Bonus Chapter

2.4K 85 11
                                    

Bonus Chapter 

&

Preview for my next story

Mickey's POV

13 years after ng wedding namin ni Xie Xie. Nasa 40's na kami habang ang mga anak namin na sina Sebastian at Mikee ay parehong 18 years old na at parehong nasa unang taon ng kolehiyo at ang isa naman naming anak na si Maria ay 12 years old at nasa ika anim na baitang sa elementarya. Oo tama kayo ng nabasa. One year after naming magpakasal ni Xie Xie ay nag adopt kami ng sanggol na babae, japanese si Maria at inabandona din siya ng kanyang mga magulang. Lumipad pa kami noon papuntang Japan para kunin si Maria sa ampunan na kumupkop sa kanya.

Masaya kaming lahat ngayon na namumuhay ulit dito sa pilipinas. Si Mikee ay kumuha ng kursong BS in Biology, oo matalino nga ang anak naming ito. Samantalang si Sebastian ay Theater in Arts naman, oo mahilig sa pag acting ang anak namin at lumalabas labas na nga siya paminsan-minsan sa T.V. bilang extra, at commercial model na din siya. Hilig talaga niya ang pag aartista at siyempre kami naman suportado lang sa mga anak namin.

Masaya ang pagsasamahan namin ni Xie Xie, pero siyempre paminsan minsan hindi mo maiiwasan ang magkatampuhan pero sinisigurado naming bago kami matulog sa gabi ay nagkakaayos naman kami. Maswerte din kami sa aming mga anak dahil napakabait ng mga ito at nagsusuportahan sila sa isa't-isa.

Isang araw weekend iyon ng magkasama sama kaming lahat sa bahay dahil pare-pareho kaming walang pasok. Nagmu-movie marathon kami, yung kasalukuyang pinapanood namin ay about sa mag ina at kung gaano nila kamahal ang isa't-isa. Napansin ko naman si Seb na napayuko at napatingin sa bracelet niya. Marahil naalala niya ang kanyang ina. Hindi kami naglilihim sa aming mga anak, kaya alam niya ang tunay na nangyari at inadopt lang namin siya pero kahit ganoon paman alam naman niyang mahal na mahal namin siya na parang tunay na anak at higit pa sa buhay namin.

Nabigla ako ng alisin niya ang bracelet na suot suot niya. Napansin ko sa bracelet niya ay parang may kakaiba dito. Alam ko dati sakto lang ito sa kanya nung baby pa siya pero habang lumalaki siya ay lumuluwang din ito at sumasakto sa kanyang kamay. Alam ko hindi naman ganun kalaki iyon dati. Babawalin ko sana siya na isuot niya ulit iyon ngunit biglang may nagdoorbell sa aming pintuan, kaya naman agad akong tumayo at binuksan ito.

"Ýes, anong kailangan nila?" Aniko sa tatlong lalaking nasa harapan ng aming bahay.

Ngunit nagulat nalang ako ng biglaan lang silang pumasok.

"Hoy sino kayo! Anong kailangan niyo? Lumayas na kayo ngayon din kung hindi tatawag kami ng pulis!." Sigaw ko sa kanila ngunit nagpatuloy lang sila sa pagpasok ng aming bahay.

Sinalubong din sila ni Xiah.

"Sino kayo?! Anong ginagawa niyo dito?"anito

"May hinahanap lang kaming bata.." sabi ng leader nila.

"Boss! May Fuego at Bosque oh." Sabi ng isa nilang kasama habang nakatingin sa mga anak namin.

"Wala akong pakialam sa Fuego at Bosque na yan! Ang Cuerpo at Generalmente ang hinahanap ko!" Sabi ng kanilang leader.  "Damang dama ko yung Aura dito kanina eh napakalakas!." Pagpapatuloy nito.

Hindi namin mawari kung ano ang pinagsasasabi nila pero nakita ko ang bracelet ni Seb na nakasuot na. Naalala ko yung sulat na iniwan ng mama niya. Kailangan laging nakasuot ang bracelet na iyon kay Sebastian at nasa panganib ang buhay nila? Hindi ko parin maintindihan pero may mga kutob ako na sana ay hindi naman totoo.

Lumapit naman ang isang lalaki sa anak naming si Marie.

"Hello Fuego. Maswerte ka at ubos na ang lahi mo dahil kung hindi matagal kana nilang nakita dahil ang lakas lakas ng amoy at Aura mo" sabi ng isang lalaki at bigla namang sinuntok ni Xiah ang lalaking ito pero parang walang nangyari, hindi man lang ito gumalaw. "Kung ako sayo tumigil kana dahil kung hindi baka hindi ako makatimpi" sabi ng lalaki kay Xiah.

"Rex tumigil kana, pumunta tayo dito hindi para manggulo ng normal na tao kundi hanapin ang Cuerpo!." Sabi ng leader nila.

"Normal? Boss dimo ba nararamdaman ang Aura nila isa siyang Bosque! Teka teka. Anak mò ba ito?" Sabay turo naman kay Mikee "Dahil maswerte kayo at mababait ang mga ninuno niyong Bosque dahil isa pa itong anak mo, na napakalakas ng Aura di tulad mong mahina!" Sigaw ulit ng lalaki kay Xiah. hahawakan na sana niya si Mikee ng biglang hinawakan ni Maria ang kamay nito. "Wahhhhh! Walanghiya ka Fuego!" Sigaw nito at nagulat kaming nasunog ang balat nito.

"Tama na yan! Hali na kayo Rex at Roy. Wala dito ang hinahanap natin. Pero nakakapagtaka talaga ang lakas ng amoy ng Cuerpo kanina pero bigla nalang nawala." Anito. At tuluyan na nga silang lumabas ng bahay. Nahimatay namang bigla ang anak naming si Maria at agad namin itong inalalayan.

Salamat naman at umalis na rin ang mga lalaking iyon.

Sinabi naman ng aking mahal na si Xiah na baka mga baliw lang ang mga iyon at sa ngayon mas sinicure pa namin ang aming bahay. Naglagay na din kami ng CCTV sa harapan ng gate namin para makita muna namin ang tao sa labas bago buksan ang aming pintuan.

Hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon dahil na curious talaga ako sa mga kaganapang iyon. Isang araw habang natutulog ang aming anak na si Sebastian ay pumasok ako sa kanyang kwarto. Pinagmasdan kong mabuti ang suot suot niyang purselas. Napansin kong may labing tatlong beads ito. Bawat beads ay may nakasulat pero hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nila, pero nagulat ako ng makita kong merong nakasulat na Fuego, Bosque at meron ding Cuerpo. Anong ibig sabihin ng mga yun? Alam ko na iyon ang binabanggit nung mga lalaki. Kaya naman sinulat ko lahat ng labing tatlong nakasulat dun sa beads at sinubukan kong kunin ang ibig nilang sabihin.

Ng sinubukan ko na silang i search sa internet nagulat ako sa aking mga natuklasan.

Fuego = Fire
Bosque = Forrest
Cuerpo = Body
Aire = Air
Olvidalo = Land
Agua = Water
Hielo = Ice
Rayo = Lightning
Animales = Animals
Armadura = Armor
Sanar = Heal
Velocidad = Speed

Hindi ko maintindihan kung bakit ganyan ang ibig nilang sabihin, pagkatapos tinatawag pa nilang Fuego si Maria si Mikee naman ay Bosque at hinahanap nila si Cuerpo pero hindi nila makita. Hindi kaya si Sebastian ito? At naamoy nila siya ng alisin niya ang purselas? Kung Fuego si Maria ibig sabihin noon ay apoy. Nagulat kami ng hawakan ni Maria ang kamay nung lalaki at kitang kita ko na nasunog ang balat nito pagkaalis ng kamay ni Maria. Nangilabot ako bigla. Pero pinagtataka ko ay may isa pa silang binanggit ang Generalmente? Hinanap ko iyon sa mga beads ni Sebastian pero walang ganoon na nakasulat. Ano kayang ibig sabihin noon? Bakit wala iyon sa beads ni Sebastian.

Napagpasyahan kong kumbinsihin si Xiah na sa Amerika na muna kami at doon na muna mag aral ang mga bata kahit ilang taon lang. Sa totoo lang natatakot ako atleast sa Amerika baka hindi na nila kami masundan. Sa pangungulit ko sa kanya ay napapayag ko din siya. Sa totoo lang alam ko din na nag aalala siya sa mga kaganapang nangyari noong minsan kaya naman inayos na namin lahat ng papeles namin papunta sa America.

************

Tatlong taon din ang minalagi namin sa US. At sa ngayon pauwi na kami ulit sa Pilipinas. Sa awa ng diyos wala ng gumagambala sa amin. Kinalimutan nadin namin ang mga pangyayari ng araw na yun. Pagbalik namin sa pilipinas naging maayos naman lahat at naging masayang namumuhay muli. 21 years old na ngayon ang mga bata at graduating na sa college. Si Maria naman ay 15 years old na at nasa 4th year High School na. Si Sebastian naman ay sikat na sikat na ngayon dito sa pilipinas. Dahil noong nasa america kami ay lumalabas labas siya sa iba't ibang series at movies sa hollywood. Kahit hindi ganoon kalaki ang Character niya sa mga ginagampanan niya ay malaking bagay na ito sa mga kapwa niya pilipino at proud na proud sila sa narating nito. Pero kahit ganoon pa man hindi pa rin pinapabayaan ng aming anak ang kanyang pag aaral.

Kami naman ni Xiah kahit na 44 years old na kami ay mukha parin kaming nasa 30's dahil sa pag aalaga naming mabuti sa aming mga katawan. At pati na rìn sa pag eekserhisyo namin 4x a week. Hindi pa rin nawawala ang pagmamahalan namin sa isa't isa bagkus mas lalo pa kaming na iinlove sa araw araw na pagsasama namin. Siyempre active na active pa rin kami sa pagbibigay aliw namin kapag kaming dalawa lang haha.

Hanggang dito nalang ang kwento naming dalawa ni Xiah. Maraming maraming salamat .

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon