Fall Inlove

66 0 0
                                    

Kinabukasan, tinext ko si Nathan.

"Nathan, alam mo ba nasan si Josh?" Tanong ko

"Nasa computer shop yun, hinihintay ka ata niya" sagot niya

"Sige wag mo sabihin tinanong ko ha. Pwede ba ako pasundo dito at puntahan siya?"

"Nasaan ka ba?"

"Nasa mall lang"

After class ko pumunta muna ako sa mall bago umuwi sana. Dapat uuwi na ako kaya lang nagbakasakali akong nandoon si Josh.

Sinundo ako at nagkita kami ni Nathan.

Habang papunta kami sa malapit sa school ko may inilabas akong chocolate at naglagay ako ng sticky note na may nakasulat na "SORRY :*"

Nagstay kami sa coffee shop malapit sa computer shop kung nasaan si Josh

"Nathan, andiyan nga ba siya?"

"Wait Claire. Tignan ko siya." Sagot niya

"Sige. Pwede ba pakibigay to sakanya kung andiyan siya at pakisabi pumunta siya dito? Salamat"

Bumalik si Nathan na mag-isa sa coffee shop

"Andoon siya. Pinabibigay niya to sayo" sabi niya

Binigay sakin ni Nathan ang ibang chocolate at nandoon parin ang sticky note

"Bakit ibang chocolate na to? Asan siya?"

"Masarap daw yun eh. Tinatapos nalang niya laro niya saglit nalang yun" patawa niyang sabi

Nakita ko na si Josh na papasok na ng coffee shop at pinuntahan kami

Uso pa noon ang pagdikit ng sticky notes sa shop na iyon. Kaya kumuha siya at nagsulat

"CLAIRE - Ang BABE kong pinakamaganda. <3"

I miss you po. Ingat lagi. You're always on my mind :"> I'll see you soon with a surprise!

PERRI"

Binasa ko muna yun bago niya dinikit sa pader. Napangiti nalang ako

"Ang corny mo. Anong surprise naman?" Sabi ko sakanya

"Basta surprise nga diba? Atat ka nanaman eh" sagot niya

PERRI? Bakit Perri? Favorite ko kasi si Katy Perry. Ang tawag niya sakin minsan ay Katy at siya naman daw ay si Perri.

Kinikilig talaga ako kahit alam kong walang KAMI at hindi kami.

August na
Ang bilis talaga ng panahon.

Naglunch kami ng classmate kong si Crystal malapit sa school namin. Biglang may nagtext gamit number ni Josh

"Hi, friend mo ba si Josh?"

"Oo, bakit? Sino to?"

"Friend niya ako. May gusto kaba sakaniya?"

"Sino ka ba? Bakit nasayo phone niya? Saan ba siya? Kasama mo?"

"Sagutin mo nalang tanong ko. Gusto mo ba siya?"

Nainis ako kaya binigay ko kay Crystal ang phone at siya ang nakipagtext. Hindi ko alam na aabot sa bangayan ang pagtetext nila. Nainis na raw si Crystal kaya pinag-eenglish niya at pinrangka.

Hindi ko rin alam kung ano ang pinagsasagot nitong si Crystal kaya hinayaan ko nalang.

Si Crystal, classmate at lagi kong kasama ngayon college, prangka at baliw siya kaya magkasundo kaming dalawa.

Chinat ako ni Josh pagkauwi ko

"Sino yung kasama mo kanina? Sino may hawak ng phone mo?"

"Si Crystal? Bakit?"

"Gusto ko siyang makausap!"

"Anong meron?"

"Ako yung katext niya nagpanggap akong babae. Iba rin siya magsalita ha!"

"Bakit ka naman kase nagpanggap?"

"Isusurprise sana kita kaso nasira plano ko. Sinira ng Crystal na yon! Wag mo nalang sabihin sakanya na ako yun"

Nalungkot ako. Paano kung umamin akong gusto ko siya? Siya din naman pala yung katext ko. Paano kung hindi ko binigay kay Crystal ang phone ko?

Feeling ko isusurprise niya ako ng "Will you be my girlfriend?" NANGHIHINAYANG AKO! SOBRA! Wrong move ako..

Friday na! Finally!

Nakita ko si Josh nasa school ko sakto naman kasama ko si Crystal. Binati ako ni Josh

"Hi Claire!" Sabay ngiti

"Uy Josh buti andito ka? Eto nga pala si Crystal"

"Eto ba yung nakatext ng kaibigan ko?"

"A-ah o-oo"

"Pwede ko ba siya makausap saglit?"

Tinignan ko si Crystal na parang walang gana makipag-usap kay Josh dahil sa nangyari kahapon. Pero wala siyang alam sa nangyaring pagpanggap ni Josh.

"Crystal okay lang ba?"

"For what?" Nakasimangot niyang sagot

"Something important" sabi ni Josh

Humiwalay silang dalawa sakin. Hinayaan ko sila. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila parang pinapagalitan yata ni Josh si Crystal..

Pagkatapos nilang mag-usap bigla akong nilagpasan ni Crystal at pumasok na sa loob ng school. Nilapitan ko naman si Josh

"Anong pinag-usapan nyo? Anong sinabi mo? Tanong ko

"Wala, yung nangyari lang kahapon sa text. Sabi ko wag siyang ganun makipag-usap lalo na hindi niya ako kilala"

"Umamin kang ikaw yon?"

"Hindi, wag mo nalang sabihin sakanya"

"Okay sige. Osiya pasok na ako ha. Ingat"

"Sige Claire. Bye. Ingat ka"

Pagkatapos ng araw na iyon, wala na akong natanggap na text mula kay Josh. Hindi na rin siya nagchat. Ano kayang meron dun? May bago na ba siya? Wala nanaman communication?

Ang masasayang araw namin ni Josh nawala lang sa isang iglap. Sa pagkakamali kong binigay ko sa kaibigan ko ang phone na dapat kami nalang nag-usap.

Kung sigurong umamin akong gusto ko siya, ano naman kayang surprise niya? Naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko na mababalik yun.

Ilang linggo na siyang hindi nagtetext. Ilang linggo narin akong naghihintay. Iniwan na niya ako. Ayoko ng umasa pa.. Ang sakit.

Umasa ako na magiging kami na ulit. Umasa ako na gusto niya ako. Akala ko okay na kaming dalawa.

Lumipas ang araw, nasanay na akong hindi nakakatanggap ng text galing sakanya. Tahimik na naman ang cellphone ko, walang load, walang katext at ang boring!

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon