Chapter 4 : "School"

5.6K 179 4
                                    

Meet Tifanny Hwang :)

==

Eksaktong alas sais ng umaga ng tumunog ang alarm ni Xiah sa kanyang Cellphone, "Xiahtic" ang ginamit niyang alarm sa pagkakataong ito. "5minutes pa please" sabi nito pagkapatay niya sa kanina pa tumutunog na alarm, at sakto namang pagpasok sa kanyang kuwarto ng kanyang Inay na si Ms. Boa.

"Good Morning Anak! Bangon ka na diyan! Ngayon ang unang araw ng pasukan, sige na baka malate kapa niyan. Nakakahiya at baka paghintayin mo pa si Hero mamaya, Diba siya ang kasabay mo ngayon na papasok?" sabi nito na halatang kagigising din.

"Oo na Ma, heto na po babangon na" saad nito sabay upo at nakapikit pa rin.

"Hindi ka ba excited sa Unang araw mo sa Cassiopeia University?" pagtatanong ng mama niya habang umupo din ito sa tabi niya.

"Excited naman po, hindi lang po kasi ako kaagad nakatulog kagabi napuyat lang po." Wika nito habang humuhiyab hiyab pa.

"O siya bangon na diyan, kailangan ko na din mag prep up maaga din pasok ko." Sabay tayo nito at labas ng kwarto ng kanyang anak.

Napuyat pala kagabi ang ating bida, paano naman iniisip niya kung saan at paano niya nakita dati si Hero at Tifanny na talagang pamilyar sa kanya, at bigla namang tumunog ulit ang kanyang alarm 6:05am, napapasayaw siya sa tunog ng kanyang alarm na Xiahtic at bigla siyang may naalala.

"Oo!!!! Tama!!! Sila nga iyon!!!" mukhang naalala na ng ating bida ang kagabi pa niyang iniisip na nagdulot tuloy ng kanyang pagkapuyat.

Flashback

Xiah POV.

2years ago

Unang beses kong luluwas pa Manila, excited ako na kinakabahan, paano naman tiyak na magagaling ang mga makakalaban ko sa 'Kfanatics Dance, Sing and Look a like Competition'. Oo tama ang basa ninyo!, hindi naman sa pagmamayabang pero marunong akong sumayaw pero sabi ng iba magaling daw ako, ang idol ko kasing si Duckbutt ayy este si Kim Junsu eh magaling sumayaw at ang kanyang "Xiahtic" ang ipeperform ko mamaya.

Kasama ko pala ngayon ang aking bestfriend na si Eunhyuk na todo soporta sa akin.

Ayun na nga ang gagaling ng mga makakalaban ko, ako pa ang pinaka huli na sasayaw at ang mga KPOP fans todo suporta sila sa mga iniidolong KPOP group hindi ko alam kung Dance Competition ba ito or pasikatan at paramihan ng mga cheer mula sa crowd, ang daming fans ng EXO fans kahit na madaming sablay ang mga kumover ng mga sayaw nila tiyak marami paring puntos ang makukuha nila dahil parang crowd favorite sila, pati na rin ang BTS at siyempre ang BIGBANG din. Hays napaisip tuloy ako. 'kung sanang hindi nahati sa dalawang grupo ang TVXQ malamang isa parin sila hanggang ngayon sa pinakamaraming Fans, though alam ko naman marami parin kami at isa kaya ang TVXQ sa Legendary group they were GOD's of KPOP ika nga hehe. (Proud OT5 here hehe).

Ayun na nga at tinawag na ako no. 10 at pinaka huling magpeperform. Mukhang hindi pamilyar sa mga audience ang I cocover ko pero meron din namang mga nagcheer.

Kinakabahan ako announcement na ng result at yun nga inannounce ang winner ng Singing Cover Competition at si Hero Kim ang tinawag na panalo at sa Kpop Look a like naman si Tifanny Dela Cruz ang nanalo at huling tinawag ang panalo sa Dance Cover at ako ang nanalo!! Oo ako nga!! Pero ang audience parang di makapaniwala tahimik lahat, pagpunta ko sa gitna ng entablado parang gusto ko ng lamunin ng stage na ito. Pero may isang tao ang pumalakpak na siya namang nagbigay atensiyon sa lahat. Lahat ngayon ay nakatitig sa kanya, mahaba pa ang buhok niya noon kaya siguro hindi ko siya namukhaan ngayon na medyo army cut na ang gupit naalala ko na ngayon si Mickey yun taong pumapalakpak habang nakatitig sa akin at abot tenga ang ngiti hanggang ang lahat na ay sumabay sa kanya sa pagpalakpak. Mangiyak iyak akong bumaba ng stage sa mga oras na iyon.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon