Chapter 13: "Isang Buwan"

2.7K 109 1
                                    

Xiah 😗 Micky

Hindi ko alam kung ilang chapter itong kwento naten guys hahahaha hindi ko na sinusunod yung guide ko and notes ko haha

Chapter 13

On the way kami ngayon sa kaibigan ni mama na si Tito greg. Si tito greg nga pala ay yung ex ni mama bago niya na meet si papa long story pero hindi ko pa alam kung pano sila naging magkaibigan ulit.

Pero ang nasa isip ko ngayon si Micky. Nahihirapan siya sa sitwasyon namin, hindi naman niya pwedeng iwan si Yohwan at Papa niya and hindi pa tapos ang school year.

Naalala ko tuloy na parang dejavu ang nangyayari pero sa magkaibang sitwasyon kami ang umalis at si Micky ang naiwan. Just like 12yrs ago isang buwan lang kami nagkasama ni Mikmik sobrang saya. Pero dumating yung araw na kailangan nilang umalis naghintay ako pero walang Mikmik na bumalik. Katulad din ngayon isang buwan. Isang buwan na pala simula ng halikan ako ni Mikmik. Isang buwang saya at ngayong araw na ito din ako naman ang lumisan at siya naman ang naiwan. Sa pagkakataong ito hindi ito planado tadhana ang may gawa. Sa isang buwang ito pinakita sa akin ni Micky kung gaano niya ako kamahal. Ibang Micky ang nakita ko sa isang buwang ito, ibang iba sa Micky na nagwelcome sa akin noong unang dating namin. Yung Micky na suplado haha tuwing naaalala ko namimiss ko tuloy yung Micky na yun. Naiisip ko tuloy bakit kaya nangyayari ito? Si tito Topher? Bakit sobrang ganun nalang siya kagalit sa mga katulad namin? Lahat naman may rason kung bakit nila ginagawa o nagagawa ang mga bagay bagay. Ano kaya ang nangyari sa kanya at ganun nalang ang reaksyon niya.

Hind ko namalayan na nakatulog ako sa biyahe namin papunta kina tito Greg. Hindi ko pa namimeet si tito pero balita ko mabait ito at narinig ko nung minsan pinagseselosan ni Tito topher si Tito Greg. Hindi mo naman siya masisisi kasi dating ex ni Mama si Tito greg.

"Anak anak! Gising nandito na tayo" gising sakin ni mama. Dejavu nga talaga hata ito parang noong unang dating ko kina Micky nakatulog din ako hanggang makarating sa bahay nila kaso nga lang ang pagkakaiba walang supladong Mikmik ang mag isnob sa akin.

"Hello! You must be Xiah! Wow binata na pala itong anak mo Boa. Magkamukha nga sila ng Papa niya nakikita ko siya sa kanya" anito. Nagmano naman ako kay tito gusto ko man maexcite dahil nagulat ako sa bahay ni tito sobrang laki grabeng mansyon ito, pero bakas pa rin sa akin ang pagkamalungkot dahil wala sa tabi ko ngayon si Micky.

"Mano po tito. Nice to meet you po" aniko

"Bless you iho. Oh halina kayo dito sa loob at ng makapagpahinga na kayo. Nakahanda na rin pala ang hapunan at sabay sabay na tayong kakain." Anito. Nagulat ako mukhang walang kasamang pamilya si Tito Greg sa laki ng bahay niya.

Tatlo lang kaming kumain nila Tito Greg at pagkatapos noon dumiretso na kami sa kwarto na pansamantalang tutuluyan namin ni mama.

"Greg maraming maraming salamat ha. Hayaan mo bukas na bukas maghahanap kami ni Xiah ng apartment na uupahan. Tsaka maghahanap na rin ako ng bagong trabaho ayoko ng bumalìk dun." Medyo malungkot na sabi ni mama. Naaawa ako kay mama, pati siya nadamay nasira ko ang pagmamahalan nila ni Tito Topher. Ayokong maging malungkot si Mama. Malaki na ang naging sakripisyo niya sa aming dalawa. Una pinalayas sya ng sarili niyang pamilya at ngayon naman nakahanap na nga sya ng makakasama at mamahalin niya sa buhay pero nasira lang ito dahil sa sarili kong kaligayahan.

"Ano ka ba By ay este Boa. Welcome kayo dito wag kayong mahiya. Ituring niyo na ring parang sarili niyong bahay ito ah." Hindi ko alam pero kung ako nga din kay tito Top magseselos ako kay Tito greg kasi nga naman sa ikinikilos niya ay mukhang may gusto pa ito kay mama.

"Hindi greg maghahanap kami ng matutuluyan namin bukas, alam mo naman ako diba ayaw ko talagang umaasa sa ibang tao. Sobra sobra na nga itong istorbong naidulot namin eh lalo pa't paulit ulit kitang pinagtatabuyan at inaaway. Patawarin mo ako greg at maraming salamat huh."

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon