BARBIE'S POV
Hello guys, medyo suplado naman 'tong ka-date ko! Letse!! Tumabi ako sakanya dito sa couch ng kwarto namin. "Wala ka bang balak kausapin ako?"
"Ha? Pasensya na ha? Um, baket?" tanong niya.
He's so cute! :** "Ang awkward kasi! Hehe, sorry din sa pag istorbo man sayo."
"Istorbo? No, you didn't disturb me." sabi niya. Tapos hinawakan niya kamay ko. "Baket kasi pumunta kapa dito? By the way, wala ka talagang boyfriend? or meron pero di mo sinama kasi gusto mo ng mas gwapo sakanya?"
Binatukan ko siya, shit! Ang yabang, pero okay lang. "Hoy! For your information, wala akong boyfriend! Kasi isa lang talaga ang mahal ko at hindi 'yon mag babago kahit patayin pa ako."
"Wow ha?! Loyal, all the way!" asar niya. Tapos tinanggal ko kamay ko sa kamay niya. Humarap siya sakin. "Look Barbie, kung hindi ka naman talaga niya mahal... Leave him alone! Kahit lalaki ako nakakabastos din tignan na ang mga kapwa lalaki ko binabastos at niloloko ang mga babae kasi parang ginaganun na din nila mga mama namin."
"Wow ha?! May experience ka?" tanong ko.
Umiling siya, so pano niya nalaman?! "Ayoko sa lalaking chickboy tsaka manloloko. Kaya 'yang sayo, iwanan mo na kung hindi ka niyan mahal. Mukha nga akong suplado, mayabang at seryoso, okay lang yan at least hindi manloloko." sabi niya.
Tama nga siya nuh? :) "May point ka! :) By the way, Ranz may naging girlfriend ka na ba?"
"Wala pa! Tsaka ang bata bata ko pa para diyan." sagot niya.
Wow?! Siya lang ata ang lalaking ganyan. Bakla ba 'to? Di naman siguro! "Ranz, bakla ka ba?"
"AKO?! BAKLA?! Gusto mo subukan pa kita eh!" sabi niya. O....O Binatukan ko nalang siya. "Joke lang! Siyempre, di ako bakla. Never ako mababakla, uggggggh! -_-"
"Ahh, by the way ba't parang di na kita nakikita after classes?"
"Umuuwi na kasi ako after classes di kaya nasa office ng daddy ni Miles." sagot niya.
Ayyy, oo nga pala! ^_____^ "Pinsan ba talaga kayo ni Miles?"
"Hindi! But we treat her as our cousin." sagot niya.
Wow! :) "Mabuti pa kayo!"
"Di ko nga akalain na may barkada pala na ganito, yung mayayaman... Tsaka may limousine at madami pa! Hay nakooooo! Sana mag kabarkada ako ng ganito." sabi niya.
Ngeeeeeeeek! O.O "Pssssssh! Okay lang 'yan, by the way san kayo nakatira talaga?"
"Ahh, sa states. Pero pinili namin dito, nandito naman ang daddy ni Miles." sagot niya.
"So, mayaman kayo?"
"Hindi!" sagot niya. Pakipot pa oh! Akala ko ba Mr. Yabang! "Pero biro lang! Hahaha!"
________________________________
(A/N: Yung kwarto nila Barbie nasa gilid! :) Thanks! :**)
BINABASA MO ANG
My Ex-Boyfriend Is Back? (Better Together Book 2)
Teen FictionKathryn Chandria M. Bernardo – “Everybody know me! :) How could I live happily with a hard past?! Akala ko ‘better together’ oo nga! Pero he fools me! Akala ko nothing compares to him, pero manloloko pala. What will happen to my life if he come back...