What happen?
Bigla nalang siya naging dry. Dahil ba hindi kami nagkikita? Oo magkachat kami pero parang wala ng sparks. Wala ng kilig moments.
Nabusy yata siya sa paglalaro niya.
1 new message
"Hi. Good afternoon!
Care to text?
GM
-fourteen. J <3"Nakatanggap ako ng group message mula sa ex ni Josh na si Krisha, 2nd year student. Fourteen ang monthsary nila noon.
"Hindi ka pa ata naka move on?" Text ko kay Krisha
"Huh? Anong sinasabi mo?"
"Anong meron sa gm mo?"
"Wala, di ba pwedeng ilagay yun?" Sagot ni Krisha
Hindi ko na siya nireplyan. Habang katext ko si Josh, nagsumbong pala si Krisha sakanya.
"Ano tinext mo kay Krisha?" Tanong ni Josh
"About sa gm niya, natanggap mo ba?"
"Oo natanggap ko. Wala na kami nun. Matagal na. Wag mo nalang siyang patulan"
"Oh bakit parang pinagtatanggol mo pa siya? Nagkakausap pa ba kayo?"
"Hindi na. Ngayon lang niya ako tinext dahil inaway mo raw. Ikaw lang mahal ko baby."
Naging dahilan pa yun ng awat namin ni Josh. Paano kung niloloko na pala niya ako? Paano kung siya yung reason bakit siya dry sakin? Paranoid.
Nang makauwi na si Josh galing Manila, nagkita kami para manuod ng cine. Namiss ko to sabi ko sa sarili ko. Habang hinahatid niya ako pauwi.
Josh: pwede ba pa-hug? For the last time kasi matagal nanaman tayo di magkikita niyan.
Ako: dito talaga sa daan? Ayoko! Nakakahiya.
Josh: sige na please, pagbigyan mo na.
Di ko siya pinagbigyan dahil nakakahiya talaga ang daming tao at mahinhin pa ako.Bakasyon. Tinext ako ni Lawrence, gusto niya ako balikan at pinapili niya ako. Pinili ko si Josh dahil di ko na babalikan ang taong niloko ako.
One day, ilang beses siyang nagtetext. Bakit di raw ako nagrereply ngayon pala hindi niya natatanggap mga texts ko. Tinext niya bestfriend ko na pasabi daw magreply ako sakanya.
Kath: bes, magreply ka naman daw kay Josh.
Ako: nagrereply ako bes, di niya ata natatanggap. Pakisabi nalang sakaniya.
Kath: sige bes, ingat daw kayo.Naging messenger si Kath nun ng isang oras dahil sa di niya natatanggap texts ko.
Natapos na rin ang bakasyon! Magkikita at magkakasama na rin kami.
First day ng 2nd year
Di ko alam bakit di na kami nagkakausap, di na siya tulad dati. Simula pasukan hanggang matapos ang June kami ganun.
Di kami nagpapansinan kahit sa school. Nag-uusap lang kami sa chat.
Nakauwi na ako galing eskwelahan. May nagtext sa akin.
"Girl, kamusta? Hiwalay na ata kayo ni Josh?" Text ni Carmina, higher year level, medyo ka close ko dahil kay Shey
"Okay lang ako. Ikaw? Ha? Hindi, bakit?" Sagot ko
"Wag mo nalang sabihin na sinabi ko to ha. Nakikita ko kasi sila ni Kath pag nakakauwi kana, nagsasama silang dalawa. Binibili pa nga ni Kath ng pagkain si Josh pagkatapos ng practice sa banda."
"Ah, sige. Baka naman friends lang"
"Ewan ko ha. Pero usap usapan na rin sila dito sa practice eh."
Di ako makapaniwala. Si Kath nanaman?
Nagpapractice si Josh para sa banda. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinabi ni Carmina o hihintayin ko umamin si Josh sa akin. May napapansin narin naman kasi ako sa mga galaw nila ni Kath.
Nag-chat ako kay Josh."Pwede ba tayo mag-usap?"
"hi, kakauwi ko lang. May sasabihin din ako.." sagot niya
"Sige, mauna kana."
"Do you think our relationship is still working?" Aniya
"Ewan, malabo na yata eh."
"I love you, you know that. Pero di ko kaya na ganito tayo."
"May mahal ka na bang iba?"
"I'm sorry.. I think I'm falling for someone else."
"Does she makes you happy? Sige kung saan ka masaya."
"Sorry Claire.. I hope maging okay ka. Ingat ka lagi."
We broke up. Yes, Josh and I just broke up. The next day nalaman kong sila na ni Kath.
Dun din lumapit si Kath sakin. Pagpasok ko ng classroom tumabi siya sa akin.
"Bes, sorry. Sorry talaga bes.." Mangiyak ngiyak niyang sabi
Wala akong sinabi, di ko siya pinansin. Dineadma ko lang. Habang siya yumuyuko na.
Hanggang sa pumasok na sina Josh at ang teacher namin kaya umalis na siya sa tabi ko.
Nang gabing yon, chinat ako ni Josh.
"Napano kayo ni Kath? Bakit siya umiyak?"
"Ewan ko. Ang arte lang eh. Nagsosorry siya" sagot ko
Pinalipas ko yun. Wala ako sinabi sakanilang dalawa. Ang landi lang.
Shit lang diba. Bestfriend ko? Inagaw boyfriend ko? Lahat nalang ba ng break up dahil sakanya? Di ba siya makahanap ng ibang lalaking malalandi? Bakit mga naging boyfriend ko pa? Bakit?
July 18. Birthday ng classmate kong si Shey. Pumunta ako kasama mga ibang classmates at kaibigan ko na si Bea, nag-aaral sa ibang school.
Nagkatuwaan kami na uminom ng gin. Niyaya ako nina Mae at Hazel. Naka-apat na baso na ako. Malapit na maubos at medyo may pagkahilo na ako.
Nakita ko sina Josh at Kath kakadating lang kina Shey. Dineadma ko sila."Nakatingin si Josh sayo at mukhang nag-aalala." Sabi ni Bea
"Wala akong pakealam!" Sagot ko
Pumunta kami sa kwarto ni Shey. Dahil di ko kayang makita silang dalawa. Napahiga ako sa at biglang umiyak.
"Napano ka? Tumigil ka nga jan!" Tanong ni Bea
"Gusto ko ng umuwi" sagot ko
"Oh, tara na uwi na tayo!"
Ako lang ang nakarami ng inom dahil narin siguro sa sakit ng loob na nararamdaman ko. Gusto kong ilabas ang sama ng loob ko sakanilang dalawa.Bago ako umuwi, pina-inom muna nila akong kape. Naiintindihan nila bakit naging ganun ako. Namumula na ako dahil first time ko uminom ng marami at tinamaan ako.
Naka-idlip ako kina Shey at nung medyo maayos na pakiramdam ko tska na kami umuwi ni Bea.Hinatid nila ako samin at di ko pinahalatang nakainom ako.
Dumiretso ako sa banyo para maghilamos. Doon ako umiyak ng husto. Doon ako nasaktan ng sobra. Mas masakit pa to kaysa nung kami ni Lawrence.Kailangan ko ng matulog at magpahinga. May pasok pa bukas. Monday na at may flag ceremony pa.
BINABASA MO ANG
The Unforgettable EX
RomanceHave you ever been inlove? Yung tipong minahal mo, iniwan ka, nagmahal ka ng iba, pero siya pa rin hinahanap-hanap mo. Kahit ilang beses ka niyang sinaktan, tatanggapin mo parin ba? Mahal nga ba o namimiss lang? True love na nga ba?