Lesson Learned

60 1 0
                                    

Sa mga nangyari sa buhay ko, marami akong natutunan. Kaya ibabahagi ko sainyo ang mga ito para may kaalaman kayo kung mangyari man ito sainyo.

Be honest. Yes. Kailangan mo maging honest sa sarili mo, sa mahal mo, sa nararamdaman mo at sa mga taong nakapaligid sa iyo.

Kung may nararamdaman kang kakaiba sa kaibigan mo, sabihin mo sakanya in a nice way.

Kung may gusto ka sa may gusto sayo, aminin mo, wag ng magpatumpik tumpik pa! Or else pagsisisihan mo gaya ng pagsisisi ko.

Kung niloko ka ng bestfriend mo, patawarin mo pero wag mo na siyang pagkatiwalaan ulit ng buong buo. Para sa akin, naniniwala ako na kahit gaano mo gustong ibalik ang friendship nyo noon, kung sinaktan ka niya o ano, hinding hindi na mababalik sa dati yon. Mababalik man siguro pero may halong ka-plastican na. Parang salamin lang yan, pag nabasag na hinding hindi mo na mababalik sa dati dahil may mga scars na.


Be brave. Be brave enough to tell your feelings and to fight for your loved ones. Maging matapang ka kung pinaglalaban mo ang pagmamahal mo sa mahal mo.

Kung mahal mo at mahal ka, ipaglaban niyo. Basta walang eepal na iba sa relasyon niyo, magtatagal kayo.

Kung mahal mo at hindi ka mahal, hayaan mo na siya magmahal ng iba. Baka hindi lang kayo para sa isa't-isa. Magmahal ka nalang ng iba.

Kung mahal ka at hindi mo mahal, magpasalamat ka sakanya. Wag mo siyang deadmahin. Be brave enough to tell him na hindi mo siya gusto pero in a nice way. Oo masasaktan siya, pero kailangan niyang tanggapin yun. Truth hurts bes!

Trust. Okay lang magtiwala ka sa mga taong nakapaligid sayo, nasa kanila nalang iyon kung sisirain nila tiwala mo sakanila nang dahil lang sa maliit na bagay o malaking bagay.


Kung sinira nila tiwala mo sakanila, mag-ingat ka sa susunod mong hakbang. Magtiwala ka ulit pero hindi na yung tulad dati. Baka masaktan ka lang.

Kung mahal ka talaga niya, hinding hindi niya sisirain yung tiwala na ibinigay mo sakanya kasi nga mahal ka niya.

Acceptance. Tanggapin mo lahat ng nangyayari sayo o sainyo ng mahal mo.

Kung iniwan ka niya at pinagpalit sa iba, tanggapin mo yun. Mahirap sa una pero alam kong matatanggap mo rin yun sooner or later.

Kung hindi nag-work ang relasyon nyo, tanggapin mo dahil baka may ibang para saiyo. Baka naman talagang hindi relasyon ang para sainyo, you can be friends. Not with benefits ha!

Love yourself. Dahil walang ibang magmamahal sayo kung hindi mo mahal ang sarili mo. Mahalin mo sarili mo bes! Walang ibang gagawa niyan kung hindi lang ikaw. Ofcourse, your parents will love you unconditionally.

Kung may mahal ka, wag mong ibigay lahat sakanya. Magtira ka para sayo. Dahil mas masakit pag iniwan ka niya, walang matitira para sayo. Wag mong ilaan lahat sakanya, bigyan mo ng oras sarili mo. #MeTime

Kung mahal mo sarili mo at iniwan ka niya, okay lang yun. Hindi ikaw ang kawalan. Siya ang magsisisi.

Hindi ako naniniwala na ang mag-"EX" ay hindi na pwedeng maging friends.

I am friends with Lawrence, Sam, Daniel and Josh.

Minsan talagang hindi mo maiwasan na ma-compare sila at may isang aangat sakanila. Yun ay si Josh para sa akin.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon