Saddest part

70 0 0
                                    


October na
College days namin

Nakita ko si Josh na dumaan sa gilid ng school namin. Sinundan ko siya ng patago. Pumasok siya sa coffee shop kung saan kami lagi nagpupunta noon. Sinilip ko ang shop na yun. Kausap niya ang babaeng crew at nagkangitian silang dalawa.

Bakit siya mag-isa? Close yata sila ng babaeng crew? May hinihintay ba siya? Sino hinihintay niya?

Lumabas ang crew kasabay ni Josh. Dinig ko ang babae sabi niya sa katrabaho niya

"Babalik ako, kakaen lang kami!" Pasigaw niyang sabi

Ha? Bakit sila magkasama? May relasyon ba sila? WTF? JOSH? REALLY?

Sana hindi ko nalang siya sinundan para hindi nalang ako nasaktan.

Umiyak ako nang araw na iyon. Akala ko magiging kami na ulit pero di pa pala. Hanggang alaala nalang talaga mga pinagsamahan namin.

Papunta ako sa school nang walang gana at wala sa sarili ko.

Tinignan ko ang cellphone ko para mabasa kung sino ang nagtext. Aaminin ko umaasa akong si Josh yun.. Pero hindi pala.

"Claire, tara punta tayo sa school. Intrams nila ngayon!" Text ni Ryan

"Sige sakto nasa school lang ako wala akong magawa" sagot ko

Sabay kaming pumunta ni Ryan sa school namin noon.

"Sino sino mga nandoon?" Tanong ko

"Mga classmates natin, 4-Luke." Sagot niya

4-Luke ang section namin noong 4th year highschool.

Palapit na kami sa court. Nakikita ko na sina Nikka at mga iba pang babae.

Pinagmadali ko ang lakad ko para kamustahan na sila at ibeso-beso. Nakatawa sila, ang saya ata ng kwentuhan ng mga to!

Laking gulat ko ng may isang babaeng nakaupo mukhang pamilyar to pero di namin siya naging classmate. Nakita kong may lalaking tumabi sakanya, si Josh ba yun? Oo si Josh nga. Yung babaeng nakita kong kasama niya na nagtatrabaho sa coffee shop.

Pagkadating ko doon, bungad agad sakin ni Shey ang mga tanong na

"Claire, sino yung kasama ni Josh? Akala ko kayo na ulit? Anong nangyari?"

Tinawanan ko nalang di na ako nakapagsalita. Natahimik ako.

"Wala na yatang taste si Josh sa mga babae? Tignan mo naman, mukhang cheap. Ang layo kay Claire" sabi ni Nikka

Natawa nalang ako sa mga panlalait nila sa bagong babae ni Josh.

"Magtigil nga kayo. Hayaan nyo nalang siya. Diyan siya masaya eh" sabi ko

Ang sakit parin. Bakit sa dami ng babae dito, yun pa? Yun na ba pinalit niya sa akin? Kaya ba hindi na siya nagparamdam? Bigla nalang siyang nawala parang bula.

Tinapos namin ang event sa school. Kumain kami sa labas pero hindi na kasama sina Josh. Kaming mga babae nalang at iilang lalaki ang nandoon.

Tapos na ang tawanan at kwentuhan. Naisipan na magsi-uwian. As usual, sabay pa rin kami ni Nikka.

Habang pauwi, kinausap ko si Nikka. Alam kasi niya lahat ng tungkol sa amin ni Josh at siya lang ang pinagkakatiwalaan ko.

"Ang sakit girl!" sabi ko

"Tanggapin mo nalang, di mo deserve yun! Ganda mo oh! Umaasa kapa ba? Move on na te!"

"Oo umaasa pa ako. Akala ko okay na kami.. Malungkot nanaman ako."

"Tara inom nalang natin yan gaya ng pagkalasing mo nung nagbreak kayo!" Patawa niyang sabi

Nakauwi na rin. Parang akong pagod na pagod ako sa araw na iyon.

Nagkulong ako sa kwarto ko. Umiyak ako at nakatulog. Sobrang sakit. Iniyakan ko nanaman ang mokong na yun. Tama na. Tigil na. Pakatatag na ako ngayon.

....

Moving on



Hindi naging mahirap ang pag-momove on ko kay Josh dahil magkaiba naman kami ng school. Move on kahit walang kami? Move on kahit ako lang nag-assume? Move on kahit umasa lang pala ako?

Pag naman may lakad ang 4-Luke, tinatanong ko muna kung sino lahat ng makakasama. Minsan nandun siya, minsan wala. At pag nandyan siya, hindi kami nagpapansinan at nag-uusap. Awkward..

Thursday noon nang itext ko si Nathan. Naiinip ako at hindi na ata ako sanay na uuwi na agad pagkatapos ng klase ko.

"Nathan, tara tambay tayo! Saan ka?" sabi ko

"Sige, anong oras? Sa bahay lang ako. San kita pupuntahan?" aniya

"Sa school nalang. Ngayon na, padismiss na ako"

Nagkita kami sa labas ng school ko. Tinext ko sina Nikka at ibang classmates ko para dumami kaming nandoon.

Pumunta kami sa coffee shop at naghintay muna kina Nikka. Nakita kong andoon pa rin ang nilagay ni Josh na sticky note. Nag-usap kami ni Nathan.

"Buti andito pa to. Walang kwenta to." sabi ko

"Bitter ka pa rin ba Claire?"

"Hindi. Ewan. Bakit kasi ganyan kaibigan mo eh!" sagot ko

"Ganyan talaga si Josh. Tanggapin mo nalang" sabi naman niya

Tinanong ko sarili ko. Anong ganun talaga? Marami na ba kami? Magpakasanay nalang ba ako?

Tinanggal ko ang sticky note na iyon para di ko na nakikita. Binasa ko ulit.. Kung dati ay kinikilig ako, ngayon naman ay may tumutusok sa puso ko. Nasasaktan na ako.

Buti nalang andyan si Nathan para pasayahin ako. Isama mo pa itong si Arvin. Pag sila kasama ko di pwedeng di ako tumawa. Grabe ang trip nila!

Nagpasalamat ako sakanila sa araw na yon. Buti pwede sila. Nakalimutan ko kahit papaano ang sakit.

Simula highschool silang dalawa na ni Arvin ang stress relievers ko. Sila rin ang mga bff kong lalaki.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon