Chapter 9 : "My other Step Brother "

4.3K 121 1
                                    

Happy New Year Guys!! 2018 na... New Year Resolution ko? Mahalin ko muna ang sarili ko. Haha sawa nakong mag move on. Buti pa single walang pinoproblema haha.

Photo above is Yohwan Park. Real life brother sila ni Mickey kaya magkahawig talaga sila hehe.

Chapter 9

Xiah's POV

Siguro denial lang ako. Kasi ngayon sigurado na ako na hindi ako straight. I am bisexual. At ganuon din si Mik mik. Masaya ang naging bonding namin dito sa mall. Kumain kami sa Samgyupsal house. Nanuod kami ng Sine. Naglaro sa Tom's World. Naglakad lakad sa Manila bay.

Ibang feeling pala. Ngayon ko lang naramdaman ito. Alam ko gusto ko din si Mickey pero mahal? Hindi pa ako sigurado. Masyado pang maaga at marami pang pwedeng mangyari. Sa ngayon ang importante pareho kaming masaya. Pero sa sayang aming nararamdaman may isang tao kaming nasasaktan. Alam ko nangungulila at nasasaktan ngayon si Tifanny, kaya nga dapat maghinay hinay muna kami ni Mickey. Tignan muna namin after ng isang buwan? Dalawa? Tatlo? Isang taon? Kung talagang gusto namin ang isa't ipagpapatuloy namin siguro ito pero kung sakali mang magbago ang isip niya o ako at kung sakali mang maisip niya na mahal niya pala talaga si Tifanny at tinry niya lang kung talagang nagkakagusto siya sa lalaki sa pamamagitan ko eh ayos lang. Siguro? Ewan?

Nakakainis naman kasi ngayon lang ako napasok sa ganitong sitwasyon. NBSB ay este NGSB? Litong lito na talaga ako sa sarili ko T.T

"Ayos ka lang Xie Xie?" Tanong sa akin ni Mikmik. Nandito kami ngayon sa Penshoppe may bibilhin daw kasi siya.

"Ah eh.. ayos lang naman." Aniko

"Sure ka? Kung hindi ka komportable uwi na tayo." Aniya

"Hindi, okay lang talaga ako. Sige na hanapin mo na yung bibilhin mo dito." Aniko

Kahit pa na sabi niya eh date itong ginagawa namin ngayon siyempre para sakin parang friendly date lang din parang ginagawa din namin ng bestfriend kong si Eunhyuk. Unang una pareho kaming lalaki so alangan namang mag holding hands kami sa public eh pareho kaming closeta. Pangalawa, first date namin ito so awkward pa talaga para sa akin. Pero siguro mas maigi na ito na kaming dalawa lang ang nakakaalam ng tunay na rason, na hindi na kailangang ipag sigawan pa sa buong mundo na nagdidate kami kasi tingin palang namin sa isa't isa. Bawat nakaw na sulyap na binibigay namin sa isa't isa. Para sa akin iyon lang sapat na.

=============

Lumipas ang dalawang linggo magsimula nang mag umpisa kaming magdate ni Mikmik. Bawat araw sobrang saya. After class ililibot niya na ako dito sa maynila. Kaso kahit na ilibot niya ako dito kung hindi ko rin naman alam kung paano mag isa pumunta wala din. Kaya kapag weekend nag co-commute lang kami. Ang dami na naming nagawa. Nag simba sa Quiapo, nag picnic, araw araw iba ibang mall ang pinupuntahan namin.

At ngayon aaminin ko na araw araw nahuhulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya. Mga sweet messages niya. Yung goodnight kiss niya sa noo ko. Yung mga joke niyang waley pero natatawa ako. Mga corny niyang hugot. Pero mas lalo akong namangha sa kanya ay ng kinantahan niya ako. Natutulog ako noon sabado ng umaga. Nagising ako sa tunog ng isang gitara tas nagulat nalang ako ng bigla siyang kumanta. Aaminin ko kinilig ako dun, lakas maka babae hinarana pa talaga ako haha. Pero infairness ang ganda ng boses niya may pagkahusky.

Pero sa bawat ngiting naidudulot niya sa akin ay siya din namang pagkasira ng buhay nang isa. Si Tifanny isang linggo siyang hindi pumasok at sa buong isang linggong iyon muntikan ng magsuntukan si Yunho at Mikmik dahil alam ni Yunho na ang pagbibreak nila ng ate niya ang dahilan kung bakit hindi ito pumapasok. Buti nalang kasama namin si Hero. Hindi ko alam kung bakit pero kapag nakikita ni Yunho si Hero parang nagiging maamong tupa siya.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon