Chapter 18 : "Truth"

2.2K 90 2
                                    

Meet Hero and Yunho Couple . Picture above.

Chapter 18

"Apo!" Ani Lola.

"Grabe ang laki laki na ng apo ko." Ani Lolo.

"Mano po lolo, lola." Sabay mano ko sa kanilang dalawa.

"Ahm. Ma, Pa. Actually po hindi po namin anak si Xiah. Hindi po namin siya ampon katulad ng sinabi po namin sa inyo dati " Ani Tito Gelo.

Sa totoo lang kinakabahan ako sa magiging reaksyon nila Lolo at Lola kapag nalaman nilang anak ako ng kanilang tinakwil na anak. Pero hindi ko mabasa kung ano ang nasa isipan nila dahil pawang masaya ang mga ito at naka smile pa.

"Ma. Pa. Anak po siya ni Boa. Siya po yung pinagdadalang tao niya noon." Paliwanag ni tito.

Kabang kaba ako sa mga oras na ito. Pero nagulat ako dahil bigla akong inakap ni Lola.

"Alam namin." At napansin kong napapaiyak na si lola.

"Noong una palang namin siyang makita dito sa inyo anak alam na namin." Dugtong ni Lolo.

"Huh? Paano po? Lukso ng dugo? Dahil hawig niya si Boa? Ma. Pa. Ba't hindi niyo man lang sinabi." Medyo napapailing pa si Tito Gelo. Samantalang natatawa naman si Tita Maddie. "Paano ba naman para pala akong tanga sa mga panahong binabalita ko sa inyo si Xiah na laging nasa school or gumagawa ng project sa bahay ng kaklasi niya at nito ngang nakaraan mga alibi ko eh sa manila na nagkokolehiyo which is totoo naman. Dahil nga hindi naman namin talaga siya kasama dito sa bahay at ampon. Dahil yung panahong nakilala niyo siya dito eh pinakilala namin siyang ampon namin. Pero... Paano? Paano niyo naman po nalaman?." Pagpapatuloy ni tito.

"Ano ka ba anak oo siyempre kasama na ang lukso ng dugo at hawig talaga niya ang mama niya kung naging babae lang siya. Pero bago pa man yun alam na namin na apo namin siya dahil may hinire kaming tao para bantayan sila. And I am really proud sa Mama mo Xiah dahil pinangatawanan niya ang sinabi niya sa amin. Tumayo siya sa sarili niyang mga paa. Kahit na marami siyang mga pagsubok na pinagdaanan. Pero sa tingin ko ito na ang tamang oras para sunduin na namin siya. Kaming tunay na nagmamahal sa kanya. Oo alam namin apo ang nangyari sa inyo noong nakaraan. About doon sa kinakasama ng Mama mo na si Topher. At hindi na namin mapapayagan pang makalapit ang lalaking iyon sa inyo apo, dahil alam namin na sinaktan ka niya! At siyempre pati narin ang damdamin ng Mama mo dahil anak ka niya. Kaya yun ang rason namin ngayon kaya naman umuwi na kami  dito sa Pinas para sunduin na siya at muling i Welcome sa tunay niyang tahanan. Siya na ang maghahandle sa pangalawa naming business habang si Gelo naman ay patuloy pa ring i hahandle ang unang Business natin." Pagkasabi ni Lolo doon ay hindi ko na mapigilan at yinakap ko na silang dalawa ni Lola. Sa totoo lang sabik na sabik na akong mayakap sila at makilala pang maigi dahil pamilya ko sila. Naiiyak na ako sa mga pangyayari. Sigurado ako magiging masaya si Mama nito.

==============

After naming kumain nagpahinga na muna sina Lolo at Lola dahil pagod pa sila galing sa biyahe.

Samantalang ako naman nandito sa may garden nila Tito at nagmumuni muni at nag iisip. Ang daming mga pangyayari sa buhay ko sa ngayon. Si Mickey hindi siya mawala sa isip ko, pero sa tuwing maalala ko ang ginawa nilang kahayupan sa akin, kumukulo ang dugo ko. Ang bestfriend ko naman si Eunhyuk. Hindi ako makapaniwala na ginawa niya yun. Alam ko ginawa niya yun dahil mahal niya ako at para magkasira kaming tuluyan ni Mickey pero brooooooo.. that's so lowwww. Pero siguro kailangan ko munang magfocus sa sarili ko at sa mga bagay na nagpapasaya sa akin sa ngayon which is my family. Pakiusap pala sa akin nila Lolo at Lola na huwag ko munang sabihin kay Mama ang mga pangyayari dito sa ngayon dahil gusto nila na sila mismo ang mag surprise kay Mama, at siyempre naman sang ayon din ako doon.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon