LIA'S POV
Matagal na naming alam na may sakit ang lola niya.
Pero kailan man, di ko siya nakitang ganito.
Kaya ba lagi kong napapansin na wala siya dahil nagtatago siya para umiyak mag isa?
Tapos, iniisip ko na may kasama siyang ibang babae.
Napakasama ko talaga.
Kilala ko pa nga lola niya e. Mabait siya as in sobra na di ka maniniwala na
apo niya toh.
"Sige na. Ano bang sasabihin mo? At padabog kang pumunta dito? Kotongan mo na ko.
Okay lang." He said at kinotongan ko nga siya.
"Tanga!" I shouted at nagsimula na rin akong umiyak.
"Nag aalala ako sayo noh! Kung saan-saan nako nagpunta para hanapin ka tapos nandito ka
lang pala, umiiyak mag isa! Ba't di mo ko tinawag ha?! Edi sana di ka mag
isa dito!"
Napanga-nga na lang siya dahil first time niya kong makitang umiyak.
Ewan ko ba kung bakit bigla ko na rin siyang sinabayan sa pag iyak.
Parang naramdaman ko na lang kasi ung nararamdaman niya.
"Ba't ka umiiyak? Ako lang yung namatayan noh!" He said and I punched his shoulder.
"Gusto ko rin umiyak e! Ano bang paki mo?!"
We just continued crying. Para kaming mga bata na pinagalitan ng mga nanay namin.
Tinignan ko siya at nakita kong nilabas niya ang wallet niya.
Pag bukas niya ng wallet, nakita ko ang picture ng lola niya kasama siya noong bata pa siya.
Nakapatong siya sa legs ng lola niya at may hawak-hawak pa na lollipop habang nakangiti ang lola niya sa picture.
"Ang ganda ni lola noh? Kasing ganda mo, Lia." He whispered.
Hindi na lang ako sumagot para magsalita pa siya.
"Ba't ganoon? Lahat na lang sila umaalis, iniiwan ako. Sila mama at papa laging
umaalis abroad. Tapos si lola naman..."
He cried harder.
I looked down.
"Di naman nila gusto na iwan ka e. Oo nga, iniwan ka nila pero,
mahal ka pa rin naman nila e.
Pero iba ako, kahit mahal kita hindi kita iniiwan... diba?"
Teka, ano ba tong lumabas sa bibig ko?!
I suddenly felt my cheeks burning and my heart fluttering.
Napatingin siya sakin.
"M-Mahal mo ko?" He asked.
OO! DI BA OBVIOUS?!
"Syempre, as a friend." Pero sa huli, hindi ko pa kinayang mag tapat.
"Ah.. Buti na lang.."
Ano? Buti na lang?
Ha? Nagloloko ba siya? Anong, buti na lang?
Anong ibig niyang sabihin?
I widened my eyes.
Ako lang ba nagmamahal dito? Akala ko mahal niya rin ako?
So.. wala siyang gusto sakin?
BINABASA MO ANG
[Unexpected]
RomancePublished: 06.28.16 Completed: - Noong ni-reject ni Zander ang feelings ni Kate para sa kanya, Ginawa lahat ni Kate para makalimutan niya si Zander. Nang makilala niya ang pinsan ni Zander na si Darius Tinulungan ni Darius na maka-move on si Kate...