Chapter 21: "Baby"

2.7K 101 6
                                    

Thank you so Much guys

Above photo is Mickey and Xiah couple

This chapter is dedicated to darkrey24. Thanks sa pagbabasa guys.

Chapter 21

Micky's POV

Isang linggo na ang nakakalipas magsimula ng lumipad kami papunta dito sa korea. Malungkot parin ako hanggang ngayon dahil nag aalala parin ako para kay Xie Xie. Ipinangako ko sa sarili ko na siya lang ang taong mamahalin ko habang buhay.

Marami akong narealize sa isang buong linggong pananatili ko dito at marami din akong natuklasan katulad ng katotohanan about kay Mama. Sabi nga nila don't judge a book by its cover. Buong akala namin nagtaksil si Mama kay Papa pero ang totoo pala nalugi ang negosyo ni Lolo dito sa korea at ang pamilya ni Tito Chen ang tumulong at nagpautang kay Lolo para makabangon itong muli. Si Tito Chen ay ang dating kasintahan ni Mama bago siya lumipad papuntang US para mag-aral at ang buong akala namin kaya bumabalik balik si Mama sa korea dahil nagtataksil siya kay papa, pero ang totoo pala si Mama ang gusto ni Tito Chen na kapalit sa lahat ng tulong at utang na nilaan nito sa business ni Lolo. Wala namang nagawa si Mama kundi lumuwas sa korea dahil makukulong pala si Lolo kapag hindi sila tumupad sa gusto ni Tito Chen. Mahal na mahal ni Mama si Papa pero para kay Lolo kaya niya nagawa iyon. Tinanong ko kay Mama na sana sinabi niya kay Papa para kung sakali eh si Papa nalang ang bahala sa utang nila pero ayaw ni Mama na si Papa ang sumalo sa responsibilidad niya at problema ng kaniyang pamilya dito sa korea.

Pero nagulat nalang kami nina Mama at Yohwan na after ng isang linggo ay sumunod si Papa dito sa korea dahil nandito daw kaming mga pamilya niya, kaya naisipan niyang pumarito muna nang panandalian. Nalaman ko din kay Papa na kakagising lang daw ni Xie Xie pero si Tita Boa ay hindi pa rin nagigising. Siguro nga tumupad din si Papa sa pangako nya kay Tita Boa na hindi na niya ito guguluhin pa ulit, kaya naman lumuwas din siya dito sa korea para makalimot.

Nagbago na nga siguro si Papa.

Pero akala ko lang nga din. Dahil sabi niya sana tumupad din ako sa pinangako ko sa kanya na magpapakalalaki na ako. Marahil masalimuot talaga ang nakaraan noon ni Papa kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tanggap.

Nabalitaan ko sa aking bestfriend na si Hero, na lumipad na daw papuntang US sina Xie Xie para sa operasyon ng Mama niya. At baka doon na rin daw niya pagpapatuloy ang pag aaral niya. Sinabi rin daw sa kanya ng Tito Gelo ni Xie Xie na may temporary memory loss si Xie Xie at may mga ilang bagay itong hindi naaalala unless makikita niya or ipapaalala ito sa kanya. Kaya naman nalungkot ako ng mabalitaan kong hindi man lang daw ako hinahanap ni Xie Xie sa kanila. Pero alam ko one day ng dahil kay Micky Mouse na iniwan ko sana maaalala niya pa ako, dahil ako hinding hindi ko siya makakalimutan.

******

Nagfocus muna ako ngayon para sa sarili ko. Nagfocus ako sa studies at ko para sa future ko.

Lumipas ang ilang buwan nagulat nalang kami ng maging okay na sina Mama at Papa, which is good. Hindi ko na rin nakikita si Tito Chen na bumibisita kay Mama. Marahil baka nalaman na ni Papa ang lahat at tinulungan niya si Mama, dahil sa nakikita ko ngayon para silang teenager sa paglalampungan. 😏😏😏

After ng school year bumalik na kami sa pilipinas dahil solve na rin naman ang problema nila Mama dito sa korea at kumbinsido na rin si Papa na nakalimutan ko na si Xiah which is not true, siyempre lagi pa rin siyang laman ng isip ko.

Lumipas ang panahon hanggang nakagraduate kami. Kaibigan ko na rin ngayon sina Yonghwa at Seohyun at guess what? 2yrs na silang In a relationship 😂😂 denial pa sila dati bibigay din naman. Haha.
Sina Yunho at Hero naman ayun going strong pa rin sila. Oo aaminin ko madalas 5th wheel ako sa apat na ito at Oo minsan nakakaselos dahil buti pa sila eh ako? Nga nga?

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon