Chapter 7 : "Mickey"

4.6K 163 10
                                    

Hello guys photo above is Mickey,

--

Mickey's POV

Bata palang kami ng kakambal kong si Yohwan sanay na kaming makitang nag-aaway sina mama at papa. Noon okay pa ang buhay namin noong nasa USA pa kami. Nagkakilala kasi sina mama at papa sa America magkaklasi sila sa isang skuwelahan at pareho silang transferee at foreigner kaya nagkamabutihan sila, si papa isang filipino at si mama naman ay koreana. Pareho silang may naiwang minamahal sa kani-kanilang bansa kaya siguro binaling nalang nila ito sa isa't isa. At kalaunan nga nakapagtapos sila ng pag aaral at nagpakasal at kami ang naging bunga, kaso nag away sina mama at papa dahil gusto ni papa na sa pilipinas na kami manirahan at siya na ang magtitake over sa business nila lolo dahil nga matanda na sina lolo at lola at mas minabuti ng magpahinga nalang. Nagkasundo naman sina mama at papa at pinagpatuloy namin ang buhay sa pilipinas nasa tatlong taong gulang palang kami noon ni Yohwan. Si mama lumuluwas minsan papuntang korea para bisitahin ang mga relatives namin doon once or twice a month kung pumupunta siya doon ngunit hanggang naging madalas na ito na minsan isang buong buwan bago siya umuwi at isang linggo lang siya dito at aalis na naman. Naiiwan lang kami halos ni Yohwan sa yaya namin kasi si daddy busy rin sa trabaho niya. Naalala ko noong bata pa ako once nakita ko si daddy umiiyak at nagsusumamo sa telepono habang may kausap ito at tingin ko si mama ito. Nakikiusap si papa na umuwi na si mama at mahal na mahal niya ito, umuwi nga si mama kinabukasan pero nag away lang sila ni papa sinasama niya kaming dalawa ni Yohwan pabalik ng korea pero ayaw ni papa. Madaling araw noon natatandaan ko ginising kami ni papa at umalis kami sabi ni papa bibisitahin daw namin ang mga kamag anak namin sa probinsya nila sa Tarlac.

Hinding hindi ko makakalimutan ang mga araw na nandoon kami dahil may naging kaibigan ako ng panahong iyon. Sa aming dalawa kasi ni Yohwan ako yung gustong gustong maglaro sa labas habang siya naman mas gugustohin namang sa loob lang ng bahay at kasama si papa. Limang taong gulang palang kami noon at nakilala ko ang childhood friend ko na apat na taong gulang palang noon. Nakita ko siyang naglalarong mag isa sa bakuran nila natatawa ako dahil kahit lupa ang nilalaro niya gamit ang baso at mga takip ng bottled water eh ang saya saya niya. Nilapitan ko siya ng mga sandaling iyon at umupo sa tabi niya, kinuha ko yung isang baso at pinuno ng buhangin atsaka itinaob para makaubo ng maliit na tore ng lupa. Nakita ko siya na napatingin sa akin at napangiti, at doon nagsimulang nagkapalagayan kami ng loob.

Halos araw araw sa loob ng isang linggo pumupunta ako sa kanila na kaharap lang ng bahay nila papa doon sa probinsiya. Araw araw din akong pinapagalitan ni papa na tuwing umuuwi eh kadungis ko daw haha. Isang araw si papa sinundo ako sa may harapan ng bahay kung saan naglalaro kami ng kalaro ko. At sakto din namang labas din ng mama niya para tawagin din siya.

Hindi makapaniwala si dad na ang nanay pala ng kalaro ko ay dati niyang kaklasi at minsan niya na ding niligawan at una niyang minahal pero hindi iyon natuloy dahil ipinadala si dad sa America para doon ipagpatuloy ang kanyang pag aaral. Laking gulat ni dad na nangungupahan lang sila at walang katuwang sa buhay ang nanay ng aking kaibigan. Ang tinutukoy ko ay si Tita Boa. Oo tama naging magkaibigan kami ni Xiah noong bata palang kami pero isang buwan lang kami sa probinsya at kinailangan na din naming lumuwas ng maynila. Naalala ko pa na habang paalis kami, umiiyak siya. Hindi ko alam pero bata palang din ako non pero parang ayaw ko din umalis dahil masaya ako kapag kasama ko siyang naglalaro at hindi man kami nag aaway unlike my brother Yohwan na minsan din nakikisali sa amin sa paglalaro pero lagi kaming nag aaway or si xiah makakaaway niya dahil sa mga laruan hahaha tuwing naalala ko iyon natatawa parin ako.

Pagkabalik namin sa siyudad nag usap si mama at papa ng masinsinan at bumalik sa dati ang lahat at nagkabalikan sila pero pagkalipas ng sampong taon tuluyan na ngang nasira ang pamilya namin.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon