Chalter 17 : "Eunhyuk"

2.2K 91 1
                                    

Eunhyuk bestfriend ni Xiah.

Chapter 17

Xiah's POV

Pagdating ko kina Hero nagdoorbell ako pero walang lumalabas. 'Baka wala naman siguro dito si Mickey' aniko sa aking isipan pero sinubukan kong itulak ang gate at nagulat ako dahil bukas naman pala ito.

Kinakabahan ako ng hindi ko malaman na dahilan. Sigurado ako na nandito si Mickey, dahil si Hero lang naman ang alam kong pupuntahan nito atsaka nandito naman ang kotse ni Hero. Kinakabahan talaga ako bakit ganito ang pakiramdam ko?. Ipinihit ko ang doorknob, nagbabakasakaling bukas din ito,  at hindi nga ako nagkakamali. Dahan dahan akong pumasok at napansin kong may tao  nga. May dalawang nakahiga sa sofa kaya naman lumapit ako dito. Pero.... hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko.

Si Mickey at Hero naghahalikan. Wala pa sigurong isang segundo bumagsak na ang mga tubig sa mata ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko parang unti unti akong pinapatay.

"Mga hayop!!." Sigaw ng taong nasa likoran ko. Nagulat ako sinundan pala ako ni Yohwan. At ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang ahas sa harapan namin. Kitang kita ko sa mga pagmumukha nila ang pagkagulat kaya naman tumakbo na ako palabas ng bahay at naramdaman ko namang sumunod sa akin si Yohwan.

Pagdating namin sa tapat ng bahay nila sinabi ko sa kanyang kailangan ko ng umalis at hindi naman niya ako pinigilan.

"Sigurado kabang ayus ka lang?"

"Siyempre hindi Yanyan pero kailangan ko ng umalis."

"Sige ingat ka Xie Xie, hayaan mo pagsasabihan ko ang kapatid ko." Anito

"Huwag na Yan wala na rin naman eh. Tinatapos ko na ang lahat." Aniko atsaka na ako umalis.

Ang dami namang tao dito sa labas, gusto kong umiyak ng umiyak pero pinipigilan ko baka sabihin nila baliw ako pero pati hata ang panahon nakikiramay sa pagdadalamhati ko dahil unti unting umulan hanggang lumakas ito at sinabayan ko naman ang pag agos ng ulan at mga luha ko. Sa ngayon okay na sigurong umiyak ako. okay na namagdalamhati ako. Okay na.

Ilang saglit lang biglang may taong yumakap sa likuran ko.

"Xie Xie wag kang umalis please. Kaytagal kitang hinintay please let me explain." Ani Mickey . Pero bigla kong inalis ang pagkakayakap niya sa akin. Bigla namang nag-init ang ulo ko naalala ko tuloy ang kahayupang ginawa nila kanina kaya bigla ko siyang nasampal.

"Hayop ka!" At nagpatuloy lang ako sa pagsaktan sa kanya.

"Hayop ka!."

"Hayop ka!"

"Hayop ka!"

Sobrang sakit ng nararamdaman ko sa ngayon wala na akong pakialam kung marami mang makakita sa amin.

"Xie xie I am really sorry pero hindi ko sinasadya."

"Hindi sinasadya? Hahaha Tang ina! Gago ka ba! Huh! Ilang beses nyo na bang ginawa yun? Huh! Tuwing pumupunta ka ba sa kanila ginagawa niyo yun! Mga baboy kayo!" At nagpatuloy pa ako sa pananakit sa kanya. Bigla naman siyang napaluhod at niyakap ang tuhod ko.

"Tama na Xie Xie. Please huwag mo kong iiwan."

"Mickey ayoko na." Malumanay kong sabi sa kanya habang humahagulgol. "Mahal na mahal na mahal kita at handa akong lumaban hanggang kaya ko pero tama na. Ayoko na. Tapusin na natin ang lahat ng ito. Huwag mo na akong susundan please." Aniko at tinanggal ko naman ang mga kamay niya na nakayakap sa akin at parang nanghina nadin ang mga ito kaya naman nakawala rin ako at tumakbo na ng napakabilis papunta sa sakayan.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon