Grow Apart

90 0 0
                                    

4th year na, kami na ang mga ate at kuya sa campus.

Last year nalang namin to sa highschool. Sana masulit na namin.

May nababalitaan naman ako na may ka-m.u tong si Josh. Alma ang kanyang pangalan, 3rd year new student sa school namin.

Hindi ko alam kung bakit nagseselos ako kay Alma kahit na may boyfriend na ako. Siguro naiinggit ako dahil sila na. Oo sila na. Isang buwan pa lang ang nakalipas. Mabilis naging sila.

Hindi naman kasi mahirap mahalin itong si Josh. Malambing din kasi siya at manhid ka nalang kung hindi ka mahuhulog sakanya.

 

Di ko alam kung gaano sila katagal. Pero dumating din sa point na nagkahiwalay sila.
 

March na. . .

Last practice ng mga 4th year para sa graduation. Gusto nila sama-sama kami kumain bago umuwi.

Hindi maiiwasang makasama ko si Josh dahil classmate ko siya. Tinetext ko naman si Tom para ipaalam na kakain kami sa labas.

"Kakain lang kami sa labas, kasama mga classmates ko" text ko kay Tom

"Kasama mo ba si Josh?"

"Oo, nagkayayaan lang kasi last na lang naman daw."

"Minsan nga lang mangyari yan pero may nagsumbong sa akin na sobrang dikit nyo. Ano ba meron sainyo?"

"Ha? Kasama ko mga classmates ko at isa na si Josh dun. Di naman porket magkasama kami, naglalandian na.

"Sorry, nagseselos lang ako. Ex mo si Josh eh."

Naiintindihan ko bakit nagseselos si Tom pero wala dapat siyang ika-selos dahil kami na.

Gawa gawa lang ni Tom na may nakakita sa amin na magkadikit. Kasama ko si Nikka at siya lagi ang kasama at katabi ko.

Aaminin ko, gusto ko parin kasama si Josh. Iba kasi yung pagpapatawa niya. Pero loyal ako sa boyfriend ko at ayaw kong masira ang tiwala niya sakin at ang relasyon namin.

Graduation day!

Di ako makapaniwala na tapos na pagiging highschool student ko. Mamimiss ko mga classmates ko.

Iyakan kaming lahat. Yun ang pinakamasakit na naranasan ko, mahiwalay sa mga classmates ko.

Niyakap ko lahat ng mga girls. Nag-iiyakan kami habang nakapulong sa gitna.

Niyakap ko na rin mga naging kaclose kong lalaki.

Neutral lang kasi ako, kaclose ko mga boys at girls. Marunong ako makisama kaya marami ako ka-close sakanila.

Hindi tulad ng mga ibang babae, ayaw sa mga iilang lalaki dahil nayayabangan daw sila.

Lumapit sa akin si Josh at nagyakapan kami

"Thank you Claire!"  habang may luha sa kanyang mga mata. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Nabigla na lang ako nang may humila sa akin at niyakap ako. Ang bestfriend ko, si Nikka, umiiyak at sinabing mamimiss ako.

Lahat naman ay niyakap ko. Nag-iyakan kami sa gitna nang matapos na kami magkantahan.

May sumigaw na isa sa mga classmates ko

"Bakit kasi kailangan pa nating matapos mag-highschool" paiyak na sabi ni Jeff

Si Jeff ang isa sa mga pinakamagulong estudyante at pinaka pasaway. Kahit gaano siya kayabang at siga tignan, may pusong mamon siya.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon