Chapter 2 : "Stranger"

7.2K 229 13
                                    

Meet Micky Yoochun as Mickey Alfonso.

========================

"Ahmmmm, Hi nice to meet you I'm Xiah" sabay abot ko ng kamay sa aking magiging step brother. Pero hindi parin nito inaalis ang tingin niya sa akin. 'Yung totoo? May dumi ba ako sa mukha?' Aniko sa aking isipan.

"Ah, Hi I'm Tifanny hehe pasensiya kana naninibago lang siguro itong si honey" sabat ni linta sabay kuha ng aking kamay para makipag shake hand. 'Hmmm mukhang mabait naman itong lintang ito ahh' sabi ko sa isip ko.

Walang anu ano'y biglang tumakbo paakyat ng hagdanan si Mickey. Marahil pupunta siguro sa kwarto niya, sabay sunod naman ni tifanny " ahm Xiah nice to meet you ha, pasensya kana kay mickey kakausapin ko siya don't worry" sabi ni tifanny bago siya umalis.

"Xiah pagpasensiyahan mo na ang anak ko ha, kanina lang din kasi niya nalaman na magkakaroon siya ng step brother eh, actually baka medyo nagtatampo parin siya sa kapatid niya at nakikita niya ang katauhan niya sa iyo, may kapatid kasi si Mickey actually kakambal si Yohwan kaso nung pinamili na namin sila kung kanino nila gustong sumama bago kami maghiwalay ng mama nila, obviously ako pinili ni Mickey at si Yohwan naman ginustong sumama sa mama nila" medyo malungkot na tugon ni tito topher. Oh my mickey, don't yah worry hinding hindi kita iiwan... arggghh xiah tumigil ka!! Magiging kapatid mo yan . Hahaha baliw .

"Anak promise magiging magkasundo kayo ni Mickey, napakabit niyang bata lagi siyang nakangiti ng malaman niyang nagddate kmi ng tito topher mo at masaya din siya na magpapakasal ulit ang daddy niya" sabi ni mama.

"Hehe okay lang po" tanging naisagot ko nalang.

"Oh siya sige na, umakyat ka na sa itaas tapos diretso ka lang yung pangatlong kwarto sa kaliwa iyon ang magiging kwarto mo" sabi ni tito topher.

"Salamat po tito" sabi ko, at nagmadali na akong umakyat sa itaas dala ang mga gamit ko.

=====================

Nakahiga ako ngayon dito sa aking napakalambot na kama. Grabe ngayon ko lang napansin, ang laki pala talaga ng bahay at itong kwarto ko WOW yung lang naman ang masasabi ko. Parang dream house talaga. Pinapangarap ko lang magkaroon ng ganitong kwarto dati ngayon hindi ko mawari na nakahiga na ako dito, kumpara sa dating kwarto ko sakto lang ang maliit at matigas kong kama, electric fan at aparador tapos may konting espasyo lang dito naman may aircon na ang luwang luwang pa, at may sarili pa akong TV, banyo at may balkunahe pa.

Knock knock " anak baba ka na, kakain na tayo" sabi ni mama pagkatok nya sa kwarto ko.

"Opo ma nan diyan na po" aniko.

Pagbaba ko nakaupo na silang lahat at napansin kong wala si tifanny. Marahil umuwi na siguro. Tumabi ako sa tabi ni mama at sa kabila naman kaharap ko si Mickey at magkaharap naman si mama at tito.

"Okay lets eat" sabi ni tito.

"Wow mama luto niyo po ito noh? Ang sarap sarap paborito ko pa" sabi ko at nginitian lang ako ni mama at tumango.

"Ang ingay ingay kumakain eh" medyo mahinang pagkasabi ni Mickey pero rinig na rinig ko iyon. Hala siya oh, inaano ko ba ito? Akala ko pa naman mabait. Tsktsk. Tinignan naman ni tito si Mickey at parang natakot ito at bumalik na ulit sa pagkain at mabilis na sumubo. Yuck baboy ba ito? Parang isang buwang hindi kumain. Sabay tayo ni mickey at panhik sa hagdanan. 'Ahh okay' nasabi ko nalang sa aking isipan.

"Xiah pasensiya kana talaga kay Mickey ahh. May sumpong hata. Hindi naman ganyan dati yan eh, ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya. Hayaan mo at kakausapin ko siya" sabi ni tito.

"Okay lang po" sabi ko naman.

"Nga pala masarap nga itong luto mo babes, alam mo bang hinahanap hanap ko na ito noong unang beses kang dumalaw dito at nagluto." Sabi ni tito.

"Huwag kang mag alala babes araw araw kitang ipagluluto" sabi naman ni mama.

Eww parang hindi ako sanay. " Mama, tito mamaya nalang po kayo mag harutan kumakain po" aniko. Sabay tawanan naming lahat.

Pagkatapos kumain lumabas muna ako at naglakad lakad, pinagbilinan naman ako ni mama at tito na wag masyadong lumayo at baka maligaw daw ako.

Grabe pala sa lugar na ito mayayaman lahat ng nakatira. Malalaki lahat ng bahay.

" Pst pst!" Sabi ng isang lalaking tumatakbo papalapit sa akin. " haiz grabe ang bilis mo naman maglalad" anito. Napaka gwapo naman niya at napakakinis. Parang magkasing edad lang kami.

" ahh hi ako ba kausap mo?" Aniko.

"Ha? Yung totoo? May nakikita kabang hindi ko nakikita?" Sabi nito.

"Haha patawa ka kuya, malay ko hindi naman kasi kita kakilala eh" sabi ko naman.

"Yun nga eh, hindi tayo magkakilala kaya nandito ako para magpakilala" sabi nito sabay ngiti abot tenga. Grabe naman ito mas lalong gumagwapo kapag nakangiti. Hala ano kaba Xiah!! Bat pati kagwapuhan ng kapwa mo lalaki pinagpapantasyahan mo. Tsk

"Ahh ganoon ba hehe. Ako nga pala si Xiah, bagong lipat lang kami dito" aniko sabay abot ng kanang kamay ko.

" ako nga pala si Jaejoong or you can call me Hero nalang" sabay abot niya din sa aking kamay.

At doon nagsimula ang pagkakaibigan namin ni Hero.

At ang isang bagay na ikinagulat ko na ibinahagi niya sa akin ay isa daw siyang Bisexual at may gusto daw siya kay Mickey Alfonso.

Huwatt??!! May gusto siya sa step brother ko?

Hindi pwede!!

==========================

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon