Chapter 19 : "Mama"

2.2K 99 4
                                    

Meet Boa. Above picture

Chapter 19

XIAH's POV

Si Mama? Dabest yan! Siya ang aking Super Woman! Siya ang aking Bestfriend! Siya ang aking Ate! Siya ang aking Savior! Siya ang aking Motivation! Siya ang aking Hero!

Mahal na Mahal ko yan.

Tuwing Masaya si Mama, kahit gaano man ako kalungkot nasasagap ko ang happiness niya. Kaya kapag masaya siya, masaya din ako. Kaya ganoon din kapag malungkot siya, malungkot din ako. Pero siyempre dapat kahit malungkot siya hindi ko ipakita na malungkot ako. Kaya ginagawa ko, pinapasaya ko siya! Kasi alam ko ganoon siya kapag nakikita niya akong malungkot! Pinapasaya niya ako.

Nasaan ba ako?

Si Mama! Nasaan si Mama?

Nakakasilaw naman dito. Bakit ang puti ng paligid? Nasa langit na ba ako?

Ayun may hagdan!

"Mama!

Mama!

Nasaan ka Ma!

Ma! Nasaan po kayo? "

Anong nangyayari? Bakit ang liit liit ko. Huh? Sino? Pano? Huh?!

Bakit naging bata ulit ako? Bakit bumalik ako sa pagkabata? Parang akong Xiah noong 5 yrs old palang ako.

"Mama!

Mama!

Natatakot po ako Mama."

"Xiah tahan na anak, nandito si Mama. Hinding hindi kita iiwan anak."

"Mama mik mik. Mama mik mik. Mama huhuhuhu."

"Anak tahan na. Babalik din si mik mik. Pinuntahan niya lang Si Mama niya kasi namimiss niya na ito. Matagal niya na kasing hindi nakakasama si Mama niya eh. Ikaw ba gusto mo matagal mo din akong hindi makita?."

"Hindi po Mama. Wag po kayong aalis Mama!. Huwag niyo po akong iiwan."

"Hinding hindi kita iiwan anak."

"Wag niyo po akong iiwan Mama ah. Katulad ni MikMik at Papa."

"Huwag kang mag alala anak hinding hindi kita iiwan. Mahal na Mahal ka ni Mama ah lagi mong tatandaan yan. Ganoon din si Mikmik at Papa po mahal na mahal ka nila"

"I love you din po Mama."

Hindi ko alam bat sinasabi ko ang mga ito. Dejavu?

"Anak may sasabihin ako sa'yo huh."

"Ano po yun Ma?"

"May nanliligaw sa'kin anak okay lang ba?"

"Huh? Ma!"

"Oh bakit anak? Ayaw mo ba? Sige anak hindi ko nalang siya sasagutin. Alam mo naman anak diba na ikaw lang ang love ni Mama hehe."

"Hindi Ma. I mean hindi mo na kailangang mag paalam sa akin. Kung saan ka masaya Ma susuportahan kita hehe. Basta wag ka lang saktan Ma kung hindi nako lagot siya sakin."

"Nako naman. Ang sweet sweet naman ng anak ko. Pakiss nga!"

"Ihhhh Ma. Binata na po anak niyo. Nakakahiya."

"Anong nakakahiya ka diyan.? Baby kita at kahit gaano kapa kalaki ikaw lang ang nag iisang baby ko!."

"Hahahahahaha Tama na Ma. Tama na. Hahahahaha nakikiliti na ako Ma. Hahahaha."

"Anak nga pala pangalan niya ay Topher, niligawan niya ako noong nag aaral pa kami. Atsaka sa tingin ko nakita mo na rin siya dati noong bata kapa."

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon