Chapter 14 : "Goodbye?"

2.7K 110 2
                                    

Salamat po sa mga nagbabasa ng story ko :)

Photo above from left to right
Micky - Xiah - Hero

Chapter 14

Ilang beses ko mang isipin na sabihin sa taong mahal ko na paalam eh hindi ko magawa. Naalala ko ang sabi sa akin ni Tito Greg na kung may taong mahal man ako kailangan ko itong ipaglaban pero paano kung kailangan talaga na maghiwalay kayo? Paano kung nakatakda talagang paghiwalayin kayo? Paano kung hindi kayo talaga para sa isa't isa at pinagtagpo lang kayo ng tadhana para may matutunan sa bawat isa?

Pero sa ngayon hindi ko na muna inisip ang mga iyon. Sa ngayon gagawin ko kung ano ang tinitibok ng puso ko, lalaban pa ako hanggat kaya ko.

Nabihisan ko na sa ngayon si Micky nandito na kami ngayon sa kusina para pakainin siya. Halatang matamlay ang buong katawan niya, halatang gutom na gutom na siya pero tiniis niyang hindi kumain, namumula ang mga mata niya marahil sa kakaiyak kanina pa.

"Mik anong gusto mong kainin pagluluto kita."

"Sigurado ka iluluto mo sa akin ang gusto kong kainin?"

"Oo ano nga?"

"Ikaw" huh?!!! Ganitong ganito ang mukha ko siguro -____-

"Hayssss kung hindi... grrrr . Argggh. Basta magluluto ako ng kahit na ano kainin mo!."

"Ayoko. Hmmmp" ayyy batang to! Mababatukan ko na to eh.

"Wala kang magagawa!"

Nagluto ako ng favorite niyang ulam. Tuna with egg. Hahaha simple pero gustong gusto niya. Naalala ko tuloy na almost one week ganito ang gusto niyang almusal lalo na kung luto ko daw pero dahil sa araw araw nalang nga nagsawa din ang mokong, pero sa ngayon dahil wala siyang ganang kumain sana magustuhan niya ito.

"Oh mahal na prinsipe luto na po ang inyong pagkain, kain na po tayo."

"Ayoko hmmmp."

"Aba aba aba... pinaghirapan kong iluto yan tapos ayaw mong kainin. Nakakatampo naman" at kunwari akong naiiyak.

"Sige na nga.! Pero subuan mo ako."

"Ayyy. Grabe. Literal na prinsepe."

At dahil mahal ko siya sinubuan ko nga siya. Bawat subo ko sa kanya gusto niya ako din kakain after niya. Salitan kami. Nakatitig lang kami sa isa't isa habang kumakain at siya naman napapangiti ngiti pa.

After naming kumain tumayo na ako at nagligpit ng pinagkainan namin papunta na ako sa lababo ng biglang may yumakap sa likuran ko.

"Xie xie please wag kang umalis. Dito ka nalang please." Naramdaman ko nalang na may mga patak ng luha niya na dumampi sa aking leeg. Pinatong ko na sa lababo ang mga hawak kong plato at humarap sa kanya. Pinagmasdan siya at nakilaban din sa nakalulusaw na titig niya sa aking mga mata. Parang nagdidigman kami sa pagtitigan hanggang sumuko na rin ang aking mga mata at hindi na mapigilang dumaloy pa ang mga tubig na namuo dito. Inakap ko siya ng napakahigpit. Sa sandaling panahon na magkasama kami naramdaman ko kung paano ako mahalin ng taong pinaka mamahal ko.

"Hinding hindi kita iiwan Mikmik. Nandito lang ako palagi at lalaban sa pagmamahalan natin. Pero sa ngayon kailangan ko munang umalis, kailangan muna nating pakalmahin ang sitwasyon. Si tito? Hindi mo siya maaaring iwan. Alam ko mabait na tao si tito nagiging halimaw lang siya sa mga bagay na ganito. Pero sana balang araw matatanggap niya din ang lahat. Pero sa ngayon kailangan muna nating ilihim ang lahat dahil ayaw kitang makitang masaktan muli. Hindi ko kakayanin mikmik." Aniko

"Hindi xie xie. Hindi pwede! wala akong pakialam kung araw araw man akong bugbugin ni papa! Wala akong pakialam kung anong sasabihin ng buong mundo. Basta gusto ko nandito ka lang sa tabi ko please. Hindi ko kaya." Pagmamakaawa nito.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon