Catch Up

81 0 0
                                    

Hinatid na kami ni Josh. Noong gabing yon, chinat niya ako.

"Hi Claire!" Sabi niya

"Hello Josh! :)"

"Pwede ba tayo magkita ulit?"

"Oo naman, basta pagkatapos ng class ko"

"Ano bang schedule mo?"

"Dismissal ko ng 4pm, MWF yun. 3pm naman pag TTh"

"Osige, sunduin nalang kita ha?"

"Oo sige yayain mo na din sina Nikka"

"Okay see you Claire!"

Monday na naman! Nakakatamad na!
Umagang umaga palang gusto ko ng umuwi. Tambak mga ginagawa. Ganito pala talaga kapag MedTech.

Ang tagal ng oras. Gusto ko ng madismiss. Sana weekends na!

Biglang nagtext si Josh

"Claire, nasa labas na ako ng school mo. Hintayin kita makalabas ha?"

Oo nga pala. Nakikipagkita siya, hindi ko alam na ngayon na iyon.

"3:10 palang ha? Ang aga mo? Baka ma-late kami madismiss, may activity pa kasi" reply ko

"Early dismissal kami e, okay lang. Maghihintay nalang ako dito" sabi niya

"Okay lang ba talaga? Itext mo na mga classmates natin para may kasama ka" sagot ko

4:05pm na. Kakadismiss lang namin. Overtime nanaman si Ma'am!

Nagmadali ako lumabas para mapuntahan na si Josh dahil nahihiya ako naghintay siya ng matagal.

Pagkalabas ko nakita ko na ang sasakyan niya. Pulang Vios ang kaniyang sasakyan at ang plate number ay JCS 012. Binuksan niya ang pintuan sa front seat.

"Uy Josh! Sorry ha? Nainip kaba? Ang tagal kasi magpadismiss nung prof namin. Asan mga iba?" Sabi ko habang pasakay ako sa tabi niya

"Okay lang. Sorry di ko na niyaya mga ibang classmates natin, gusto ko tayo lang muna dalawa. Okay lang ba, Claire?" Tanong niya

Ano pa bang magagawa ko, andun na kaming dalawa. Hindi ako makatanggi dahil sayang ang paghihintay niya. Bakit kaya? Idedate niya ba ako?

"Ay bakit? Saan ba tayo pupunta? Loko ka ha!" Sagot ko

"Ano ba gusto mo? Manunuod ng sine at kakain? Diba palabas na yung gusto mong 'The Reunion'?"

"Nakakainis ka naman bakit ba binibigla mo ako? Pero salamat ha! Atleast mapapanuod ko na at may kasama ako. Ayaw kasi ako samahan ni Nikka dahil lagi siyang hindi pwede"

Hindi ko alam bakit kinilig ako nang kami lang dalawa. Alam niya parin ang gusto ko andun yung crush ko sa papanuorin namin.

Alam niya kasi na noon pa gusto ko na tong si Kean Cipriano ng Callalily. At noong kami pa, naging theme song namin ang kanta nilang Sanctuary.

Habang nanonood kami, inilagay niya ang ulo niya sa leeg ko na para ba kaming magkasintahan. Hinayaan ko nalang, wala naman masama at magagalit.


Kinikilig ako sa pinapanuod ko dahil nakita ko si Kean at kasama ko pa si Josh. Pinipigilan ko lang iyon baka makahalata siya.

Natapos na ang pinanuod namin at palabas na kami ng sinehan

"Ang saya mo no? Nakita mo si crush mo"

"Oo naman, kinilig nga ako eh"

"Dahil sakanya o sa akin?" Tanong niya at ngumisi siya

Tumawa kaming dalawa at pinalo ko siya sa braso

"Kumain na nga lang tayo! Dinner narin naman" sabi ko

"Saan mo ba gusto? Libre ko na sige"

"Anong meron bakit iba yata mood mo ngayon? Lahat nalang libre mo" patawa kong sabi

"Wala naman. Gusto ko lang makabawi at namiss kitang kasama" sagot niya

Napatahimik ako sa sinabi niya at nagkunwaring wala akong narinig

"Saan tayo kakain? Anong gusto mo?" Tanong niya ulit

Muntik ko ng sabihing "ikaw" kundi lang talaga ako nagpigil.

"Kahit saan, ikaw na pumili" sagot ko

"Dating gawi?" Tanong niya

Pumunta kami sa Mcdo at kumuha ng lugar. Ang daming tao kaya no choice kaming sa dulo nalang.

"Anong sayo?" Tanong niya

"Kahit ano nalang, ikaw na bahala. Kaya mo na yan!" Patawa kong sagot sakaniya

Umalis na siya para makapag-order, nakikita ko naman siya habang nasa order station.

Sinundan ko ng tingin mga galaw niya habang pinatabi siya sandali para makumpleto ang order niya. Nakita kong naibigay na ang spaghetti na lagi kong order noon pag kumakain kami dito.

Habang naghihintay siya, lumingon siya at tumingin sakin. Nagkunwari akong di nakita yon at yumuko agad.

Tumingin ako ulit sakanya. Nakita kong nasa crew palang siya, hinahalo na niya ang spaghetti dahil alam niyang ipapahalo ko rin sakanya karating niya dito. Natawa ako sa ginawa niya.

Pabalik na siya at may dalang spaghetti, burger, juice at mcflurry na favorite ko.

"Eto na po. Juice ka nalang ha? Para di masyadong ma-acid" sabi niya habang nilalagay niya ang tray sa table namin

"Salamat! Bakit nakahalo agad ito?" Tanong ko sabay turo sa spaghetti

"Alam kong tamad kang maghalo kaya ginawa ko na. Alam kita eh!"

Napatawa ako sa sagot niya. Nabuo ang araw ko. Ang saya saya ko. Sana ganun nalang lagi sabi ko sa sarili ko. Sana di na matapos yung araw na yun.

"Anong oras ka pwede umuwi? Di kapa ba papagalitan niyan?" Tanong niya

"Maya maya, uwi na tayo" sagot ko

"Sige ihahatid na kita" sabi niya

Kinailangan ko ng umuwi dahil gabi na rin at may pasok pa bukas. Ayoko pa sana umuwi kaso may gagawin pa ako. Gusto ko pa sana siya makasama ng matagal.

Hinatid na niya ako. Magkatext at magkachat na kami araw-araw. Nagkikita na rin kami palagi pagkatapos ng klase ko. Lagi niya akong hinihintay. Minsan kasama mga classmates namin na biglaang lakad lang.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon