New year, new life
Tapos na ang Christmas break! Nakakabitin naman. Di na yata ako sanay magsulat. Ang daming requirements! Tatlong buwan nalang at 3rd year na kami. Ang bilis ng panahon.
February
Love month. May nagbibigay sakin ng mga roses na galing sa ibang section pero di ko sila kilala. Nakatingin sa akin si Josh parang nagseselos. Pinabayaan ko lang siya. Hindi ko narin naman siya boyfriend.
Last day na ng 2nd year!
Ang bilis talaga ng panahon parang kelan lang nung first year palang kami.
Niyaya ako kumain sa labas ng classmate kong si Nikka, naging close kami simula ng lumipat na ng school si Sheena. Siya ang pumalit kay Sheena. Pumayag ako. Di ko alam na kasama pala si Josh dun. Kaming tatlo ang kumain sa labas.
Okay na rin naman kami ni Josh, close na ulit. Parang walang nangyari. Yun kasi ang importante sa aming dalawa. Friends pa rin kami.
Napagkamalan kaming nagbalikan ni Josh. Akala ng lahat na kami ulit pero hindi. Hindi na yata mangyayari yun. Maayos naman kasi siyang kasama, malambing parin. Namiss ko din siya ng very slight.
Nagpicture kaming dalawa at kami ang magkatabi sa upuan. Hindi ko alam ano nararamdaman ko, gusto ko siyang yakapin pero hindi pwede. Nakakahiya kay Nikka.
Hanggang sa matapos na kami kumain. Nagpaalam na kami sa isa't-isa. Habang pauwi ako, tinext ako ni Josh.
"Claire, ingat ka ha. Salamat! Pati kay Nikka."
"Thank you din, Josh."
Doon natapos ang last day ng pagiging sophomores. Sophies no more.
Bakasyon na naman!Summer time!!!
Susulitin ko ang bakasyon bago mag 3rd year. Sabi nila pag 3rd year ka na, marami ng gagawin. Hindi na pwede mag chill chill nalang at mababawasan na rin ang paglilibot.
Juniooooors!3rd year na! One year nalang at maggraduate na kami! Parang kailan lang kami first year ha.
Unang araw palang magulo na. Namiss namin ang kaingayan at gulo sa loob ng classroom.
Eto namang si President Carolyn nagbabawal na.
Maka-Diyos si Carolyn at strict siya sa amin. Dapat magdasal bago kumain, bawal ang nagsisigarilyo at bawal ang nagmumura pag andiyan siya. Kaya ganun katakot ang mga lalaki sakanya.
Friday afternoon, niyaya ako ni Carolyn na mag-attend ng youthgig nila bukas.
"Uy Claire! Gusto niyo mag-attend ng Youthgig sa church namin?"
"Anong meron dun?"
"Worship at Preach. Masaya doon. Wag na kayo mabigla kung may umiiyak at tumatalon talon ha. Ganoon kasi talaga doon"
"Osige, anong oras ba yun?"
"Mga 2pm dapat andoon na. Kita tayo ng 1pm?"
Nagkita kami sa isang store na malapit sa sakayan papuntang church nila. Kasama ko naman sina Kath at Ryan. Nacurious din kami kung anong meron doon.
Saturday after gig. My life has changed. Ang sarap sa pakiramdam na tinanggap mo si Lord bilang taga pagtanggol mo at humingi ako ng kapatawaran. First time! Nawala lahat ng tinik sa puso ko.
Ang saya ko. Sobrang saya ko ngayong araw na ito. Nagpasalamat ako kay Carolyn at niyaya niya ako dito
"Salamat Carolyn! Gumaan loob ko. Grabe! Next week ulit ha!"
Every Saturday lang kasi ang youthgig na yun.
"Lahat naman ng bagay may purpose" sagot niya sakin.
Naulit ng ilang beses ang pagpunta namin doon. Hanggang sa parami kami ng parami.
Naging buong klase na ang pumupunta doon. Natuwa kaming lahat. Nagseset ulit si Carolyn na pumunta doon kasama na halos ang buong kaklase ko.
Tinext ako ni Josh.
"Claire. Sasama kaba mamaya kina Carolyn?"Oo bakit?" Sagot ko
"Wala naman. Ingat ka. :)"
Magkasama na kami ni Carolyn habang hinihintay ang mga ibang classmates namin na darating.
Nagulat ako kasama ni Eric si Josh. Lumalapit si Josh sa akin at pinapalagay sa bag ko ang mga gamit niya. Di ako makatanggi dahil wala siyang bag at malaki naman ang bag ko so pwede pa.
Naging malapit kami ulit sa isa't-isa. Pinagkamalan nanaman na kami.
Akala ko wala na akong feelings kay Josh kaya sinagot ko ang nanliligaw sa akin na si Tom, kabatch ko siya at nasa ibang section siya. Niligawan niya ako ng mahigit isang taon.
May boyfriend na ako noon kaya di pwede na magkaroon ng something sa aming dalawa ni Josh.
Monday. Lunch time!
Sabay na kami ni Nikka kumakain pag lunch break. Naglalakad kami palabas ng school at pupunta sa kainan. Nasa likod pala namin sina Josh tinawag niya si Nikka.
"Nikka!" Sigaw niya
"Oh Josh?"
"Saan kayo kakain?"
"Doon parin sa karinderya kina Ate Linda"
"Bat di nalang kayo sumabay saamin? Doon tayo sa Don Fuegos."
"Sige. Okay lang ba sayo yun Claire?
"Sige lang." Sabi ko
"Ayos!" Sabi ni Josh
Nasa kainan na kami. Tumabi sa akin si Josh. Di ako naka-iwas.
Nakita kami ng mga kaibigan ng boyfriend ko at tinext ako ni Tom.
"Magkasama kayo ni Josh?" Tanong niya
"Oo, sabay lang kami kumain. Niyaya niya si Nikka eh."
"Magkatabi pa raw kayo? Ang sweet naman."
"Walang malisya to. Magkaibigan nalang kami." Huling reply ko sakaniya
Ilang beses kami nag-aaway ni Tom at nagsasawa na ako dahil lagi niya pinagseselosan si Josh.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable EX
RomantizmHave you ever been inlove? Yung tipong minahal mo, iniwan ka, nagmahal ka ng iba, pero siya pa rin hinahanap-hanap mo. Kahit ilang beses ka niyang sinaktan, tatanggapin mo parin ba? Mahal nga ba o namimiss lang? True love na nga ba?