First year, first day
Introduce yourself
"Hi, I'm Claire Sandoval"
"I'm Sheena Santos"
"My name is Joseph Serrano"
Magkakaklase tayo. Ikaw lagi ang pinapansin ng mga teachers dahil taga ibang bansa ka.
First impression ko sayo, mabait, magalang, maraming kalokohan at mayabang.
Di pa kita kinakausap dahil nahihiya ako baka di moko papansinin. Baka sabihin mo feeling close ako.
May seating arrangement sa lahat ng subjects. Kadalasan nasa likod kita dahil magkakasunod ang last name natin. Nasa first row tayo.Ilang months na di pa rin tayo nagkakausap. Mahiyain kasi ako. Kapag nagpapass lang ng assignments o papers dun lang kita tinatalikuran.
Nagkaroon ako ng bestfriends. Sina Kath at Sheena dahil sila ang una kong nakausap at lagi ko silang kasama. Katabi ko si Sheena at si Kath naman ay nasa 3rd row.
November. Nagkaroon ako ng boyfriend, si Lawrence, classmate din natin. First boyfriend ko siya. Siya yung tipong lalaki na babaero, mabola, malakas ang dating kaya maraming nagkakagusto sakanya.
Iilan lamang sa mga kaklase ko ang may alam na magkarelasyon kami. Sina Sheena at Kath ang unang nakaalam na boyfriend ko na si Lawrence. Sina Kath at Lawrence ay magkatabi sa third row.
Siguro alam mo rin na boyfriend ko na siya dahil magkakaibigan kayo. Isang grupo kayo kasama sina Eric, Ian, Arvin, Albert at Jeff.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable EX
RomanceHave you ever been inlove? Yung tipong minahal mo, iniwan ka, nagmahal ka ng iba, pero siya pa rin hinahanap-hanap mo. Kahit ilang beses ka niyang sinaktan, tatanggapin mo parin ba? Mahal nga ba o namimiss lang? True love na nga ba?