tingin sakanya. "Yes, i am just his girlfriend who loves him so much and i will support what makes him happy! compared-"
Naputol ang sasabihin ko ng hawakan ni Daddy ang braso ko. Senyales na tumigil ako sa pag sasalita.
BINABASA MO ANG
Scattered Hearts
Narrativa generale(Lanteigne Brother's Series #1) Wala syang ginawa kundi mahalin ka ng buo-buo, binigay nya ang lahat sayo. Pinaglaban ka nya hanggang sa kaya nya. But You scattered all his heart Pero ginawa mo lang naman iyon para sa ikabubuti nyong dalawa. He can...