Pagkatapos mag-drama ni Kate, lumabas na sila sa closet at bumalik sa living room.
Kahit na nailabas niya na ang nararamdaman niya, may nararamdaman pa rin siyang sakit. Pero, binawasan ito ni Darius at dahil sa kaniya, she felt a lot better.
Dumating na sila Khlea at Lia na may dala-dalang snacks. "Oh my.. Kate! Gosh. It's okay, may mas pogi pa kay Zander diyan noh!" Lia said.
"Oo nga. Tulad ko." Darius said and they laughed.
"Nga pala, tinext ko na rin sila Jake at Adam. On the way na daw sila." Darius said. Biglang tumayo si Lia at binatukan si Darius.
"Baliw ka ba?! Ayokong makita yung Adam na yun noh!" She said.
"Oo nga kuya. Baka awayin rin ako ni Jake e.." Khlea complained.
"Tsk. Anong akala niyo? Kayo lang may party? Kami rin noh! Hahaha!" He laughed evily.
"Haysst!" Napakamot na lang si Lia.
"Nga pala, Khlea. Anong nangyari sa paa mo?" Kate asked her.
"Oh. Nabangga ko kasi si Jake kanina noong hinahanap ka namin. Nagkaroon ako ng sprain. Pero, tinulungan niya ko." Khlea said.
"Alam mo, nagpapanggap lang yang si Jake na binubully ka pero ang totoo may gusto naman yun sayo!" Lia said and Khlea shook her head. "That's not possible. Ayaw niya sakin noh. Kausapin ko nga lang galit na agad sakin."
"Di ka pa na sanay, ganoon talaga yung si Jake. Mainitin yung ulo." Kate said.
"Di ba ikaw yung closest friend niya Kate? Tanongin mo kaya siya!" Lia said at biglang nag blush si Khlea.
"Lia! 'Wag nga! Mapapahiya lang ako e.."
Tumawa kami nila Darius sa cute na reaction ni Khlea.
Dumating na sila Jake at Adam. Nag-umpisa nanaman ang World War between Adam and Lia at nag-umpisa na ring i-bully ni Jake si Khlea.
"Akala ko ba may pupuntahan kang babae ngayon?! Ba't ka nandito?!" Lia said to Adam.
"Hay nako. Di ka pa rin nakakamove on diyan?" Adam rolled his eyes.
"Ano masakit noh? Minsan bawasan mo kasi yang katangahan mo." Sabi ni Jake kay Khlea.
"Sorry." Khlea whispered. Kawawa naman siya, walang kalaban-laban.
Nakatunganga nalang sila Darius at Kate, pinapanood ang apat na nasa sarili nilang mundo.
"I guess.. mag luto na tayo ng dinner?" Kate said.
"Sure. Hayaan muna natin sila." Darius said.
Nag umpisa nang mag-luto sila Kate at Darius. They decided to cook sinigang for dinner.
Hinalo ni Darius ang sabaw habang nag-hihiwa si Kate ng gulay.
Kumuha si Darius ng kutsara at kumuha ng sabaw, hinipan niya ito sabay tikim.
"Kate, halika. Tikman mo nga." He said and Kate walked towards him.
Sinubuan niya si Kate ng sabaw. Biglang naasiman si Kate. Tumawa si Darius sa cute na reaction niya.
"Cute mo talaga." He said pinching her cheeks.
"Grabe ha? Sobrang asim naman."
"Sige na po. Babawasan na po." Darius said.
Khlea, Lia, Jake, and Adam is secretly watching them.
"M-Mukha silang mag-asawa.." Khlea whispered to Lia.
"Oh my gosh. New ship sailing!" Lia said.
"Mukha nga silang mag kapatid e." Adam said and Lia glared at him.
"Kung batukan kaya kita?" Lia said.
"Ba't kasi galit na galit ka sakin? Oh eto na, sorry na. Okay na?"
Lia rolled her eyes. "Tumahimik ka na nga lang."
"Yieee~ bati na kami~" Adam teased her.
Khlea watched them both and she laughed while Jake is watching Khlea.
Napatingin si Khlea and they had eye contact. Agad na umiwas si Khlea kay Jake.
"Okay na guys! Kainan na!" Darius said and they all sat on the dining chairs and started eating.
"Wow. Ang galing niyo mag luto ah?" Lia said.
"Tss. Kung wala si Kate hindi naman sasarap tong ulam natin." Khlea said.
"Mag tira kayo para kay Zander ah?" Biglang sabi ni Adam. They suddenly looked at Kate and she frowned.
"Bwiset ka talaga..." Piningot ni Lia si Adam.
"Ah! Ouch! Akala ko ba bati na tayo?"
Tumayo si Kate. "Um, busog na ko. Tawagin niyo na lang ako kung huhugasan niyo na yung mga
plato.." Tapos, tumakbo siya sa taas.
Pumunta siya sa rooftop nila Darius. She doesn't want to cry anymore. She just want to be alone.
Sinundan siya ni Darius. He stood beside her. "Di mo naman kailangang mag-tago dito," he said "Katabi mo lang naman ako kanina, diba sabi ko tutulungan kita?"
Biglang nag ring ang phone ni Kate. She took it out and looked at it.
Zander calling..
Napaiyak na lang siya agad. Darius grabbed her phone at sinagot niya yung tawag.
"Hello, Kate?"
Kate heard his voice at lalo siyang napaiyak. Tinakpan niya ang bibig niya para hindi siya marinig ni Zander.
"Oh, Zander. What's up bro?"
Hinila ni Darius si Kate at niyakap niya si Kate ng mahigpit.
"Darius? Did I call the wrong person?"
"No. Nandito si Kate sa bahay namin. Nasa CR siya ngayon kaya ako na lang sumagot. Bakit bro, may sasabihin ka ba sa kaniya?"
"Gusto ko lang kasi siyang maka-usap e.."
"Um.. Sa tingin ko matagal pa siya e. Ano ba yun? Ako na lang mag-sasabi sa kaniya."
"Paki sabi na lang, sorry. Wala bang nangyaring masama sa kaniya?"
"Wala naman bro. Nasa tabi niya lang ako kaya walang mangyayaring masama sa kaniya. Tyaka di mo na kailangan mag-sorry, bro. Makakamove-on rin si Kate sayo, sooner or later." Darius smiled.
"Ah, ganon ba?... Sige bro. Thanks."
"No problem."
He ended the call and dahang-dahang lumayo si Kate sa kaniya.
"Sabi ko sayo e. Nandito lang ako lagi sa tabi mo, kaya wala kang dapat ipag-alala." He said and then turned around.
He was about to leave pero, hinawakan ni Kate yung shirt niya and Darius turned around.
"Hmm?"
"T-Thank you." She blushed and Darius smiled.
He walked closer to her and leaned down to kiss her forehead. "Anything for you, princess."
Pls comment and vote ;)
xoxo
BINABASA MO ANG
[Unexpected]
RomancePublished: 06.28.16 Completed: - Noong ni-reject ni Zander ang feelings ni Kate para sa kanya, Ginawa lahat ni Kate para makalimutan niya si Zander. Nang makilala niya ang pinsan ni Zander na si Darius Tinulungan ni Darius na maka-move on si Kate...