Chapter 3 : "Bestfriend"

6.4K 218 1
                                    


Photo above is Hero Jaejoong :)

It's been more than a year since the last time I updated "I'm so sorry guys" tho feel ko naman ako lang din nagbabasa nitong story ko hahaha. A lot of things happened in my life. Last time akong nag update June 10, 2016 eh September 27, 2017 na tayo ngayon haha. June 8, 2016 kasi nakilala ko ang first Bf ko kaya naging busy sa lovelife hehe, nagdate kami for a few months then naging official kami november 2016. kaso tinapos ko na lahat last month lang Augrust 2017. Oo masakit!! Pero kailangan :'( sobrang dami na kasing lies and tinake for granted nya lang ako T.T soonest susulat ko kwento ko dito sa watty hehe. I learned a lot. kaya andito ako ulit sa watty to move on hehe watty kasi comfort zone ko kaya last 2015 din ako naging active dito sa watty kasi nagmomove on din ako noon haha, anyways HETO NA..

=========================================================

Nandito ako ngayon sa living room nakaupo sa pang isahang sofa, habang magkatabi naman at masayang nagkukwentuhan ang mag bestfriend na sina Hero at Mickey. Oo! Tama! magbestfriend pala ang dalawang mokong na ito! Pinagkukwentuhan lang naman nila kung paano kami nagkakilala ni Hero kanina sa labas.

"Xiah! gusto mong sumali? maglalaro kami ng PSP ni mickey." aya sa akin ni Hero.

"Ah hindi na manonood nalang ako dito, salamat" aniko. at sabay alis nilang dalawa papunta sa kwarto ni Hero. Nanuod nalang akong mag isa dito sa sala at nahiga sa mahabang sofa.

Hindi ko namalayan nakatulog pala ako at nagising ako ng maramdaman kong may pumipisil sa mukha ko, "Xiah nakatulog ka dito sa sofa, alis na ako." banggit ni Hero na siyang nagpagising sa akin. Nakapatay na din ang T.V. na aking nakatulugan.

"Sige ingat, Nice to meet you pala" aniko

"Sige nice to meet you too, see you tomorrow" anito. pagkaalis ni Hero umakyat na ako sa aking kwarto at naghilamos nalang bago matulog.

Kinaumagahan maaga akong ginising ni mama para mag almusal. kailangan pala sabay sabay kaming kumain dito, hindi katulad dati na kahit tanghali kanang gumising lalo na wala pa namang pasok at last day ngayon ng summer. Speaking of school saktong binanggit din ni tito ang tungkol doon.

"Iho, okay na pala lahat sa bago mong school, na-enroll kana namin ng mama mo, sabay na kayong pumasok bukas ng kuya Mickey mo sa unang araw ng pasukan." paalala sa akin ni tito

"Oo anak, sigurado ako marami kang magiging bagong kaibigan sa bago mong school." excited na sabi ni mama

"Okay po, salamat po" nakangiti kong tugon

"Dad, maaga po akong aalis bukas, pupuntahan ko po si Tifanny sabay po kaming papasok." wika ni Mickey.

"Ah ganoon ba anak, sige papahatid ko nalang ang kapatid mo." sabi ni tito

"No worries po ako nalang po! sabay nalang po siya sa akin." sabi ng lalaking kakapasok lang sa dining room. at sabay sabay kaming napatingin dito

"Oh Hero ikaw pala!" gulat na sabi ni tito

"Hehe ililibot ko po pala sana ngayon tito si Xiah dito sa Villa natin, pakiusap po sa akin ni bes." tugon nito.

"Ah ganoon ba? Sige salamat iho. Hali ka saluhan mo na kami sa pagkain" aya ni tito.

"Hindi po ako tatanggi diyan!" masayang tugon nito

Nakakatawa naman si Hero, talagang close na close pala siya kina tito, pero kinagulat ko na humingi pala ng pabor sa kanya si Mickey para ipasyal ako , napangiti tuloy ako pero biglang bawi ng marinig ko si tito.

"Mickey diba sa iyo ko ibinilin ang stepbrother mo na ilibot? Bat hindi mo sila samahan?" anito

"Dad wala ako sa mood lumabas sa ngayon at tinatamad po ako ngayon." tugon nito. Wow wala sa mood? meron ba sya ngayon may tagos ata ito eh. haha jk

"Nako bata ka! ngayon kapa nagkaganyan." inis na sabi ni tito

ilang saglit lang tumayo na agad si Mickey. "Tapos na po ako, mauna na po ako." sabay akyat nya sa kwarto nya.

Nalungkot ako dahil parang or hindi pala parang dahil ramdam ko na ayaw sa akin ni Mickey, pero hindi ko nalang pinahalata,

Habang naglalakad kami ni Hero, kwento sya ng kwento about sa lugar nila tho hindi ako masyadong nakikinig sa sinasabi nya dahil napakalayo ng iniisip ko tungkol sa mga pangyayari kanina, Bakit sya ganun? Anong ayaw nya? magkakasundo ba kami? paulit ulit na tanong sa aking isipan ang umiikot na hindi ko mawari kung bakit ayaw sa akin ng step brother ko.

Nakaupo kami ngayon sa may playground dito sa Villa ng biglang magsalita si Hero " Mukhang kanina pa malalim ang iniisip mo ah?" anito

"Ah eh kasi" nagdadalwang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang aking iniisip kanina pa, bahala na. " kasi naman yang bestfriend mo, mukhang ayaw nya sa akin eh." malungkot kong tugon.

"Haha kung alam mo lang " anito, sabay ng pagtataka ng mukha ko at pagkagulat nya sa kanyang nasabi, anong ibig nyang sabihin? "Ahm sorry I mean mabait yung kaibigan kong iyon kung alam mo lang kung paano kami naging magkaibigan , tama yun nga hehe" anito .

Medyo nakumbinsi naman ako pero parang may tinatago siya eh, hmm ewan ko sa kanila.

"Gusto mo bang malaman paano kami naging magkaibigan?"aniya. ngumiti lang ako at tumango at pinagpatuloy na nya.


Flashback...

"2months ago, nang bagong lipat lang din kami dito nila mama at papa, dahil sa work nila palipat lipat kami ng tirahan at ako naman pati din ng skwelahan, ayaw ko namang mag stay sa province with my grandma and grandpa at doon nalang mag aral, dahil sobrang strict kasi nila. Atleast dito malaya ako, pagkalipat na pagkalipat namin inenroll kaagad ako nila mama ng summer class sa mga naiwan kong subject, nag homeschool lang kasi ako last sem.

Si Mickey naman dahil member sya ng Football sa school, kahit bakasyon pumupunta sya sa school paminsan minsan para mag practice. First day palang ng school nabully na ako may isang varsity player ng basketball ang pinakasiga sa lahat at mahilig mambully. lagi akong takot pumasok ng school noon. Pero one time nakita ako ni Mickey habang binubugbog nila, pinagtanggol niya ako at sinabing bestfriend nya ako, at wag nila akong masaktan saktan ulit. Siya ang super hero ko. kaya magsimula noon naging close kami, lalo na ng malaman naming magkavilla lang pala kami"

End of flashback..


Medyo emotional si Hero habang kinukwento iyon kahit na hindi nya ito masyadong pinapahalata alam ko at feel ko kung gaano nya kamahal bilang kaibigan si Mickey. At kailan lang din pala sila naging matalik na magkaibigan.

"Grabe naman pala ang pinagdaanan mo, ang sama sama nila" aniko

"Ganoon daw talaga iyon lalo na sa mga bagong studyante daw, Lolo kasi nila ang may ari ng school and by the way kuya pala ni Tifanny yun". paglalahad nito

"Huh! seryoso?" pagkagulat ko

"Oo, hahaha sa tingin mo ba titigilan nila ako kung hindi Bf ni Tifanny si Mickey?" anito

"Sa bagay" aniko

At marami pa kaming napagkwentuhan ni Hero, Pero pamilyar talaga sya sa akin eh parang nagkita na kami dati.. hmmm

OO NGA!! TAMA!!

NAALALA KO NA!!

SILA NGA IYON!!.


My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon