Double-dealing

2K 54 12
                                    



"Ahm love, Jho invited me tomorrow."

Ipinagpatuloy ko ang pagtatali ng shoelace ko habang nakikinig sa kanya. We are about to run sa oval kasi namiss ko na ang tumakbo sa umaga since tapos na ang season ko and just waiting for the next sem before graduation. And today she accompanied me for a run kahit na on a break sila for training dahil katatapos din lang ng pre-season tournament nila.

"Invited you? Where? Ok lang naman na hindi mo ako masamahan bukas love, hindi kaya ako strict husband. You can still enjoy your life just like before. Assured naman ako na ako lang ang love mo diba?"

Sabay kindat sa kanya jokingly. But she just gave a hesitant smile.

"Kasi sa Batangas kami pupunta, birthday celebration niya, tapos ipapakilala niya si Nico sa amin. Mga two days kami sa kanila."

"And? Ok lang naman, basta magpaalam ka din kila Tita Det, kahit ganun nangyayari sa bahay niyo atleast magpaalam ka diba?"

"Kasi love, maliban sa team and Miguel. Kasama kasi si Cole."

That's where I stopped what I am doing. Nilingon ko siya and I know na gusto niya talagang sumama. After a long time ngayon lang uli sila nagka ayos ayos nila Jho at ng team niya. And I am happy for her, as much as possible ayaw ko naman talaga pang mahirapan pa siya dahil may mga bagay na hassle dahil sa relationship namin. Pero ibang usapan kapag ipapasok na si Cole. Kahit noong hindi pa niya nililigawan si Bea hindi na talaga kami magkasundo. Lalo na ngayong isa siya sa mga nasagasaan ko ng pinaglaban ko si Bea.

"Love, alam mo naman ang stand ko kapag napasok na sa usapan si Cole diba."

"Alam ko naman yun. Pero kaibigan din naman namin si Cole. Isa pa, gusto ko din sana i take ang opportunity this weekend to talk to him. I think he deserve a closure from me, yung matino."

"You know I hate to impose things on you Bea, pero wag naman this time. Pwede bang sabihin kong wag kana lang sumama kung kasama pala si Cole?"

"Akala ko ba may tiwala ka sa akin?"

"May tiwala ako sayo sa—"

"Yun naman pala eh, anong problema mo?"

She sounds irritated kaya nairita na rin ako.

"Sayo may tiwala ako, sa kanya wala."

"Mabuting tao at kaibigan si Cole."

"Wala akong pake! Hindi nga ako comfortable sa idea na makakasama mo siya ng two days diba?"

"So ganun? Kapag hindi ka comfortable dapat hindi ko gawin kahit gustong gusto ko na? Kahit it doesn't mean any harm to me? Basta hindi ok sayo, hindi pwede?"

"He does mean harm! Wake up! He once loved you, he once wanted to win you. And hell! Who knows baka hanggang ngayon mahal ka pa rin niya."

"You are impossible! Hindi mo siya ganun kakilala to judge him, kilala ko siya. I know that a heartbreak won't just change him."

"Ah so ako masamang tao? Dahil lang pinoprotektahan ko ang asawa ko, masama na akong tao?"

She throw her hands sideways and heave a sigh and smiled sarcastically

"gosh! Now you are being terrotorial! I can't believe this!"

Then she turned her back on me and walked away. Hindi ko na siya sinubukang pigilang umalis dahil alam kong mainit pa pareho ang mga ulo namin. Wala ding mangyayari.

+++++++++++++++++++++++++++++

Bea's POV:

Time After Time (Beardy Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon