4 - Life Saver

22 1 0
                                    

Biglang may humila sa kamay ni Kate.

"Hoy! Gusto mo ba magkasakit ha?! Halika nga dito!" Dumating si Darius.

Hinila niya si Kate sa kung saan 'man sila pupunta. Turns out, dinala niya si Kate sa bahay nila dahil malapit lang ito sa park.

Pinapasok niya si Kate at kumuha siya ng towel. Pinunasan niya si Kate at pinatuyo niya ang buhok ni Kate.

Biglang bumaba si Khlea galing sa kwarto niya. "Kate?" She frowned and sat beside her. "It's okay.." She comforted her.

Nakatunganga lang si Kate at walang lumalabas sa bibig niya.

She placed her head on top of Khlea's shoulder and Khlea rubbed her back repeatedly.

"Okay lang 'yan.. Maganda ka naman e.. Tyaka narami namang nagkakagusto sayo noh!" She said sabay tingin sa kuya niya and he smiled.

"Alam ko na, para sumaya ka, gusto mo mag pajamas party?" She asked with excitement.

Kate just smiled and nodded her head.

"Then, it's settled! Ako nang bahala kay tita, sasabihin ko dito ka matutulog, okay? Tyaka tatawagan ko na rin si Lia. And.. pupunta ako sa convenience store para bumili ng midnight snack. Oh, kuya Darius, ikaw na bahala kay Kate ah?" Khlea said.

"Sure!" Darius replied and Khlea left.

"Gusto mong umiyak noh? 'Wag mo na kasing pigilan.." Darius said and Kate shook her head.

"Tapos pagtatawanan mo ko?"

"Ha? Hindi ah? Halika, alam ko kung saan ka dadalhin para ilabas yang nararamdaman mo."

He held her hand and dragged her to his room. "Bakit dito?" She asked.

He opened her closet and removed all of his clothes. "Pasok na." He said and Kate widened his eyes.

"Diyan? Baliw ka ba?"

"Oo, baliw na baliw sayo." He smirked.

"Ano?!"

"Joke lang. Pinapangiti lang kita! Pumasok ka na kasi, sasamahan kita."

She rolled her eyes at pumasok sa closet niya. Tumabi sa kaniya si Darius at sinara niya ang closet.

Naging madilim at tahimik ang paligid.

"Darius, may claustrophobia ako." She said.

"What's that?"

"Fear of small spaces." She answered.

Darius held her hand. "Nandito lang ako. Hawak ko naman kamay mo e. Sige na, iyak na di kita pagtatawanan."

The atmosphere became silent again and a few minutes later, she started crying.

"Sige lang.. Ilabas mo na lahat." He whispered.

She held his hand tighter. "Darius sabihin mo nga? Paasa ba ko?"

"Lahat naman ng tao laging umaasa pag nagmamahal e. Okay lang 'yan. May mas hihigit pa naman kay Zander. Sa tabi-tabi lang, di mo lang kasi napapansin." He said.

"Alam ko.. pero, si Zander lang talaga yung laman ng puso ko.."

"Haysst.. kawawa ka naman. Halika ka nga rito mamahalin kita." Inakbayan niya si Kate at pinatong ang ulo niya sa balikat ni Darius.

"Nag jo-joke ka nanaman ba?" She asked.

"Hindi ah? Seryoso ako pag dating sa pag-ibig. 'Wag kang mag-alala tutulungan kitang mag-move on kay Zander."

"Paano?"

"Simple lang, mahalin mo ko."

"Tss. Tapos pag minahal kita, i-rereject mo rin ako?"

"Huh? Nope. Matagal na kitang mahal noh! Ikaw na nga lang hinihintay ko e."

"Mahal agad? Kahapon lang kita nakilala noh."

"Ikaw lang yun. Matagal na kitang kilala. Lagi kang kinukwento sakin ni Khlea, lagi niyang pinapakita yung mga pictures niyo tuwing gumagala kayo kung saan-saan. Habang nagka-interest na kong makilala ka. Hindi ako stalker ah? Nalaman ko lang toh lahat kay Khlea.. Favorite color mo ay black and white, favorite cartoon character mo si Mike Wazowski, mahilig ka sa street foods, etc.."

He said and she widened her eyes.

"Parang stalker na rin yun noh?"

"Edi stalker na! Basta ang mahalaga dito, mahal kita."

She smiled. She doesn't even know why.

"Patunayan mo nga?" She asked.

"Sure. Starting tomorrow, papatunayan ko sayo. Tapos, sisiguraduhin kong wala ng space si Zander diyan sa puso mo. Sasakupin ko yan!" They both laughed.

"Kung kaya mo!"

"Tss! Sisiw lang yan sakin!"

Pls comment and vote ;)
xoxo

[Unexpected] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon