10 - Angry Darius

15 1 0
                                    

"Subukan mo!" Kate sticked out her tongue and quickly ran away from him.

"Mamaya ka lang sakin.." Darius whispered to himself.

Nang nakalayo na si Kate, napansin niyang sobrang bilis ng tibok ng puso niya at mulang-mula ang mga pisngi niya.

Bigla siyang napatalon nang may kumalabit sa kaniya.

"Kate, okay ka lang?" It's Zander again.

KATE'S POV

Siya nanaman ulit ang kasama ko? Tadhana ba toh? Hindi. Wag ka na ngang umasa Kate! Ayaw niya sayo!

"Okay lang.." I replied and he slowly nodded his head.

"Wala kang mapili?" He asked putting a muffin on his plate.

"Oo. Lahat mukhang masarap e."

He laughed. "Yeah, right. Pwede mo namang tikman isa-isa kaso tataba ka." He said and I looked down.

"Kahit naman mataba ako o hindi di mo pa rin ako mamahalin.." I whispered to myself.

"What?"

"Wala. Sabi ko, masarap ba yang muffin?"

"Yup. Tikman mo rin kaya?"

"Yeah, ofcourse."

We went back to our table. Tinignan ko si Darius at mukhang galit pa rin siya.

Tumabi ako sa kaniya at tinignan ko siya. "Umalis ka diyan kung ayaw mong halikan kita." He said and I laughed.

"Ayoko nga. Pero, di ibig sabihin noon, nagpapahalik ako ah? Sabihin mo muna sakin ba't ka galit?"

"Kung ayaw mo edi ayoko rin."

"Darius kasi! Sabihin mo na para itama ko yung mali ko."

"Gusto mo talaga?"

"Oo. Please~"

He rolled his eyes and sighed.

"Oo, nag seselos ako. Kasi gusto ko ako lang yung lagi mong kasama, gusto ko ako lang yung lalaking kasama mo, gusto ko ako lang yung tinitignan mo, gusto ko na magustuhan mo rin ako, at higit sa lahat, ayokong makita kang nasasaktan dahil kay Zander. Ngayon, kaya mo bang panindigan yun lahat?"

My eyes just widened. He's being too honest and confident. Buti na lang hindi nila naririnig lahat ng sinasabi niya.

"Kita mo, di ka makasagot." He turned back to his food.

Totoo nga yung sinabi niya, wala kong masagot. Napanganga na lang ako sa lahat ng mga sinabi niya.

Ganoon ba niya talaga ako kamahal? Masyado yata siyang naniniwala sa forever.

I just continued eating. Ni isang salita, wala siyang kibo. Grabe naman siya mag selos. Pero... feeling ko ang saya ko. Dahil actually, ang cute niya mag selos.

Tuwing, titingin ako sa kaniya, pupunuin niya yung bibig niya ng sobrang daming pagkain.

"Ano Kate? Masarap ba yung muffin?" Zander suddenly asked me.

I smiled and I nodded my head. "Oo, masarap. Gusto ko pa nga e."

"Ako rin e. Gusto mo kuha tayo?"

I suddenly turned to Darius at biglang niyang iniwas ang tingin niya samin ni Zander.

Patay. Baka nagseselos nanaman siya.

"Okay na. Ayokong tumaba. Hahaha." Napakamot na lang ako. Gusto ko pa nga sana e. Kaso, baka lalong magalit tong si Darius sa akin.

Tinignan ko na lang ang iba kong mga kasama.

Sila Rheema at Drake ay busy sa pag uusap.

"Grabe. Ang sarap ng gummy bears!" Rheema said.

"Mag toothbrush ka pag-uwi. Masisira ngipin mo." Drake said na para bang nanay.

Tumingin naman ako kila Adam at Lia. As usual, para silang aso't pusa.

"Akin tong juice noh! Eto kaya yung sayo!" Adam said. Nako. Nagklituhan yata sila ng juice?

"Akin yan! Malalaki pa yung yelo ng sakin e! Eto tunaw na!"

Next, I looked at Khlea and Jake.

"What the-... Jake, ako kumuha ng pizza na yan ah? Ba't mo kinuha?"

"Sus. Kumuha ka na lang doon ng bago! Dami-daming pagkain dito mag dadamot ka pa."

Binatukan ko si Jake at napa-aray siya.

"Anong problema mo Kate?"

"Huwag mo ngang apihin si Khlea! Mahalin mo kaya siya noh?"

Biglang nag blush si Khlea at Jake. Ang cute talaga ng dalawang toh.

Last but not the least, tinignan ko sila Zander, Darius at ang sarili ko.

Para bang nasa gitna ako ng langit at impyerno. Nakakatense ang atmosphere namin.

[Unexpected] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon