Chapter 6 : "Mr. Bully"

4.2K 149 2
                                    

Meet U know Yunho as Yunho Dela Cruz

==

Kahit na late na akong natulog kagabi maaga parin akong nagising ngayong umaga, hindi ko alam kung anong dahilan pero parang ang saya saya ko.

After kong maligo tinawag na ako ni Tito Topher para kumain, katulad ng dati sabay sabay parin kaming kumakain.

"Anak si kuya Mickey mo pala ang kasabay mong papasok ngayon sa eskuwelahan." biglang sabi ni Tito Topher sa kalagitnaan ng aming pagkain.

"Ah eh baka pupuntahan pa ni kuya Mickey si Tifanny" mabilis ko namang tugon. "Okay lang po kung mag tataxi nalang po ako Tito" dugtong ko.

"Hindi, si kuya mo mismo ang nagsabi sa akin na sabay ka daw sa kaniya ngayon." paliwanag naman ni tito.

"Pa! kung ayaw po niya wag na nating pilitin" medyo pagalit namang tugon ni Mickey.

"Ah eh sige po kuya salamat po, sasabay na po ako sa inyo" sabi ko naman. Pero bigla niya akong tinignan ng masama. Yung totoo gusto nya ba akong kasabay o hindi? hmmmm

After naming kumain umalis na kaagad sina mama at tito. Si Mickey naman nagbihis palang, ako naman magsasapatos nalang at mag aayos ng buhok. 'Hays mahaba na pala ang buhok ko kailangan ko ng magpagupit', sabi ko sa sarili ko.

Palabas na ako ng aking kuwarto ng marinig ko ang sigaw ng inis na inis na si Mickey.

"Matagal ka pa ba? iiwan na kita kung sa loob ng isang minuto wala ka pa dito." Pasigaw na sabi ni Mickey mula sa ibaba.

Kaya mabilis pa ako sa alas singkong tumakbo at bumaba papuntang garahe. pagdating ko nakaandar na ang kotse at hindi ko alam kung saan ako sasakay, sa backseat ba? or sa front seat?

"Dito kana sa harapan."pagalit muling sabi ni Mickey.

Pagkasakay ko sa kotse nya, agad akong nagseatbelt at kinuha ang earphone ko. Alam ko kasing magiging awkward ang byahe na ito kaya mas mabuti pang makinig nalang ako ng music.

Nang saktong isusuot ko na sana ang earphone ko, biglang nagsalita si Mickey.

"Unang una huwag na huwag mo akong tatawaging kuya, Mickey nalang isang taon lang naman ang agwat natin." Bigla niyang sabi sa akin.

"Opo kuya , ay este Mickey pala." mabilis kong tugon.

"Ayan kana naman eh tsk" sabi naman nito.

Habang nasa biyahe kami bigla kong nabitawan ang Cellphone ko at lumabas sa speaker ang pinapakinggan kong kanta na 'Xiahtic'. At bigla naman nanlaki ang mga mata ni kuya at tinitigan ako na parang gusto niyang kainin.

"Ah eh natatandaan mo pa ba ako." bigla kong naitanong sa kanya. Naalala ko kasi yung nangyari 2 years ago. hindi siya nagsalita pero nakita ko siyang tumango.

"Maraming salamat ahh. Hindi na ako nakapagpasalamat sa iyo kasi naman nagmamadali kami noon ng kaibigan ko kasi baka iwanan kami ng Bus sa terminal." paliwanag ko kay kuya.

"Hayss boyfriend mo ba yung kasama mo noon?" biglang tanong sa akin ni Mickey.

"Huh?! hindi!! bestfriend ko yun si Eunhyuk. Bat mo naman naisip iyon?" tanong ko sa kanya.

"Eh paano naman kasi kulang nalang halikan ka niya nung nalaman niyang nanalo ka." Medyo galit niyang pagkasabi at hindi ko mawari kung bakit.

"Ah eh ganoon lang talaga ang kaibigan kong iyon, masyado lang kaming close. Kaya nga bestfriend kami diba? Bat kayo ni Tifanny diba bestfriend kayo dati?" muli kong pagpapaliwanag.

"Okay sabi mo eh." Bigla naman niyang sabi.

Pagkadating namin sa eskuwelahan, after ng napakahabang traffic. Pababa na ako ng biglang.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon