Closing Party
Patapos na ang freshmen life kaya naman naisipan ng buong class na magkaroon ng closing party.Ako ang pinag-organize nila para maayos daw at sanay ako mag-manage ng pera dahil ilang taon ako naging Treasurer simula elementary hanggang ngayon.
Nagkaroon kami ng meeting para doon. Nagkita kita kami sa school para mag-desisyon na kung saan.
Ang daming nagsabi na sasama sila hanggang sa palapit na ang araw na yun, pakonti kami ng pakonti.
April nang magclosing kami. Anim nalang kaming magkakasama. Ako lang mag-isang babae kasama ko sina Eric, Jeff, Ian, Ryan at Lawrence.
Hindi nakasama si Josh kasi nagbakasyon sila sa Manila kasama pamilya niya.
Kaya nung araw na yun, panay ang text niya na mag-ingat ako. Hindi ako agad nakakareply sa mga texts niya dahil nagswimming kami.
Pagkabalik namin sa cottage ay tinignan ko agad ang cellphone ko. Tumatawag si Josh sinagot ko agad baka nag-aalala na ito.
"Boo, kamusta kayo jan? Kamusta ka? Okay ka lang ba jan?" Tanong niya
"Oo, wag ka mag-alala. Di naman nangangagat tong mga to diba. Hehe." Sagot ko
"Kung makakaalis lang talaga ako dito, pupuntahan kita jan. Boo. Pwede po ba pakibigay yung phone kay Lawrence?"
Binigay ko phone ko kay Lawrence at sila na nag-usap. Tumitingin tingin sakin si Lawrence habang sinasabing
"Oo pare, hindi namin siya pababayaan. Wala ako gagawin sakanya, tiwala lang hehe" at binalik na sakin ang phone"Ano nanaman ba sinabi mo ha?" Palokong tanong ko
"Sabi ko wag ka nila pabayaan at galawin kundi makakatikim sila saakin!" Sagot ni Josh
"Ikaw talaga! Osya na! Kakain na muna kami kain kana rin ha."
"Okay po. Ingat ka po ha. I love you." Paalam ni Josh. Binaba ko na ang phone
Mag gagabi na kaya nagsiliguan na kami. Magkatabi lang ang banyo ng lalaki at babae. Dinig na dinig ko sila habang nagtatawanan.
"Uy may sabon kayo? Pahiram naman" pasigaw na tanong ni Lawrence sa mga kasama niya
"Wala din ako. Tanungin mo si Claire." Sagot ni Ian
"Wag na nga lang." Sabi ni Lawrence
Tapos na silang maligo at nasa labas na ng banyo.
"Claire, hintayin ka namin sa labas ha. Andito lang kami" pasigaw na sabi ni Ryan
Sakto naman tapos na ako at nag-aayos nalang ng gamit. Palabas na ako. Kita ko umuulan na pala.
Pinuntahan ko na sina Ian. Nakatayo sa labas ng banyo hinihintay ako at pinapahina ang ulan.
Naunang umalis sina Ian at Ryan, tumakbo sila papunta sa cottage namin.
Tinignan ako ni Lawrence at sabi
"Tara na Claire, silong ka dito sa twalya ko"Nilagay niya sa ulo ko ang twalya niya, naghati kami doon habang papunta sa cottage.
"Salamat" sabi ko sakanya nang makabalik na kami sa cottage
Kumain muna kami habang hinihintay ang service namin. Doon na namin pinaghati-hatian ang bayad para sa service.
Una nila akong pinahatid sa bahay dahil sabay sabay lang din naman silang bababa. Magkakalapitan lang sila ng bahay malapit din sa school namin.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable EX
RomantizmHave you ever been inlove? Yung tipong minahal mo, iniwan ka, nagmahal ka ng iba, pero siya pa rin hinahanap-hanap mo. Kahit ilang beses ka niyang sinaktan, tatanggapin mo parin ba? Mahal nga ba o namimiss lang? True love na nga ba?