Thirdy's POV:
I checked the time on my phone and its already quarter to 4 in the morning and I am not getting any sleep, ilang gabi na akong ganito, mula ng makita namin si Bea at Cole sa Bellarmin na naglalakad while holding each others hand, hindi ko alam na sila na pala, o meron pala silang kung ano mang relasyon.
Oo di ko masasabing close kami ni Cole dahil hindi naman kami masyadong nagkakasama dahil kung kailan siya pinayagan na makalaro after his residency saka naman ako natanggal sa team.
Nagulat din ako sa sarili ko sa naramdaman ko that day, parang ang bigat sa dibdib, nakakaasar ang idea na baka sakaling sila nga. Pero sabi naman ni Ate Ly, nanliligaw palang si Cole, at alam ko rin na malamang di magtatagal at sasagutjn na rin siya ni Bea.
Dapat wala na akong pake sa kanila, mali rin na nagtext pa ako kay Bea at kay Jho, pero di ko mapigilan, somewhat nag expect ako na mag reply siya, na sabihin niyang “yes si Cole na nga ang pinalit ko sayo” merong parte sa akin na gusto kong manggaling mismo sa kanya na wala na talaga ako para sa kanya.
To Billie:
Hey Billz, stay awake? Gusto mo mag kape?
Alam ko naman na tulog na siya, pero sinubukan ko parin. After 30 minutes wala parin. Bumangon na ako, kumuha ng jacket sa closet, kinuha ang car key and went outside.
I want to see her, alam ko naman na wala na silang training ngayon dahil katatapos lang ng season, pero malay ko ba baka maisipan niya mag jog ng maaga, ang alam ko kasi sa dorm parin sila umuuwi since may klase pa. Dumaan muna ako sa Starbucks just to grab coffee.
Pero sana hindi nalang, kasi pagpasok ko palang nakita ko na siya sa may bandang sulok, nakataas ang isang binti, at minamasahe ni Cole. Fuck! They are both wearing an athletic attire, yun nga lang by the look of it di pa sila nakakapag simula kasi hindi sila mukhang pagod, mukhang in pain si Bea habang minamasahe ni Cole ang paa niya, nag cramps nanaman siguro siya dahil medyo malamig na ang umaga ngayon, kaya din siguro di na sila tumuloy tumakbo or what so ever.
Tumalikod na ako at aalis na sana ng bigla ko nasalubong sila Ate Ly at Jho na papasok din ng shop.
Alyssa: Oh Thirds! Ano ginagawa mo dito? Mag jo jogging kaba?
Napa irap naman si Jho na nasa likod ni Ate Ly at nakahalukipkip ang kamay, yeah her irritation towards me is so palpable, wew!.
Thirdy: Ah, yeah, mag jogging sana ako kaso bigla ako nagutom.
Jho: Mag jog? Eh bakit naka slippers ka? Tyaka cotton jacket? For jogging? Hello?
Mataray niyang sabi, di ako nakapag salita kaagad, si Ate Ly naman nilingon siya at alam kong sinenyasan si Jho. Umirap lang uli si Jho at nanahimik nalang.
Alyssa: Sa dorm ka pala natulog? Akala ko sa Cainta ka umuwi kagabi?
Siyempre sa Cainta ako natulog, nabuang lang talaga ako kaya ako nandito ngayon sa Ateneo.
Thirdy: Oo Ate Ly, so mauna na ako ha. Kakain pa yata kayo eh.
Alyssa: No, pupuntahan namin si Bea, nag cramps daw sabi ni Cole, tumawag eh dapat mag jogging sila pero sige. Bye
Bineso na ako ni Ate Ly at dumiretso na sila ni Jho sa pwesto nila Bea. Nagmadali na ako lumakad pabalik sa sasakyan ko.Haaa!! Parang sasabog na ang dibdib ko. Langya bakit masakit??
++++++++
From Thirdy:
Bea, can we talk? Please?
Woah! Seryoso ba siya? Ayos ah.
BINABASA MO ANG
Time After Time (Beardy Fanfic)
FanfictionI've been waiting for Bea de Leon and Thirdy Ravena to realize things and sadly wala pa akong napapala. Then came Bonfire, and I was taken to the sky again.
