Chapter 1 : "Stepbrother"

11.7K 258 28
                                    

Hello guys :) First story ko po.
Si Xiah Junsu pala ang ating bida :)

=========================

(Shijageun dalkomhage, pyeongbeomhage na ege kkeullyeo
Eonjena geuraetdeushi meonjeo mareul georeowa) 📱🎶🎵

"wahhhhhh huhuhu 5minutes pa please 😑😣😴" aniko.

Nagising ako sa alarm ng aking cellphone, hehehe fan na fan kasi ako ng kpop kaya Mirotic by TVXQ ang alarm ko. At kahit na straight ako, nababakla ako pagdating sa kanila lalong lalo na, sa bias kong si Yoochun :3

Nga pala ako po pala si Xiah Dela Cruz, 17 yrs old at mag 3rd year na sa darating na pasukan. Sabi nila napaka cute ko daw maputi at chinito at dahil fan ako ng kpop sunod din ako sa fashion nila maging sa buhok, 5"7' ang aking tangkad at nag iisang anak ng napakaganda kong ina na si Ma. Boa Asuncion, Maganda at medyo bata pa si mama at kung maitatanong niyo wala sa poder namin si papa na si Siwon Dela Cruz. Dahil nandoon siya sa piling ng una at tunay niyang pamilya. 

Kwento sa akin ni mama nagkakilala daw sila ni papa sa isang bar dito sa Tarlac City, Province namin. May problema daw si papa noon sa business meeting niya dito sa Province, sabayan pa ng nalaman niyang nagkikita pa rin ang kanyang asawa at ang ex boyfriend nito. Fix marriage ang kasal ni papa sa makatuwid hindi niya ginusto ang magpakasal sa hindi naman niya mahal at sakto naman si mama ay nasa bar din at nagpapakalasing kasama ang mga kaibigan niya dahil nagbreak na sila ng ex niya, lumipas ang ilang oras nagsimula ng magsi alisan ang mga kaibigan ni mama, pero ayaw pang umuwi ni mama kaya nagpaiwan nalang ito at susunduin naman daw siya ng kaniyang driver, kaya okay lang na iwan na nila siyang mag isa dahil may mga pasok pa ang mga ito kinabukasan.

At doon sila nagkakilala ni papa ng mapansin niya si mama na umiiyak mag isa, sinalo ni papa si mama ng subukan nitong tumayo at natumba, at sakto namang pagdating ng driver ni mama kaya inalalayan nalang niya ito hanggang makasakay sa kotse.

Pagbalik ni papa sa bar napansin niyang naiwan ni mama sa lamesa ang cellphone nito, kaya kinabukasan tumawag si mama sa cellphone niya at doon na nagsimulang mabuo ang kanilang pagkakaibigan na nauwi sa mas malalim pang ugnayan. At iyon ang nagpabago sa buhay ni mama. Nang malaman ng magulang ni mama na nagdadalang tao siya, pinalayas at tinakwil nila ito dahil isang malaking kahihiyan daw ang mabuntis ng hindi pa nakakapagtapos ng pag aaral. 18 yrs old palang noon si mama, at mas gumuho pa ang mundo ni mama ng malaman niyang si papa ay may pamilya na pala sa maynila.

Dahil isang araw habang nagsasampay ng mga nilabhang damit si mama sa may bakuran ng kanyang inu-upahang bahay, may isang maganda pero mukhang mataray na babae ang sumugod dito at pinagsasampal si mama na nagdulot ng pagdurugo ng tiyan nito at iyon ang huling beses na nagkita sina mama at papa.

Nagsumikap si mama na tapusin ang natitirang taon sa kolehiyo pagkatapos niya akong ipanganak. Kahit papaano malaki-laki rin naman ang savings ni mama noong nasa maginhawa pa ang kanyang buhay. At may iniwan namang pera si papa bago siya umalis, pasekretong nakikipag usap ang kuya ni mama sa kanya, na si tito Gelo at ang kanyang asawang si Tita Maddie. At sa kanila ako iniiwan ni mama tuwing papasok siya sa eskwelahan. Wala pa kasing anak ang mag asawa dahil kahit anong gawin nila, hindi parin sila pinagkakalooban ng supling. Kaya naman gusto rin nila akong alagaan at sabik na sabik pa nga daw sila sabi ni mama.

Ayy muntik ko ng makalimutan. Kaya pala nag-alarm ako kasi ngayon ang luwas namin ni mama papuntang maynila. Ngayon pala kami lilipat sa bahay ng aking magiging step-father na si tito Topher Alfonso. Ilang beses ko palang siyang nameet, tuwing bumibisita lamang siya dito sa aming probinsya.

Si tito Topher pala ay dating school mate ni mama noong high school. Sinubukan daw nitong ligawan si mama, kaso naudlot ito ng bigla nalang siyang umalis at nag abroad at doon pinagpatuloy ang kanyang pag aaral. At ngayon hindi akalain ni mama na si Tito Topher pala ang may-ari ng kumpanyang kanyang pinapasukan na money transfer company. Branch manager kasi si mama dito sa tarlac at ang main office nila ay sa manila.

"Anak bumangon kana diyan at maghahakot pa tayo ng bagahe" sabi ni mama.

"Opo ma. Babangon na po" aniko.

Excited ako na malungkot dahil iiwanan ko na ang lugar na aking kinalakihan, at ang mga kaibigan ko dito. Lalo na ang bestfriend kong si Eunhyuk, haha ganun talaga pangalan niya half korean kasi siya hehe.

===================

Lumipas ang ilang oras narating narin namin ni mama ang maynila.

Sinundo pala kami ng driver ni tito Topher.

"Anak malapit na tayo" sabi ni mama.

Kinakabahan ako na masaya hehe.

Ilang minuto pa ang lumipas

"Pssst. Anak nandito na tayo gising na" sabi ni mama, sabay tapik sa aking balikat.

Ayy shemay kung kailan malapit na dun pa ako nakatulog xD haha. Pagbaba ko ng kotse nasa loob na pala lahat ng bagahe at sinalubong ako kaagad ni tito topher ng isang manly hug.

Haiz excited na akong magkaroon ng ama :)

"Ohh Xiah komustah? Lalo ka hatang gumwapo ah" anito.

"Naku tito naman eh, nakakahiya baka may makarinig po sa inyo at lapitan pako para magselfie hahahaha" biro ko sabay tawanan namin nila mama at tito.

"Ikaw talaga haha, halika ka na nga pasok na tayo sigurado ako magkakasundo kayo ng kuya Mickey mo" Sabi ni tito Topher.

"Mickey? Kuya? May anak po kayo tito?" Laking gulat ko dahil hindi ko akalain na magkakaroon pala ako ng step brother.

'Jusko po sana po mabait siya'.. haizzz ajah!!

"Ahh sorry anak, hindi ko ba nasabi sa'yo? Huwag kang mag alala sigurado akong magkakasundo kayo dahil half korean siya, diba mahilig ka sa kore-korean na yan?" Sabi ni mama.

"Ahh ibig niyo pong sabihin korean po mama ni mickey?" Aniko.

"Oo xiah" malungkot na sabi ni Tito.

Aww nakalimutan ko, medyo hindi pala maganda ang paghihiwalay nina tito at dati niyang asawa, tatlong taon na ang nakalilipas.

"Ayy sorry po tito"aniko.

"Okay lang yun, mabuti pa halika na at pumasok na tayo." Anito

Pagkapasok namin sa sala may isang maputing lalaki ang nakaupo sa sopa.

"Mickey nandito na sila, meet your step brother Xiah, ipasyal mo naman siya dito sa Villa naten ah" sabi ni tito.

Saktong pagharap ni Mickey nagkatinginan kami sa mata.

OHMEHHGEĎ I KENNOT!!

kahawig niya si Yoochun ng TVXQ!!!

Wahhhh shete bentenueve. Xiah gising!! step brother mo yan.. arggh.. At saktong lalapitan ko sana siya para makipagkamay ay saktong dating din ng isang magandang babae at sabay yakap sa kaliwang braso ni Mickey..

'Hahhdbhjwohshdisjsidhisohd'!!! Sino itong lintang ito?

"Nga pala Xiah, siya si Tifanny. Gf ni Mickey" sabi ni tito.

GF?? 😭😢

Sawi!!!

______________________________

Hello guys, sorry kung magulo ah. Hahaha first time ko kasi. Peace :)

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon