Chapter 10: " Cake "

3.4K 125 2
                                    

Hello Guys. Nga pala fanfiction po pala itong ginagawa ko isang boygroup po yung ginamit kong characters dito. TVXQ five member group debuted in 2003 consist of Hero Jaejoong, Xiah Junsu, Mickey Yoochun, U know Yunho and Shim Changmin.

Photo above Shim Changmin Bunsong kapatid nina Tifanny at Yunho.

Chapter 10

Nakaakap ako ngayon sa likod ni Mickey, nagmamakaawa na kumalma siya.

"Ahmm guys, ang awkward niyo." Ani Yohwan.

"Mik, anong gusto mong mangyari? Komprontahin mo si Papa mo? Anong sasabihin mo? Anong magagawa mo? Baka saktan ka din niya. Please huminga ka muna ng malalim." Pagsusumamo ko sa kanya habang akap akap siya sa likoran.

Dahan dahan naman siyang humarap sa akin at nakangiti.

"Salamat Xie Xie ko" anito sabay akap niya sa akin. Ito ang unang beses na nagyakap kami ni Mickey. Napaka sarap sa pakiramdam. Hindi ko masasabi sa salita pero isa lang ang sinisigurado ko. Mahal ko na si Mickey. Ayaw ko siyang makitang masaktan o umiyak. Hanggat maari poprotektahan ko siya. Yakap palang niya kompleto na ako. Since noong kiniss niya kasi ako hindi na iyon nasundan pa, kasi sa tingin ko hindi pa naman yun yung first kiss ko talaga kasi naman ninakaw niya lang yun sakin eh. Gusto ko ang magigjng first kiss ko ay kakaiba yung tipong kikilig pati mga buto ko. Hahaha

" ahem ahem! Guys, may dapat ba akong malaman?" Oh shete! Andito pala si Yohwan.

"Yuph bro! Xie Xie and I are dating." Masayang tugon ni Mickey. Ako naman hindi ko alam kung anong gagawin ko nakayuko lang ako pero deep inside kinikilig buong katawan ko. Ang sarap pala sa pakiramdam na proud ang taong mahal mo na ipakilala ka niya sa ibang tao. Ganito pala ang pakiramdam. Si Yohwan palang kasi ang kauna unahang nakakaalam niyan sa aming dalawa. Yung itsura ni Yohwan kung makikita niyo lang ganito oh 😲😲😲 . Ayan ganyan na ganyan hahaha.

"Seryoso kayo?" Gulat na tanong ni Yohwan.

"Yuph bro. Why? Sa katunayan nga kanina habang palabas ako yun sana ang sasabihin ko kay dad eh na ako din ay nagkakagusto sa lalaki." Proud na sabi ni Mickey, pero ako at si Yohwan pareho ng ganito ang mukha 😲😲😲 hahaha.

"Oh shit. Seryoso ka? I mean seryoso kayong dalawa?" Paninigurado ni Yohwan.

"Oo nga bro. Naniniwala kaba sa love at first sight? Ganoon naramdaman ko kay Xie Xie eh simula nung bata pa kami, dun sa Kpop event at ng unang dating niya dito sa atin. Alam ko kakaiba nararamdaman ko noon. Na para bang gusto ko siyang protektahan na ayaw kong makita siyang nasasaktan, umiiyak o malungkot. Kasi ngiti palang niya buo na ang araw ko." Pagpapakilig sakin ng mokong na to. Kailangan ba talaga niyang sabihin lahat ng yun? Kung kandila lang ako, Ice cream or sabon. Natunaw nako dito eh.

" Seryoso nga. Paktay. Bro may pakisuyo lang ako sa iyo. Hanggat maari wag mo muna sanang sabihin kay dad ang tungkol dito. Alam mo naman na masaya na si dad ngayon diba? Nakikita mo na masaya siya kay Tita Boa at matagal na panahon na bago natin siya nakitang ganito kasaya. Sa lahat ng sakripisyo niya sa atin deserve niya yun. About sa akin naman, nagka usap na kami ni dad pagdating ko kaninang umaga. Naiintindihan niya daw bat ko pinili si Mama at tingin niya yun din ang makakabuti sa akin ng mga panahon na iyon. Binago ko ang sarili ko bro at sa katunayan nga may Girlfriend ako ngayon sa korea pangalan niya ay Jessica. Isang buwan lang ako dito habang summer sa korea at sa august pa start ng class doon then babalik na ako sa korea kasi nga dun na rin ako nag aaral diba at mas mabuti na rin siguro ito na lumayo ako sa mga taong nasaktan ko sa pagpapanggap ko noon." Mahabang salaysay ni Yohwan.

" Naiintindihan ko bro, alam ko ako lang din inaalala mo. Salamat bro. Ang daya daya mo iiwan mo na naman pala ako." Malungkot at maiyak iyak na tugon ni Mickey. Atsaka sila nag yakap. Masaya ako na mahal na mahal ng magkapatid ang isa't isa. Na nagkakaintindihan talaga silang dalawa.

My Step Brother (Boyxboy) Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon