Epal

66 0 0
                                    

Tatlo ang sofa na nandoon.

Nasa unang sofa kami na malapit sa white screen, katabi ko sina Nathan at Ryan.

Sa isa naman sina Ella at Alma at sa dulo ay sina Ian, Josh at Arvin.

Kumuha na ng popcorn sina Josh at Nathan bago magsimula ang movie. Unlimited ang popcorn doon.

Nagsisimula na ang movie.

Sina Ian at Arvin ay umupo sa lapag para daw mas maganda manuod. Si Alma naman ay tumayo at tumabi kay Josh.

'Ang landi naman talaga nun. Pinagpipilitan nalang niya sarili niya kay Josh.' Sabi ko sa sarili ko

Habang nandoon kami ay tinext ko iyon kay Nikka. Hindi siya nagrereply baka may pasok na sila at may professor na.

Nagsigawan at nagkagulo na dahil nasa gitna na ang movie. Yun ang part na sobrang nakakatakot na. Ako naman ay tumatago kay Ryan dahil sa takot at gusto ko nalang tulugan ang movie hanggang matapos.

"Tapos na ba?" tanong ko

"Oo wala na" sagot ni Ryan

"Tutulugan ko nalang yata eh" sabi ko

"Wag kang matulog Claire! KJ mo naman eh" sabi ni Nathan

"Hay nako! Whatever" sabi ko

Yes! Natapos na ang movie! Nagpicture sina Nathan kasama ang white lady sa screen. Nagtawanan kaming lahat.

I survived! First ko manuod ng horror movie.

Palabas na kami at may isang nagsalita sa mga kasama ko

"Saan ka nyan Claire?" tanong ni Josh

"Uuwi na. Kayo ba?" sagot ko

"Uuwi na rin ako. Hatid na kita?" sabi ni Josh

"Hindi wag na, salamat nalang" sabi ko

Nang nasa labas na kami, naghintay ako ng masasakyan habang hinihintay nila ako makasakay. Nagpaalam na ako sakanila at nagpasalamat.

"Thank you so much guys!! Napasaya niyo ako ng sobra!  Sabi ko sakanilang lahat

"Happy Birthday!! Thank you din! Ingat ka ha" sabi ni Josh

Sabay sabay naman sila nagsabing "happy birthday!" habang pasakay ako. Nginitian ko sila

Sumakay narin silang lahat sa sasakyan para makauwi na. Ano ba yan. Magkasama parin sina Josh at Alma. Nagseselos ba ako?

Hindi parin ako makaget-over sa ginawa nila. Yun parin nasa utak ko habang nagbbyahe ako mag-isa.

Nakauwi na ako. Nagulat sina Mama sa dala kong bulaklak. Hinihintay nila ako dahil aalis kami para kumain sa lumabas.

"Aba. Kanino galing mga bulaklak na iyan?" tanong ni Mama

"Kina Nikka. Sinurprise nila ako. Sabi kasi nila hindi sila makakadating. Ayun, nagulat ako sakanila" sabi ko

Nagpahinga muna ako bago kami umalis. May bumabati pa rin sa akin sa Facebook at may nagchat.

"Thank you Claire! Nabusog mo kami!" sabi ni Josh

"No problem. Thank you din sa surprise! Sobrang saya ko" sabi ko

"You deserve to be happy :)" sagot naman niya

Naging okay kami. Walang halong bitterness sa isa't-isa. Wala na rin ata silang communication nung crew sa coffee shop. Hindi ko narin kase nakikita yung babaeng yun sa coffee shop.

Nagkikita kami pero hindi na tulad ng dati na kami lang dalawa. Tinext niya ako after ng class ko.

"Claire nasan ka? Out ka na ba?" Tanong niya

"Malapit na. Patapos na ako mag-P.E. Bakit?" sabi

"Nandito kami nina Nathan sa Mcdo baka gusto mo pumunta dito?" aniya

"Osige. Hintayin nyo ko" sagot ko

Dismiss na kami at agad kong pinuntahan sina Josh. Nakarating ako doon. Sila lang dalawa. Malayo palang ay kita ko na siya at palapit na siyang nakangiti. Binuksan niya ang pinto para sa akin.

"Uy anong meron?" tanong ko sakanila

"Wala naman, biglaan lang. Tinext lang ako ni Josh eh" sagot ni Nathan

Masaya ang kwentuhan namin kahit kami lang tatlo. Wala ng dumating na iba, hindi na yata sila nagyaya. Hindi na rin ako nagyaya dahil alam kong sasaglit lang ako at mag-gagabi na.

"Kailan bakasyon niyo Claire?" Tanong ni Josh

"Last day ko nalang niyan bukas. Kayo ba?" Sagot ko

"Hanggang next week pa kami. Buti pa kayo" sagot niya

"Uy alas siete na, kailangan ko ng umuwi. Tinext na rin ako ni mama pinapauwi na niya ako" sabi ko sakanila

Hinatid na nila ako pauwi. Nagpasalamat ako sakanilang dalawa.

Huling pagkikita namin yon sa taong yun dahil bakasyon na rin.

New year na!
Ilang araw nalang, pasukan na ulit.

Inopen ko ang Facebook ko para batiin ng Happy New Year mga kaibigan ko.

New Message from Josh:

"Happy new year Claire! :)" sabi ni Josh

"Happy new year din Josh! :)" sagot ko

Ilang araw na lang niyan, magpapasukan na ulit. Nakakabitin ang bakasyon!

Pasukan na naman!

Malapit na ang University Days sa school nina Josh at Nikka, nagyaya sila na pumunta kami.

Kasama ko si Nathan pumunta doon. Kaming dalawa lang ang magkasama dahil hindi pwede ang mga iba. Busy na sa school.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon