Chapter 15: "Yunho"

2.3K 108 7
                                    

Meet Yunho and Hero

Chapter 15

Yunho's POV

I grew up na masayahin at mapagmahal na anak pero nagbago lahat ng iyon.

Si Papa ko idol ko yan, lagi ko siyang pinagmamalaki at ginagaya dahil isa siyang mabuting ama, pero minsan napapansin kong parang lagi niyang kinakampihan si Changmin tuwing nag aaway kami dahil magkasunod lang naman ang edad namin ni Changmin. Gusto kong maging Papa's boy pero si Changmin ang nakikita kong mas favorite ni papa pero kahit ganoon paman mabait din naman sa akin si papa hindi lang katulad nang sa mga kapatid ko na sobrang tutok niya talaga at si Mama naman ang sobrang tutok sa akin.

When I was 12 years old I witnessed kung paano lumala ang away nila Mama at Papa. I don't know the real reason kung bakit sila nag aaway pero tuwing aawatin ko na sila at pipigilan titignan lang nang masama ni Papa si Mama atsaka siya mag wu-walk out.

Sa aming magkakapatid ako lang ang may lakas nang loob para sabihan sina Mama at Papa na tama na at tumigil na sila sa pag aaway.

Pero one time nalaman ko ang totoong rason dahil walang lihim na hindi nabubunyag.

"Saan ka na naman galing? Sa kabit mo?! Haha hinahanap mo na naman siguro siya noh? Or baka nahanap mo na at nagkikita kayo? Ano? Huh! Umamin kana! Lagi ka nalang hating gabi umuuwi!" Sigaw ni Mama kay Papa

Dahil katabi lang ng room ko ang room nila Papa at Mama medyo madidinig ko ang sigawan nila kaya minabuti kong lumabas at awatin sana sila kaso.....

"Hahahahaha... Ako pa talaga ang sinabihan mo nang ganyan? Kung alam ko lang nagtatatalon ka pa nga sa saya pag disi oras na akong umuuwi eh atsaka yan na naman yang walang tigil mong pagdada yan ang rason kung bakit mas gusto kong disi oras nalang umuwi eh!."

"Siwon matagal na yun! Malaki na ang mga bata."

"Yun nga eh malaki na ang mga bata kaya okay lang na disi-oras na akong umuwi at mas gusto ko pang mag stay sa trabaho o uminom kasama mga barkada ko kaysa mag stay dito.!"

"Hindi na ba naten maayos ito?! Wala naman akong ginawang masama ah ayaw mo kasing maniwala na magkaibigan nalang kami!"

"Jessica Binigyan kita ng pagkakataon! Pero anong ginawa mo? Nakipagkita ka na naman sa kanya! Sa lalaki mo!."

Nagulat ako sa nadinig ko, si Mama may kabit?.

"Siwon wag kang maingay ang mga bata baka madinig ka nila."

"Ahh ngayon nahihiya ka na? Nahihiya kanang malaman nila? Eh paano kung malaman nila na isa sa kanila eh anak mo sa kabit mo huh!"

"Siwon walang kasalanan ang bata! Walang kasalanan si Yunho.!"

"Alam ko Jessica! kaya nga tinanggap ko siya na parang tunay na anak. Pero nakipagkita ka na naman sa kabit mo! At ngayon bumalik ang lahat ng sakit nang pagtataksil mo!"

"Bakit ako lang ba ang nangaliwa huh!"

"Huwaw, nakakalimutan mo hata na ikaw ang naunang nangaliwa at kinalabasan ay si Yunho. Oo! nang malaman ko yun may nakilala ako pero Jessica 12 years ago pa yun! Binalikan kita! Nagbago nako!. Pero ikaw ano? Nakipagkita kana naman sa kanya?!"

"Wala kaming ginawang masama! Gusto niya lang makita ang bata! Pero sabi ko mas makakabuti ng hindi niya malaman kasi okay na tayo. Pero pinagbigyan ko siya ng hiling niya kaya binigyan ko siya kahit picture man lang!."

Tama na!!! Gusto kong pumasok sa kwarto nila at pigilan sila pero wala akong lakas. Nanginginig ang buong katawan ko. Papa.....

Ang sakit. Ang sakit sakit. Sampid lang pala ako sa pamilyang ito. Yan ang tumatak sa isipan ko at simula ng araw na iyon nagbago ako. Naging rebelde ako.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon