Birthday Blast

67 0 0
                                    

December na
My birth month!

Inisip ko na kung paano ko icecelebrate kahit 16 days pa bago ang birthday ko.

Ililibre ko nalang sina Crystal bago ang birthday ko at iilan nalang sa 4-Luke ang yayayain ko sa labas sa araw ng birthday ko.

December 16. Last day na namin kaya naman naglibre na ako sa mga classmates kong sina Crystal, Faye at Claudine. Sila ang mga nakakasama ko ngayong college.

Bukas na ang birthday ko. Niyaya ko mga highschool friends ko para sila kasama ko magcelebrate. Pati na rin si Josh kasama sa niyaya ko. Okay na ako, tanggap ko na rin naman na hanggang doon nalang kami.

Today is my day!

I'm excited to see my friends! Long time no see kasi.

11am ang usapan namin na magkita nalang sa restaurant.

10:30am. May nagtext!

"Saan kana? Andito na ako" tanong ni Eugene na isa sa mga niyaya ko

"Papunta na ako. Sino kasama mo?" reply ko

"Ako lang mag-isa" sabi niya

Habang papunta ako, isa-isang nagtetext mga niyaya ko.

"Claire, hindi ako pinayagang umalis ni Lola ko"

"Uy sorry nasa probinsya ako"

"Biglaang alis namin nina mama sorry hindi ako makakapunta"

Nakarating na ako at pinuntahan agad si Eugene. Umupo muna kami. Tinanong niya ako asan mga iba? Sina Nikka?

"Hindi raw siya pinayagan ng lola niya. Hay nako. Mga bomba"

"Saglit itext ko nga si Nikka" sabi niya

May nanggulat sakin mula sa likod.

"Happy Birthday Claire" sabi niya

Lumingon ako at nakita si Donny. Sabay abot sa regalo niya sakin

"Thank you!" sabi ko

"Uy Claire. Hindi raw makakadating si Ian kasi nasa probinsya sila" sabi ni Donny

"Oo nga raw. Nakakainis naman mga yon!! Birthday na birthday ko! Tayo nalang tatlo? Oorder na ba tayo?" mangiyak iyak kong sinabi

"Saglit, pahinga muna ako. Ang init sa labas" sabi ni Donny

"Sige, maghintay pa tayo baka sakaling may dumating pa!" sabi ko sakanila

Tinetext ko silang lahat hindi na sila nagrereply. Bomba talaga mga to. Gusto ko ng umiyak. Nakakainis sila. Napapaiyak na ako sa sobrang inis.

Ilang saglit lang tumingin ako sa labas at umaasang may darating pa. Bigla kong nakita si Nikka kasama ang boyfriend niya pati mga ibang niyaya ko. Nagtataka ako bakit sila magkakasama. Natuwa ako.

Pagkapasok nila nagkakanta silang Happy Birthday habang nag-aabot ng tig-iisang rose.

"Grabe! Nakakainis kayo!" sabi ko sakanila

"SURPRISE!!!" sabi naman ni Arvin at nagbigay ng chocolate bilang gift niya

Nakatawa silang lahat. Huling pumasok si Josh may tatlong polvoron at isang rose din.

Nagulat ako dahil di ko inakalang makakadating siya. Inabot niya ang rose sa akin

"Thank you" sabi ko

"Eto tatlong polvoron, alam ko gusto mo to" sabi niya

Ang effort naman ng mga to. Nakakainis! Napasaya nila ako noon. Akala ko iiyak na ako sa birthday ko.

"Sino nagplano nito? Salamat ha!! Thank you talaga. Kahit nainis nyo ako noong una, planado pala" sabi ko

"Gusto na niyang umiyak kanina pa. Hahaha" Patawang sabi ni Eugene sakanila.

Nagtawanan sila dahil kasabwat din pala itong sina Eugene at Donny.
 

Umupo na kami at nagbigay na ng menu ang crew doon.

"Order na tayo. Ano bang gusto nyo?" sabi ko

"Kahit ano nalang Claire, ikaw na bahala. Ikaw naman magttreat eh" sabi ni Nathan

Nag-order na ako para makakain na kaming lahat.

Sinenyasan ko si Nikka na punta muna kami sa CR habang hinihintay ang order namin.

Nang nasa CR na kami tinanong ko siya

"Sino nagplano nito? Hindi pala pinayagan ha!" Sabi ko sakanya

"Hahaha! Joke lang yun, may pasok pa kaya kami ngayon no. Si Josh nagplano ng lahat! Nagkita kami kanina sa school. Ang aga nga niya eh, 9am palang nandun na raw siya kahit wala na siyang pasok. Sinabihan niya akong magpanggap na hindi makakapunta pati na mga ibang kasama natin kaya tinanong kita kahapon kung sino mga niyaya mo. Bumili siya ng 17 roses para sayo, yun yung kanina" sagot niya

"Mga loko kayo! Pero salamat, naappreciate ko ng sobra" sagot ko sakanya

Bakit niya kaya yun ginawa? Ang effort talaga ng lalaking yun. Naappreciate ko talaga lahat.

Bumalik na kami sa table para kumain na.

Kwentuhan, tanungan, tawanan at kung ano pa ang ginawa namin.

"Nagulat ka no?" Tanong ni Nathan

"Oo nga hindi ko inexpect yon" sagot ko

Patapos na kumain ang lahat nang napatingin si Josh sa labas

"Bakit nandito si Alma?"  gulat niyang sinabi kay Nathan

Parating sina Alma at Ella na naging kaibigan ko rin sa school namin noon. Lower year sila pero close close kami.

Awkward yata kay Josh na andito si Alma? Balita ko kasi na nagdedate sila noon pero tinigilan na din ni Josh nang bumalik siya sa akin

"Hindi kaba nasabihan?" sabi ni Nathan

"Bakit nandito yan! Kainis naman" sabi ni Josh

Mali nga ba na inimbita ko sila? Sana sa akin lang siya naka-focus ganun ba? Awkward..

Nakalapit na sila sa table namin at sabay nilang sinabing "Happy Birthday!" habang nag-aabot sila ng malaking regalo sa akin. Bineso beso nila akong dalawa.

Natapos na kaming kumain lahat. Alas dos palang. Maaga aga pa

"Saan tayo nyan?" tanong ni Nathan

"Gusto nyo ba mag movie house?" Tanong ni Ian

"Osige. Kkb na yun ha! Hehe" sabi ko nang nakatawa

"O tara na!" sabi ni Nathan

Nagpaalam na sina Nikka dahil may pasok pa sila ng boyfriend niya. Sina Eugene at Donny di na raw sila makakasama dahil may mga lakad pa sila sa hapon.

Kami nina Josh, Nathan, Ian, Arvin, Alma, Ella at Ryan ang nagpunta sa Movie House.

"Anong papanuorin natin?" tanong ni Ryan

"Etong nakakatakot!" sabi ni Nathan habang hawak ang dvd ng isang horror movie

"Uy wag naman nakakatakot!" sabi ko

"Sige na yan nalang para may thrill" sabi ni Arvin

"Oo nga marami naman tayo wag ka mag-aalala" sabi ni Ryan

Wala na akong magawa kahit birthday ko yun hindi nila ako pinagbigyan.

Pumasok na kami sa isang room para manuod na. Nagpicture picture muna kami habang naghihintay.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon