Isang araw, habang katabi ko si Sheena sa classroom
"Bes, hiwalay na ba kayo ni Lawrence?" tanong niya"Hindi man bes, bakit?" sagot ko
"Ahh.. wala naman bes. May nakwento lang sakin si Kath. Nevermind" sabi niya
"Ano yun bes? Kwento mo naman sakin!"
"Bes wag mong sabihin kay Kath na sinabi ko to sayo ha. Sinabi niya kasi sakin kahapon na gusto daw manligaw ni Lawrence sakanya.. Bes wag ka sana magalit"
"Oh talaga? Ano sagot ni Kath? Pinatulan ba niya?"
"Alam ko bes magkatext parin sila. Mukhang gusto rin ata ni Kath boyfriend mo."
"Sige salamat. Kakausapin ko nalang si Lawrence"
Nagulat ako sa nalaman ko. Really, uh, Kath? Napaghahalataan nga na may gusto siya sa boyfriend ko dahil lagi silang naghaharutan at nagtatawanan. May pagka maharot din kasi tong si Kath.
Last subject nalang. Wala ako sa sarili ko. Nagkukunwaring wala akong nalaman.
"10 minutes nalang bago kayo madidismiss, kung sino ang pinakatahimik na row sila ang unang lalabas" wika ni Mrs. David
Unang natahimik ang row namin kaya una kaming pinalabas. Tumayo ako at tinignan si Lawrence na huli kong nakatingin din sakin. Iba ang tingin niya. Tingin na parang gustong mag-sorry. Iniwasan ko na tingin ko sakanya.
Lumabas na ako para makauwi na. Kasabay ko si Sheena. Saktong dating naman ng service ko kaya agad ako nakauwi.
Bago matapos ang araw na yun, tinext ako ni Lawrence.
"Claire, I'm sorry""Para saan? Bakit?" Tanong ko sakaniya
"Ayaw kitang saktan pero ayaw ko na.. Ako ang may mali. Wala kang kasalanan. Sana maintindihan mo at mapatawad mo ako. Sorry." Sagot niya
"Okay lang, thank you."
Umiyak ako ng umiyak sa gabing yon. Paano ba naman kasi first heartbreak ko. Di ko kaya na makita siya ulit. Wala akong kinakausap na iba.
Pagdating ko sa school. Umupo na ako. Tahimik. Nakatulala. Walang imik. Parang pagod na pagod ako.
"Okay ka lang?" Tanong ni Shey na nasa harap ko.
Tumango ako. Si Sheena na ang nagsabi na break na kami ni Lawrence.
"Ahh, kaya pala kanina ka pa ganyan. Kanina ka pa niya tinitignan. Mag move on ka nalang, sayang ganda mo. Hehe" patawang sabi ni Shey
Wala man kaming one month ni Lawrence pero masakit. Makakamove on din ako. Kaya ko 'to!
Last month of the year!
Abala ang lahat para sa Christmas Party. Okay na ako, masaya ako na andiyan mga kaibigan ko. Nakatulong sila sa pagmomove on ko.Nakatoka sa mga pagkain ay kami nina Sheena, Shey, Carolyn, Ryan, Eric, Josh. Kinuha namin kina Carolyn ang pagkain na inorder dahil sila ang pinakamalapit sa school.
Iba naman nakatoka sa palaro, inumin, mga plato, pag-design ng classroom at iba pa.
Doon tayo unang nagkausap. Kayo ang taga buhat ng mabibigat. Lagi mo akong tinatanong kung kaya ko pa ba mga dala ko.
Sweet ka pala. Ngayon ko lang napansin. Lagi rin kitang nahuhuling tumitingin sakin.
Naging masaya ang Christmas Party namin. Kasama ko sina Shey, Sheena, Ella, Carolyn bago kami umuwi naisipan naming mag karaoke sa isang mall.
Nagkantahan kami at kumain. Saya ng araw na to. Kinailangan na naming umuwi dahil mag aalas singko na ng hapon.

BINABASA MO ANG
The Unforgettable EX
Roman d'amourHave you ever been inlove? Yung tipong minahal mo, iniwan ka, nagmahal ka ng iba, pero siya pa rin hinahanap-hanap mo. Kahit ilang beses ka niyang sinaktan, tatanggapin mo parin ba? Mahal nga ba o namimiss lang? True love na nga ba?