Chapter 16: "Hero"

2.4K 87 4
                                    

Hello! A little guide sa mga nalilito sa name.

Xiah Dela cruz - Main Character natin a.k.a Xie Xie. Minamahal ni Mickey Alfonso

Mickey Alfonso - Main Character a.k.a Mik Mik. Minamahal ni Xiah at kakambal ni Yohwan.

Yohwan Alfonso - kakambal ni Mickey at kababata ni Xiah. A.k.a Yan Yan

Hero Kim - Bestfriend ni Mickey. A.k.a Jaejoong/He He

Yunho Dela Cruz - kapatid ni Tifanny sa ina. A.k.a Ho Ho

Tifanny Dela Cruz - kapatid niya sa ama si Xiah at sa ina naman si Yunho buong kapatid naman niya si Changmin. Siya ang Panganay sa kanilang apat at ex girlfriend ni Mickey.

Changmin Dela Cruz -  katulad ni Tifanny half brother niya sina Xiah at Yunho at buong kapatid naman niya si Tifanny. Siya ang bunso sa kanilang apat.

Boa - Mama ni Xiah.

Siwon - Papa ni Xiah, Tifanny at Changmin.

Jessica -  asawa ni Siwon at anak niya sina Tifanny, Yunho at Changmin.

Topher - Papa ng kambal na sina Mickey at Yohwan.

Jane - ex-wife ni Topher at mama ng kambal na sina Mickey at Yohwan.

Gelo - kapatid ni Boa at Tito ni Xiah. Asawa niya si Maddie. ang mag asawang tumulong mag alaga kay Xiah ng bumalik sa pag aaral si Boa.

Maddie - asawa ni Gelo.

Yonghwa at Seohyun - kaklasi at kaibigan ni Xiah. Magbestfriend sila.

Greg - ex ni Boa. First boyfriend niya bago niya makilala si Siwon na Papa ni Xiah.

Ronald - Adoptive father ni Hero at Biological son niya naman si Yunho. Asawa niya si Sonya.

Sonya - Adoptive mother ni Hero at asawa niya naman si Ronald.

Eunhyuk - bestfriend ni Xiah sa province at makikilala natin siya sa mga susunod na Chapter.

Chapter 16

Hero's POV

Siguro sasabihin ng iba eh napakaswerte kong bata dahil nasa akin na ang lahat. Mayaman ang family ko, nag aaral ako sa pribadong paaralan, nakakakain ako ng tatlong beses sa isang araw o kung gugustohin ko mas higit pa, at nabibili ko ang kahit anong gustohin ko. Pero hindi naman matutumbasan ng kahit na anong materyal na bagay ang nararamdaman ng puso. Ito iyong pagmamahal. Bata palang ako naghahanap na ako ng pagmamahal hindi naman sa hindi ko naramdaman ito sa mga magulang ko kundi sa ibang pamamaraan nila kasi ito pinaparamdam sa akin iyon ay ang pagbibigay sa akin ng kahit na anong gusto ko. Pero kahit na ganoon pa man hindi naman ako naging spoiled.

Pero paano kaya kung kasama ko ang mga tunay kong magulang? Siguro kahit na mahirap lang kami okay lang basta nagmamahalan naman kami at magkasama araw araw sapat na. Oo alam ko dose anyos palang ako noon ng aminin sa akin nila Mama at Papa ang lahat dahil nag aaway sila ng mga panahong iyon at di ko sinasadyang madinig lahat ng pinag aawayan nila kaya naman naglakas loob akong kinumprontahan sila sa mga oras na yun.

"Mama at Papa ano pong nangyayari? Kadalang niyo nalang pong umuwi dito sa bahay nag aaway pa po kayo.! Atsaka totoo din po ba? Huh Papa! Na may anak po kayo sa labas?! Atsaka totoo din po ba na baog po kayo at di kayang magsilang ng anak kaya inampon niyo po ako Mama? Totoo po ba yun!" Nanginginig kong sumbat sa kanila habang umiiyak. Labis na pagkagulat at kalungkutan ang nararamdaman ko ngayong alam ko na ang lahat. Lumaki ako sa kasinungalingan.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon