Together Again

74 0 0
                                    

Mutual feelings

Ilang linggo ang nakalipas, nagkita ulit kami ni Josh para tulungan akong magpass ng requirements para sa internship/ojt ko at gawin na rin ang homework ko.

Pumunta kami sa isang company at nagpass na ng mga requirements para masimulan ko na ang ojt ko.

Yes, wala po kaming sembreak. Ojt po ang summer namin.

Pumunta kami sa isang computer shop para gawin ang homework ko. Kailangan kong gumawa ng powerpoint tungkol sa buhay ko. Siya na ang gumawa nun para sakin. A for the effort!

Family, friends and myself ang dapat nakapaloob dito. Kumuha siya ng mga pictures ko at pictures naming dalawa para ilagay doon. Halos kaming dalawa ang nandoon sa homework ko. Hinayaan ko nalang siya basta may ma-i-pass, mabait naman ang professor ko doon.

Habang ginagawa niya iyon, tinignan ko ang cellphone ko at biglang may tumatawag sa akin

"Claire, nasaan ka?" Tanong ni Nathan

"Andito sa computer shop kasama ko si Josh. Bakit?"

"Tara kain tayo kasama ko si Ryan"

"Oo sige, punta nalang kayo dito" sagot ko at binaba ko na ang phone.

"Sino yun?" Tanong ni Josh

"Si Nathan, nagyayaya siya kumain kasama daw niya si Ryan" sagot ko

"Bakit? Pumayag ba ako?" Seryosong tanong niya

"Minsan lang naman tayo nagkikita kita, classmates din naman atin sila noon ha! Upakan kita diyan eh!" Sagot ko

"Okay whatever! Stay muna tayo sa Mcdo habang hinihintay sila" sagot niya

Lagi kami sa Mcdo kumakain at nagkikita dahil yun ang malapit sa lahat.

Pumunta na kami sa Mcdo at umupo na. Hindi muna kami nag-order dahil hinihintay pa sina Nathan. Nagkwentuhan muna kami ni Josh doon.

"Salamat pala sa paggawa ng homework ko" sabi ko

"No problem. Basta ikaw :)" sagot niya

Ilang minuto lang ang nakalipas at nakarating na rin sina Nathan at Ryan.

"Uy musta? Walang pagbabago ha" sabi ni Josh sabay apir sakanilang dalawa

"Hi nathan!! Namiss kitang katabi sa classroom" sabi ko

"I miss you too Claire. Kanina pa kayo dito Josh?" Tanong ni Nathan

"Pare kayo na ba?" Tanong ni Ryan

Iniba ko ang usapan para hindi na masagot ang tanong ni Ryan.

"Uy order na kayo gutom na ako dali!" Patawa kong utos sakanila.

Nag-order na sina Josh at Ryan para sa amin. As usual, sagot ako ni Josh. Ang tigas ng ulo eh.

Nagkkwentuhan kami habang kumakain. Nakakatawa tong tatlong to. Nakakagoodvibes sila!

Tapos na kaming kumain. Nagkwentuhan parin kami at binalikan ang mga moments na nakakatawa, nakakaiyak, nakakahiya at higit sa lahat ang nakakamiss nung highschool.

Napatahimik ang lahat bang biglang may itinanong si Nathan.

"Pare pinopormahan mo ba si Claire?" Tanong ni Nathan kay Josh

Nagkatinginan kaming dalawa ni Josh at napangiti nalang sa isa't-isa. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun. Importante ba na magkarelasyon muna kami bago kami magsama? Hindi ko alam!

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon