How It All Started

145 0 0
                                    

Back to school

 

Nagkita kita nanaman tayo. Bakit parang awkward ako? Sa ex ko ba o sayo na nakakausap ko na?

Habang nagdidiscuss si Mr. Garcia kinalabit ako ni Eric na nasa likod ko din at katabi mo.

"Claire! Bakit di mo pansinin si Josh? Tagal na niya nanliligaw sayo" wika ni Eric

"Ha? Nanliligaw?" Sagot ko

"Oo matagal kana niyang crush, di mo kasi pinapansin dahil sa ex mo. Binigay ko na pala number mo sakanya ha." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko

"Loko ka talaga! Walang ka-alam alam yung tao oh!" Sabi ko kay Eric sabay tingin kay Josh

Habang nasa tabi ka niya, nakayuko ka lang at namumula. Di ko alam kung kinikilig ka o mahihimatay kana sa kahihiyan.

Nung gabing yon, may natanggap akong text from unknown number

"Hi Claire :)"

"sino to?"

"Si Josh to, okay lang ba makipagtextmate?"

"Oh hello Josh! Okay lang hehe. Buti napatext ka?"

"Mangangamusta lang. Nga pala, yung sinabi ni Eric kanina.."

"Oh. Napano?"

"Aamin ako totoo yon. Gusto sana kita ligawan, kung pwede lang sayo?"

"Pinagloloko nyo ba ako! Alam mo namang di pako totally nakapag-move on sa mokong na kaibigan mo."

"Claire, seryoso ako. Okay lang, tutulungan kitang makalimutan siya."

Days passed. Nagkamabutihan kami, magkatext na kami lagi, sabay kumain at hinihintay service ko hanggang makauwi.

February nang sinagot ko siya. Sobrang saya. Kakaiba yung feeling na kami na. Araw araw niya ako pinapasaya, naghoholding hands pa kami noon at ginagawa lahat para sa isa't-isa. Iba yung care at pinagmamalaki niya ako sa lahat.

Ibang iba yung naramdaman ko kay Lawrence noon. Sobrang sweet ni Josh at kinikilig ako araw araw dahil sakaniya.

Lagi na kaming magkatabi sa classroom. Nagtutulungan sa mga assignments at projects.

Nung kumalat na sa campus na kami na, kinausap kami ng teacher ko kung alam naba ng parents namin. Sabi naman namin, opo. Kaya okay lang din sakanila.

Matandang dalaga kasi ang teacher kong iyon. Gusto niya maghiwalay lahat ng mga may girlfriend or boyfriend sa campus. Bitter lang ba.

Kasama ko sina Kath at Sheena na kumakain sa canteen

"Bes alam mo ba, nung minsan tinawagan ako ni Lawrence." sabi ni Kath

"Oh ano sabi niya?" Sagot ko

"Nanghihinayang siya kasi pinakawalan ka niya. Sinaktan ka niya kahit sobrang bait mo raw. Nagsisisi raw siya at iniwan ka niya. Naiinggit nga siya kay Josh dahil kayo na"

"Hay naku. Hayaan mo na yun. Masaya na ako."

"Tingin ko bes mahal ka parin nun"

"Pwes di ko na siya mahal! Dapat lang sakaniya yun! Gago siya eh. Dami namang babae nun"

Walang ng effect saakin ng sinabi yon ni Kath. Masaya na ako kay Josh. Tinulungan niya ako mag move on at makalimot sa lalaking binalewala ako.

Nabalitaan na rin sa campus na sina Ian at Shey ay magkarelasyon na.

Magkaibigan kami ni Shey pati sina Ian at Josh. Kaya kami ang magkakasama pag umaalis.

After school niyaya ako umalis ni Shey nang kaming dalawa lang.

"Claire, tara mall tayo mamaya?" Sabi ni Shey

"Anong gagawin natin?" Sagot ko

"May bibilhin lang ako, samahan mo ako"

"Sige. Itetext ko lang service ko na di ako pasusundo"

Malapit na nga pala ang Valentine's Day. Bibilhan ni Shey ng regalo si Ian. Kaya naisipan ko na rin bilhan si Josh ng regalo.

Noong una, nahirapan kami maghanap.
First time kasi namin bumili ng regalo para sa lalaki. Hindi namin alam kung anong gusto nila.

Bumili nalang kami ng t-shirt para sakanilang dalawa. Dinagdagan ko naman ng pabango ang akin.

Valentine's Day

Nagkita kami ni Josh at ng iba kong classmates sa isang building kung saan kami magpapractice ng sayaw.

"Nasaan kana?"  Tanong ni Josh nang tinawagan niya ako sa cellphone

"Malapit na ako. Paakyat na niyan" sagot ko

Paakyat na ako sa building, tumingin ako sa taas nakita ko na sina Shey, Ian at iba pa.

Sinalubong ako ni Shey at bineso beso.

"Happy Valentine's Day baby!" Sabi ni Josh na nasa likod ni Shey

May ibinigay siyang box at binigay ko naman sakanya ang regalo ko. Niyakap ko siya.

"Thank you. Happy Valentine's Day din"

Binuksan ko ang binigay niya. Bracelet na may mga pendant na damit, shoes at ibang pang fashionista.

Kilala kasi ako sa classroom namin bilang fashionista. Maarte ako sa pananamit pero gusto ko simple lang tignan mga sinusuot ko.

Kasama ng bracelet ay may mga sticky notes na nakasulat

"You're the most beautiful girl I've ever known"

"Thank you for everything, boo"

"I love you so much"

Marami pa mga nakasulat sa pira pirasong papel na iyon. Kinilig ako. Iba talaga mag-effort itong si Josh. To the highest level!

"Aww. Sweet. I love you too" sabi ko sakaniya

Tama na kilig moments! Magpapractice na para sa sayaw.

The Unforgettable EXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon