School

73 0 0
                                        

Habang papunta kami ay tinext ko si Nikka.

"Saan ka? Papunta kami sa school mo" sabi ko

"May pasok pa ako kahit may event. Kainis nga eh. Sino kasama mo?" Tanong niya

"Si Nathan lang" sabi ko

"Itext mo si Josh, nakita ko siya dito kanina" sabi niya

Tinext ko si Josh para siya na lang ang mag guide sa amin papasok sa school nila.

Bawal kasi ang outsider, dapat may I.D at may reason kung bakit papasok kami.

"Josh, papunta kami sa school niyo kasama ko Nathan" sabi ko

"Osige, hintayin ko kayo sa labas" sabi niya

Nang malapit na kami sa may gate ay may sinabi sa akin si Nathan

"Claire, di na ako papasok. May inuutos pa nga pala si mama sa akin. Sorry" sabi niya

"Ay. Iiwan mo ako dito? Pasok ka na muna saglit." sabi ko

"Hindi na. Hintayin nalang kita makapasok" sabi niya

Pumasok na ako at nakita ko na si Josh.

"Oh nasan si Nathan? Akala ko ba kasama mo siya?" tanong niya

"Umalis na siya, ewan ko ba dun biglang umatras! Kainis" sabi ko

Si Josh nalang ang kasama ko. Akala niyo kami lang dalawa no? Akala niyo lang yun!
Kasama niya mga kaklase niya at pinuntahan namin sila.

Nang nakarating na kami sa isang building, pinakilala niya ako sa mga kasama niya. Sila ang mga nakasama ko habang nanunuod at sumasakay ng mga rides sa school nila.

Kaming dalawa ang sumakay ni Josh sa Octopus. Magkatabi kami. Pero wala ng malisya sa akin yun.

Natapos na kaming sumakay at nagpaalam na kaming dalawa sa mga kasama niya. Kumain muna kaming dalawa sa laba bago umuwi.

"Uy birthday na pala ni Carolyn sa susunod na linggo ha?" sabi niya

"Oo nga. May balak ba?" tanong ko

"I-surprise natin siya? Sagot niya

Tumango ako

"Sige. Kausapin mo mga 4-Luke boys, ako na bahala sa mga girls"

Mahilig talaga sa surprise itong si Josh. Daming alam na pakulo.

Si Carolyn, remember? Siya ang aming president noon. Siya ang taga-bawal sa mga nanggugulo at ayaw na ayaw niya ang nagmumura dahil maka-Diyos siya.
 

Hinatid na niya ako pauwi at kinausap ko na ang 4-Luke Girls.

Carolyn's birthday is fast approaching. . .

Nag-ambag ambag ang mga iilan sa 4-Luke para kay Carolyn.

Bumili kami ng cake at balloons nina Josh. Kami lang nina Josh, Nathan at Donny ang pumunta sa bahay nina Carolyn dahil ang mga iba ay may pasok pa.

Hindi muna namin binati si Carolyn para magtampo muna siya at magtaka kung bakit. Kunwari hindi namin alam.

Pumasok kami sa bahay nila at nakita namin ang mama niya at nagmano kami.

"Hello po tita, nasaan po si Carolyn? Tanong ko

"Nasa kwarto niya. Carolyn! Carolyn!" sigaw niyang tawag kay Carolyn

Lumabas siya sa kwarto niya at nagulat siya ng andun kami.

Binati namin siya ng "Happy Birthday!!!" Habang binibigay sakanya ang mga lobo at cake.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon