Chapter 11: "Half Sister"

3.3K 157 1
                                    

Hello Guys :) Kung meron pa man pong nagbabasa nitong kwento ko kahit papaano eh pakipindut lang po yung star to vote hehe Thank you :3

Photo above is Xiah and Micky.

Chapter 11

Xiah's POV

A lot of things happened this past week, specially between Yunho and Yohwan. I think Yunho realized that he love Yohwan ayy saglit bat english hahaha.

Kaming lahat nagulat ng umamin si Yunho kay Yohwan.

"Yohwan Please bigyan mo ako ng pagkakataon na makilala pa kita ng mabuti at makasama, I missed you!." Yan ang mga katagang binanggit niya ng mga sandaling iyon.

"Yunho please stop it." Malumanay na sagot ni Yohwan. "I already moved on, and I realize na infatuation lang ang nararamdaman ko at napatunayan ko iyon kanina ng makita kitang muli. Wala akong ibang naramdaman kung hindi galit. Pero sino ba naman ako para hindi magpatawad. Oo masakit nasaktan ako, pero kasalanan ko din naman eh.  kung gusto mo lang manumbalik ang pagkakaibigan natin huwag mong gawin ito! dahil ayoko ng masaktan muli. Pwede naman tayong maging magkaibigan ulit pero hindi sa ngayon."

"Akala mo ba madali itong ginagawa ko? Oo aaminin ko nasaktan kita. Pero iniwan mo ako. Hindi ka lumaban! Pero hindi na yun importante dahil ang mahalaga nandito kana. Ayokong maging kaibigan mo lang. Kaya please if ever pwede ba tayong magsimulang muli.?"

"Yunho hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I already moved on please stop it.!! Straight ka for god sake!!" Medyo galit na tugon ni Yohwan.

"I am not!!! Nang dahil sayo nagkakaganito ako!! Nang dahil sayo ginagawa ko ito... kung gusto mong lumuhod ako dito sa harapan mo gagawin ko mabalik lang pagmamahal mo sa akin." Pagsusumamo ni Yunho na amin namang ikinagulat. Pero mas nagulat kami ng tumakbo palabas si Hero. Umiiyak ba siya? Marahil hindi napansin ng iba pero nakita ko na may mga luha siya, sinubukan naman siyang habulin ni Micky.

"Yunho please, to be honest wala na talaga akong nararamdaman sa iyo pero salamat ha. Salamat dahil mahal mo pala ako. Marahil mahal pa din kita pero bilang kaibigan nalang. Please tumayo kana diyan." Sabay luhod din ni Yohwan at yakap kay Yunho.

Bigla namang tumayo si Yunho.

"So totoo nga yung nakita ko? Ganun lang pala kadali sayo!. Oo pinagtabuyan kita noon pero sana inintindi mo ako dahil bago lahat sa akin ito, pero hindi nawala ka nalang na parang bula. Kasalanan ko din naman eh gago kasi ako dati. Pero diba alam mo naman na gago talaga ako?! Ng dahil sayo nagbago ako! Pero ng mawala ka bumabalik ulit ako sa dati!! Sana hindi ka nalang bumalik!! Oo alam ko may bago kana sa korea!! Masakit!! Ng mabalitaan kong nasa korea kana hindi ako mapakali.. malungkot na malungkot ako.!! Kaya pinuntahan kita after ng ilang buwan napilit ko din sina Mama at Papa na bisitahin ka sa Korea pero hindi ko aakalain na ganun ka kabilis nagkaroon ng iba?! Nakita ko kayo ng gf mo na masaya! Nakausap ko si Mommy mo at sinabi sa aking Gf mo yung kasama mo at nakiusap ako sa kanya na ilihim nalang ang pagbisita ko sayo sa korea dahil mukhang masaya ka na" So ito pala. Ito pala ang totoong Yunho. Na ang halimaw na kinatatakutan ng lahat ay may malambot na puso na marunong masaktan. Noong mga panahong pinagtitripan niya ako meron pala siyang pinagdadaanan. At pinaalala ko sa kanya ito dati ng hamunin ko siya. Sa tingin ko kailangan niya lang ng tunay na kaibigan na makakaintindi sa kanya at kay Yohwan niya nakita yon pero sa dahil sa isang bagay nagbago ang lahat. Pero ngayon narerealize niya na lahat na umibig din siya at nasaktan kaya yung sakit na nararamdaman niya sa ibang tao niya binubuhos.

Nilapitan ni Yohwan si Yunho at nakita ko ang pagmamahalan nilang dalawa sa isa't isa sa pamamagitan ng mga akap nila. Mga hikbing dulot ng sakit. Mga pusong tumitibok ngunit sa magkaibang panahon yung isa'y kasalukuyang nagmamahal at isa nama'y mistulang napagod na pero nandun parin ang pagmamahal ngunit may mga harang na na tanging sa pagkakaibigan nalang ang kinakaya. Pero sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon