Twins
Nag papaturo ako ngayon kay Manang kung paano mag luto ng Sinigang na hipon. gusto ko kasing surpresahin si Raighley at ipakita sakanya na kaya ko na magluto nang hindi lang fried foods...
"Hayyy nako, Ferleigh. paano mas sasarap ang iyong niluluto kung hindi mo hinihiwa ng mabuti ang kamatis at ang sitaw ay hindi mo man lang pinutol?" Pagalit na sabi ni Manang.
Napakamot naman ako ulo ko. "Hayyy nako Manang, parehas din naman iyan nang lasa. size lang ang hindi."
"Ano ba iyan apo?" Tanong ni lola.
"Nagluluto po ako ng Sinigang na hipon Lola." Ani ko.
"Anong akala mo sa sitaw ate, pasta? bakit hindi mo iyan pinuto putol man lang?" Tanong ni GAvin at dumungaw sa aking niluluto.
Napa irap naman ako. "Shut up ka na lang, hindi naman ikaw ang kakain!" bulyaw ko sakanya. Ngumuwi naman sya.
Excited na akong mapa tikim 'to kay Raighley, gusto kong mapatunayan na higit pa sa pag piprito ang kaya kong gawin. Humanda ka.
"Ang sarap ng amoy panigurado akong mag lalaway sya dito." Natatawang sabi ko. gusto ko na makita ang reaksyon nya.
"Ferleigh, tignan mo nga sa mailbox kung may sulat galing kay Antonio Fuentes." Ani ni Dad saakin habang abala sa kanyang mga papeles.
"Manang paki bantayan na lang po nitong niluluto ko ha? tsaka paki lagay na lang dito sa tupperware." Baling ko kay Manang.
"Nalagay mo na ba lahat ng ingridients?" Tanong nya.
"Opo." Sagot ko. pag nag utos kasi si Daddy ay kailangan sundin. kahit na marami kaming tauhan ay hindi parin kami nakakatakas ni Gavin sa utos ni Daddy lalo na at bakasyon.
Pag bukas ko ng mailbox namin ay halos bumaha doon ng sandamakmak na mga envelops at iba iba pa nag kulay at halos lahat ay may puso pang nakalagay. Bakit naman mag sesend nang ganitong klaseng email ang mga kaibigan ni Daddy?
Tinignan ko ang mga iyon at halos matawa ako dahil puro letter galing sa mga babae. "Gavin Sean Buendia." pag basa ko kung para kani iyon.
Uso pa pala ito ngayon? Sa bagay...walang facebook si Gavin at hindi sya mahilig sa mga social medias.
Kinuha ko lahat nang mga letters doon pati narin ang kay Gavin. nag madali ako dahil pupunta pa ako sa bahay ni Raighley. Binigay ko na ang letter na pinapakuha ni Daddy sakin.
"Oh bat ang dami nyan?" Tanong ni daddy.
"This is for Gav Dad, mga letters galing sa babae." natatawa kong sabi. Umakyat ako sa kwarto nya at naabutan ko syang nag lalaro ng Xbox kaya itinapon ko iyon sakanya lahat.
BINABASA MO ANG
Scattered Hearts
Fiksi Umum(Lanteigne Brother's Series #1) Wala syang ginawa kundi mahalin ka ng buo-buo, binigay nya ang lahat sayo. Pinaglaban ka nya hanggang sa kaya nya. But You scattered all his heart Pero ginawa mo lang naman iyon para sa ikabubuti nyong dalawa. He can...