21 - Love Sick

16 0 1
                                    

LIA'S POV

Kakagising ko lang at para bang umiikot ang mundo kapag naglalakad ako.

Ouch, ang sakit ng ulo ko.. Migrane lang ba toh? Sinat? Lagnat?

Hinawakan ko ang noo ko at mainit nga ako. Hindi toh migrane o sinat. May lagnat nga ako at sa tingin ko hindi ako makakapasok ngayon.

"Pa!" Sumigaw ako at agad na umakyat si papa sa kwarto ko.

"O, bakit?"

"Nilalagnat ako ngayon. Hindi na muna ako papasok."

"Nako. Ganoon ba? Sige, mag pahinga ka lang diyan sasabihin ko sa mama mo na bumili ng gamot." He said and then left.

Humiga ulit ako sa higaan ko at nag pahinga. Kahapon, hindi ako nakakain ng maayos at kagabi, hindi ako nakatulog.

Ano bang nangyayari sakin? Ba't ba toh ng yayari dahil sa isang sentence lang na sinabi ni Adam.

Ba't ba ko sobrang affected sa womanizer na yun?

Ay, oo nga pala. May gusto ako sa kaniya..

Siguro, kung naging kami, hihiwalayan niya rin agad ako tapos kinabukasan, may bago na siya. Ganoon naman talaga siya e. Hindi siya marunong mag mahal ng tunay kaya hindi niya alam ang pakiramdam ng masaktan, ng mabroken hearted. Hindi niya alam ang nararamdaman ko ngayon.

Ba't pa kailangang mag mahal ng isang tao kung sa huli masasaktan lang siya? Ba't kailangan mo pa siyang mahalin kung sa huli, iiwan ka rin niya?

Ang gulo rin ng "love" e. May forever ba talaga? Does it exist?

Marami na kong minahal pero.. Sa huli lagi rin naman akong nasasaktan.

Kaya nag bago ako noong nakipag break up ako kay Luke. Dati hindi naman ako ganito?

Dati, hindi mainitin ang ulo ko, hindi ako masungit. Pero, nagbago na ko. Naging masungit at beast-mode na ko lalo na pagdating sa mga lalaki.

Halos hindi ko na mabilang lahat ng ex boyfriend ko. Lagi na lang ako nasasaktan at umiiyak. Kaya, pinilit ko ang sarili kong maging matatag at palaban.

Kaya ngayon, hindi na ko basta-bastang iiyak dahil sa mga lalaki. Lalo na sa kaniya.

Kay Adam.

Ugh. Lalong sumasakit ang ulo ko sa mga topic na ganito! Matutulog na nga lang ako ulit!

But before I fall asleep, tinanong ko muna ang tadhana.

May magmamahal pa ba sakin? May tao pa bang hindi ako iiwan? Kung meron, please.. Ibigay mo na siya sakin. Please..

ADAM'S POV

Na sa school na ko at nag hihintay sa meeting spot namin. Tumingin ako sa paligid at nagtitinginan lahat ng mga babaeng studyante sakin.

Lahat sila halos kilala ko. Si Claire, Anne, July, Rose, Marie, Diana, Daniella, Pia, Shane, Kris, Lea, at marami pa.

Ganyan talaga pag pogi.

Pero... parang may kulang?

Dumating na sila. Unang dumating si Zander tapos si Jake at Drake, si Rheema at Khlea tapos sila Kate at Darius.

May kulang nga. Si Lia.

Tumingin ako sa likuran nila, umaasang makita ko siya. Pero, wala talaga siya.

Tumingin ulit ako sa paligid ko.

Lia, asan ka na?

Napakamot na lang ako sa ulo ko ng matagpuan ko ang sarili ko sa rooftop ng school, pawis na pawis at sobrang pagod na pagod sa paghahanap sa kaniya.

I took out my phone and called her pero hindi siya sumasagot. Nag umpisa na kong mag alala.

Bumaba ulit ako sa lobby. Nakita ko si Khlea kasama sila Rheema at Kate.

"Khlea! Nakita niyo ba si Lia?" I asked them and they shook their head. "Hindi mo pa ba alam? Tumawag samin kanina si tita, sabi hindi daw siya makakapasok kasi nilalagnat daw—.." Hindi ko na pinatapos si Khlea.

Basta-basta na lang sinabi ng puso ko na puntahan ko agad siya. Habang tumatakbo, pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko.

Marami na kong mga babaeng nakilala at marami na rin akong naging girlfriend.

Pero, si Lia lang ang tunay kong minamahal.

Nang makarating ako sa bahay nila, saktong nakita ko sila tita at tito na lumabas sa kotse nila may dala-dalang groceries.

"Ah, Adam ikaw pala? Teka, diba may pasok kayo ngayon? Ba't andito ka?" Tita asked.

I took a deep breath. "Meron po, tita pero gusto ko po munang malaman kung anong nangyari kay Lia?"

"Inaapoy siya sa lagnat e. Sobrang nag aalala na nga kami." She said and I widened my eyes.

"Ganoon po ba? Pwede po ba akong pumasok? Titignan ko lang po siya saglit."

"Sige, go on."

I entered their house and went quietly inside her room. Pag bukas ko ng pinto, nakita ko siyang natutulog.

Tinignan ko ang maamong mukha niya habang natutulog.

Hinawakan ko ang noo niya. Tsk. Nag aapoy nga siya sa lagnat. Ano bang ginawa niya? Ba't ba siya nilagnat?

Binuksan ko ang closet niya at kumuha ng towel at pumasok ako sa CR niya.

Binasa ko ang towel at piniga ito. I went back to her bed.

I fixed her hair. Bago ko nilagay ang towel, pinagmasdan ko muna ang mukha niya.

Kahit may sakit siya, maganda pa rin siya.

Nilagay ko ang wet towel sa noo niya.

I stood up and was about to leave pero tumigil ako. I turned around again at tumingin sa kaniya.

I walked near her and leaned down and gently gave her a kiss.

Dahan-dahan kong hinawakan ang nag iinit niyang kamay.

"Get well soon, Lia." I whispered.

Bumaba ako at nakita ko ulit sila tita. Nag paalam ako na aalis lang ako saglit at babalik rin.

I went to a grocery store nearby. Kumuha ako ng mga fresh fruits and bought it.

Bumalik ako sa bahay nila at hinugasan ko ang mga prutas. Pagkatapos, umakyat ulit ako sa kwarto niya.

Nilagay ko ang mga prutas sa table na nasa tabi lang ng higaan niya.

Biglang pumasok sila tito at tita.

"Thanks Adam." Tita said and I smiled at her.

"Sige po, aalis na ko. Pero, pwede pa bang wag niyong sabihin sa kaniya na dumating ako at ako yung naglagay ng towel at prutas?"

"Huh? Bakit naman?" Tanong ni tito.

"Um.. basta po."

"Sige. Hindi namin sasabihin."

"Thank you po. Aalis na po ako."

"Sige, ingat ka."

Lumabas na ko sa bahay nila.

Narinig ko ulit sa utak ko ang tanong ni tito.

"Huh? Bakit naman?"

Kasi..

Ayokong masaktan siya. Kasi...

Mahal ko siya.

[Unexpected] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon