Monday Sickness
Namumula ang balat ko parang allergies, first time ko at di ako sanay. Kamot ako ng kamot. Nakita ako ni Josh.
"Nag-iinom kasi di naman pala kaya, kamot kamot kapa." Sabi niya
Kunwari wala akong narinig, di ko pinansin kahit nasa harapan ko lang siya. Yumuko ako.
Election day today!
Mag-nonominate na ng class officers. Treasurer ako since grade 4 hanggang first year.
Na-nominate ako bilang Treasurer pero pinakiusapan ko ang teacher ko na wag na muna.
"Ma'am ayaw ko muna po." Sabi ko kay Ms. Galang
"Are you sure? I am amazed, agree silang lahat na ikaw ang Treasurer. It means na pinagkakatiwalaan ka nila with their money." Wika ni Ms. Galang
"Ma'am magpapahinga muna po ako. Iba nalang muna po." Sabi ko sabay tawa
Hindi na ako pinilit. Sabi ko sa sarili ko ayaw ko muna maging officer. Ayoko mangyari ulit nung nag-closing kami. Hirap sila kausapin.
Iba na ang naging Treasure.
Muse and Escort naman ang pinagpipilian
Nagnominate si Lawrence sa muse, ako ang tinuro niya. Wala ng ibang na-nominate dahil okay na raw yun. Ako nalang daw.
Sa Escort naman, nanominate si Josh. Lahat ng kaklase ko sinabing awkward pero wala ng ibang nanominate.
Kaming dalawa ang Muse and Escort. Nagalit si Josh sa taong nagturo sakaniya, si Mae. Pinuntahan niya si Mae
"Nag-iisip kaba ha? Masaya kana ba nyan?" Pasigaw na sabi ni Josh kay Mae
Nag-away sila nang dahil doon. Mainitin kasi ulo ni Josh at ayaw niya maging awkward.
No choice ang Muse and Escort. Kailangan mag elimination para sa Ms. & Mr. Intrams. Umaayaw ako pero pinilit ng teacher ko na subukan ko lang pagbigyan ko daw siya.
Tutal minsan lang humiling ang teacher kong yun. Pinagbigyan ko na.Elimination day today!
Umuwi ako sa bahay para mag-lunch at mag-ready para sa elimination. Nag-make up ako at inayos ko ang susuotin ko.
3pm pa ang elimination. Nakabalik ako sa school ng 2:30pm. Binuksan ko ang pinto ng classroom namin.
"Oh bakit ngayon ka lang Claire?" Tanong ni Mr. Suarez
"Sir sorry po."
"Sir kasali po siya sa elimination mamaya" singit na sagot ni Lawrence
"Ah sige. Goodluck ha!" Wika ni Mr. SuarezPinaupo na ako.
Nung oras na yun may activity silang ginagawa, nakagrupo grupo sila at nakapabilog ang kanilang mga upuan.
Di ko alam kung san ako maglulugar at mukhang wala ng upuan. Dumiretso lang ako.
Napa-wow sa akin mga classmates ko, ang ganda ko raw kasi sa ayos ko. First time nila ako nakitang naka-make up at maayos ang buhok. Hindi kasi ako nagmemake up dahil sensitive ang mukha ko.
Tumingin ako sa kaliwa nandoon si Lawrence, napatayo siya at humahanap ng upuan.
Pagtingin ko naman ng kanan nakatayo din si Josh, pinapaupo ako sa upuan niya. Dahil kay Josh ako malapit, dun ako nagbanda pero di ko tinanggap yung alok niya.
"Claire dito kana oh, bakante naman ito" sabi ni Bianca
Nakaupo na rin ako sa wakas!
Tinitignan parin ako nina Lawrence at Josh. Mga kaklasi ko namang babae, sinasabihan ako na nagkakagulo mga ex ko sa akin. Hinayaan ko lang silang dalawa. Sa totoo lang, natawa ako kasi kita ko sa mukha nila ang pagsisisi. *evil laugh*
Naging maayos naman ang elimination. Natapos din ng maayos. Di ko tinanggap sa huli dahil ayaw ng mga magulang ko. Di ko rin kasi kaya na humarap sa maraming tao at di ko gusto yung mga ganon.
Humingi ako ng dispensya sa adviser ko.
"Sayang naman, di na ba magbabago isip mo Claire? Ikaw ang napili kasi maganda ka." Sabi ni Ms. Galang
"Ma'am sorry po talaga. Ayaw po kasi ng mga magulang ko."
"Bakit daw? Magsolicit tayo para sa gastusin mo" tanong niya
"Hindi po iyon Ma'am, kaya naman po namin ang gagastusin. Kaya lang po di ko lang po talaga kaya iyon." Sagot ko
Nahihiya ako humarap sa maraming tao. Baka magkalat lang ako doon kaya hindi ko na tinuloy.
Nanghinayang ang mga kaklase ko.
"Sayang nakaready na pa man din mga banner mo"
"Oo nga, wala na kami susuportahan"
Palokong sabi nina Ian at Ryan sa akin.
Ilang araw ang nakalipas, nabalitaan kong hiwalay na sina Kath at Josh. Dahil may bago na rin agad itong si Josh!
Si Ariane, new student na naging best friend ni Kath simula ng hindi na kami nagkakausap, girlfriend na ni Josh.
Oh diba, uso ang karma. Doon ako naniwala na totoo ang karma. Nangyari kay Kath kung ano ginawa niya saakin. Nag-iyakan pa sila ni Kath at Ariane.
Lumapit sa akin si Kath, humingi siya ng tawad sa nangyaring pagloloko sakin. Pinatawad ko na dahil wala narin naman sila ni Josh. Okay na ulit kami. Sila naman ni Ariane ang di magka-ayos. Doon nauso ang parinigan at bangayan.
Umiyak si Kath sa classroom habang kausap niya si Ariane"Ganyan ka na ba kalandi? Ang baboy nyo! Pinagkatiwalaan kita Ariane! Mang-aagaw ka!" pasigaw na sabi ni Kath
Habang nasa loob ako ng classroom, naiisip ko, "di kaya tinatamaan tong si Kath sa mga sinasabi niya? Ganyan din ginawa niya sakin noon. Alam na nya ngayon ang naramdaman ko noon"
Nilapitan ako ni Shey.
"Parang noong kayong dalawa lang no? Bilis ng karma kay Kath. Nangyari sakanya ginawa niya noon sayo""Oo nga eh, kawawa. Kasalanan din naman niya" sagot ko
Nagsimulang magkadevelopan sina Ariane at Josh nung nagsama sama silang tatlo nina Kath.
Umuuwi si Kath para maglunch sa bahay nila kaya silang dalawa nalang palagi ang nagkakasama.
Isang buwan lang sina Josh at Ariane. Di nagtatagal mga naging karelasyon ni Josh simula nang iniwan niya ako.
Tumagal kami ng anim na buwan noon ni Josh, sila ni Kath ay dalawang buwan at si Ariane ang huli.
Nagkaloko loko na tong si Josh. Na-impluwensiya na yata siya sa mga barkada niya. Noong kami naman, matino naman siya. Hindi ko alam anong nangyari sakanya ngayon.
Magbabakasyon na ulit. Single na ang lahat. Single parin ako pero okay lang. Di parin kasi ako nakakapag-move on. Mahal ko kasi talaga si Josh. Mahal ko parin siya hanggang ngayon na naging sila ni Kath at Ariane.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable EX
RomanceHave you ever been inlove? Yung tipong minahal mo, iniwan ka, nagmahal ka ng iba, pero siya pa rin hinahanap-hanap mo. Kahit ilang beses ka niyang sinaktan, tatanggapin mo parin ba? Mahal nga ba o namimiss lang? True love na nga ba?