Bestfriend ka lang

63 2 0
                                    

Friend or bestfriend ka lang

Nakakapagtaka naman yata yun. Mukhang may gusto siya sa boyfriend ko. Alam ko mga galaw ng ibang babae. Nilalapit talaga niya sarili niya kay Daniel kahit alam niyang may girlfriend na siya.

Pinag-awayan namin ni Daniel tungkol sa bestfriend niyang si Lina. Para sakanya, wala lang yun pero sa akin, big deal. YES. BIG DEAL.

Sino ba naman may gustong lumandi sa boyfriend mo? Minsan mas napagkakamalan na magkasintahan sila kaysa sa amin.

Sinabihan ko si Daniel na layuan na niya si Lina. Sinunod niya ako, umiwas siya. Ngunit patuloy na lumalapit itong si Lina. Ang cheap niya diba.

Ilang beses na niya akong niloloko at nahuling may tinatago siya sa akin.

Nagkikita sila ni Lina ng hindi ko alam. Nagkakausap parin sila ng patago. Nakita ko kasi sa post ni Lina sa Twitter ang screenshot ng conversation nilang dalawa ni Daniel.

"Bestfriend, kita tayo school bukas?" Tanong ni Lina

"Bakit best? Lilibre mo ba ako?" Sagot ni Daniel

"Alam ko ikaw maglilibre sa akin best eh, ang bait mo talaga" sagot naman ni Lina

"Wag ka ng humble best, alam kong ikaw manlilibre. Hulog ka talaga ng langit sa akin." Sagot ni Daniel

Doon ko nalaman na nag-uusap pa pala sila. Tinanong ko si Daniel

"Talaga bang hindi na kayo nag-uusap ni Lina?

"Hindi na. Bakit? Sagot niya

"Pahiram ako ng facebook mo" sabi ko kay Daniel

"Bakit?"

"Wala, may titignan lang ako"

10 minutes bago siya magreply. Ang tagal naman ng reply niya, nakakapanibago. Mabilis naman siya nagrereply kanina.

"Eto username ko at password" sagot niya

Binigay niya ang account niya sa akin. Tinignan ko ang mga messages niya. Wala silang conversation ni Lina. Nagdelete na siya bago pa niya ibigay.

"Kung hindi na nga kayo naguusap ni Lina, eh ano to?" Pinakita ko sakanya mga screenshot ng conversation nilang dalawa

"Diyan lang kami nagkausap. Oo, dinelete ko ang conversation namin dahil alam kong mahuhuli mo ako. Pero wala lang yan Claire." Sagot niya

"Sinungaling ka! Magsama kayo!" Sagot ko sakaniya

Nawalan ako ng tiwala sakanya kaya ako nakipaghiwalay after 1 year ng relasyon namin. #TrustIssues

Iniyakan ko rin si Daniel dahil siya palang ang matagal kong nakarelasyon. Somehow naiinis dahil sa ginawa niya sa akin. Napakasinungaling niya.

I really really hate him! Magsama silang dalawa! Wala na akong pakealam sakanila.

Naging usap-usapan kaming tatlo sa classroom namin. Maraming galit kay Lina sa ginawa niya at ako ang kinocomfort ng mga classmates ko. Awkward. . . .

Time to move on again!

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon